2. Can't Find You

34.7K 1.6K 796
                                    

ANNOUNCEMENT: Before po kayo magsimula sa chapter 2, gusto ko lang malaman niyo na maikling kwento lang ito. Around 5 or 10 chapters lang dahil hindi naman ito major major project. Ayon lang mwuah!

Third Person POV

Ayaw maniwala ni Raego Lagdameo sa narinig na balita. Ayaw niyang tanggapin na nawawala ang dating asawa. Kahit na tuluyan na niyang pinutol ang ugnayan dito ay hindi maipagkakailang may nakaraan silang dalawa. Pero hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit napaka apektado niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang mababaliw siya sa narinig na balita.

"Raego...are you okay?" Hinawakan ni Camille ang kanyang kamay pero iwinaksi niya ito at tumayo. Kinuha niya ang kanyang telepono at nakitang may limang missed calls siya galing kay Lancer.

Nanginginig ang kamay niyang idenial ang numero nito at tinawagan ngunit ayaw magconnect sa taong gustong niyang tawagan. Mas lalong lumakas ang pintig ng puso niya. Paulit-ulit niya itong tinawagan pero ayaw kumunekta.

"FUCK! LANCER, WHY ARE YOU NOT PICKING UP?!" Inis niyang sigaw at sinipa ang isang mahabang paso.


"Raego! Calm down!" Saway ng kanyang ina dito. Napahilamos siya ng kanyang mukha at nagmamadaling lumabas ng bahay.

"Raego saan ka pupunta?!" Sumunod sa kanya si Camille, Regil ang kanyang ina, ama at mga kapatid.

"I'M GOING HOME!" Singhal niya dito at nagmamadaling sumakay sa kanyang sasakyan. Kumawala si Rigel mula sa pagkakahawak kay Camille at sumakay sa sasakyan. Sumunod rin ang kanyang ina.

"Rigel, go back. Masyado ng malalim ang gabi." Utos niya sa anak .

"Daddy please...I want to see, papa." Ang umiiyak nitong sabi sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya.

"Ma, you don't have to go. You have to sleep early." Ang sabi niya sa ina na inaalo ang kanyang anak. Humabol rin ng sakay ang kanyang kapatid.

"You're not in a good state right now, Raego. Kasama mo pa ang apo ko." Hindi na niya ito sinagot at pinaharorot ang sasakyan papunta sa kanilang dating bahay. Hinayaan na lang niya ang mga ito dahil gusto na niyang puntahan ang dating bahay.

Patay ang lahat ng ilaw at walang kabuhay-buhay ang bahay pagdating nila dito. Mas lalong lumakas ang kanyang pangamba.

Lancer never turn their lights off.

"Lola...si papa ko po.."Ang iyak ni Regil habang nakayakap sa matandang babae. Kasalukuyang binubuksan ng kapatid ni Raego ang pintuan ng bahay dahil nanginginig pa ang kanyang kamay.

"Your papa is fine...baka..baka natutulog lang ito." Ang pangungumbinse ng matanda sa apo.

Binuksan nila ang ilaw ng bahay. Sinalubong sila ng matinding katahimikan. Para bang nagluluksa rin ito sa pagkawala ng may-ari. Unang napansin ni Raego ang bakanteng pader. Wala na ang malaki nilang family at wedding picture. Wala na ang mga photo frame na nakasabit sa dingding.

Mabilis nilang tinungo ang dati nilang kwarto mag-asawa pero walang laman ang kama. Maayos na nakatupi ang kumot at naka pile ang mga unan. Walang bakas ng kanyang dating asawa. Binuksan niya ang kanilang cabiner pero halos wala na itong lamang damit bukod sa dati niyang mga gamit.

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon