Lancer Trinidad
Napailing ako nang makita si Hexus na naghihikahos sa pagtakbo papasok sa loob ng bahay. Galing ako sa clinic ni Mich para magpa-check up. Six days ago, naisugod ako sa clinic dahil biglang sumakit ang tiyan ko. Akala namin kung ano na pero sabi ni Mich okay lang naman daw ang baby.
"Hexus, okay ka lang?" Ang natatawa kong tanong sa kanya pagpasok ng bahay.
Humarap ito sa akin na nakapamewang at taas-baba ang dibdib. Malalaking hakbang ang ginawa niya upang makarating sa harapan ko. Niyakap ako nito ng mahigpit bago lumayo upang suriin ang kabuuan ko.
"Are you...are you fine? Is the baby fine?"
Tumango ako dito at ngumite. "Okay lang ako . Masyado lang talagang paranoid si Aisen."
Lihim akong natawa ng muli kong maalala ang nangyari sa harap ng paaralan. Mas takot pa si Aisen sa pagsakit ng tiyan ko. Pagdating namin sa clinic kinailangan rin siyang asikasuhin dahil sa labis na pamumutla at panginginig.
"I am so sorry. Gusto ko sanang umuwi kaagad dito pero nagkaroon kasi ng sobrang lakas na ulan hindi kami pinayagang makaalis sa port."
"Okay lang. Hindi mo kailangang mag-alala. Inalagaan ako ng mabuti ng mga taga-isla, nila Mich, Aisen at Hernan." Tinulungan ko itong tanggalin ang coat niya at isinabit sa coat rack.
"Speaking of Hernan, where is that kid? May ipinapabigay ang lola niya sa inyong dalawa." Kinuha nito ang isang may kalakihang paper bag at umupo sa sofa.
"Nasa taas, tatawagin ko lang. Hindi ko kasi pinayagang maglaro hanggat hindi tinatapos ang assignment niya."
"Hm. I'll wait here."
Masunurin at mabuting bata si Hernan pero minsan ay hindi talaga maiwasan ang pagiging mapaglaro nito. Kapag hindi ko pa tinatawag hindi ito titigil sa paglalaro at tuwing uuwi ay bagsak sa sofa na naliligo sa sariling pawis. Tinutulugan rin niya ang kanyang mga assignment kapag labis na napagod sa paglalaro.
"Nak? Tapos ka na sa assignment mo?" Tanong ko dito pagpapasok sa kwarto niya. Naglalaro na kasi ito sa mga maliliit niyang superhero figurines.
"Opo!" Itinabi nito ang kanyang mga laruan at ibinuklat ang kanyang libro. Napataas ang kilay ko ng makita ang ginuhit nitong 'family picture'.
"Ang galing mo mag-draw ah! Ang galing ng kuya ko." Nakangiti kong papuri dito pagka-upo ko sa tabi niya.
"Thank you po! Look po, papa, oh. Ikaw po ito tapos nasa loob ng tummy po si baby. Tapos ako ito na nasa gitna tapos tabi si daddy." Ang nae-excite nitong paliwanag sa akin ang stick figure na guhit niya.
Parang may kung anong mabigat sa puso ko habang tinitingnan ang ginuhit niya.
"Ngh.." Napahawak ako sa noo ko ng maramdaman ang masakit na pagpulso nito. Ito na naman. Kagat labi akong napayuko nang maramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko.
"P-papa? P-papa?! Ano pong nangyayari sa inyo po?"
Hindi ko alam. Hindi ko alam ang nangyayari. Natatakot ako. Pakiramdam ko mamamatay na ako. Nahihirapan na akong huminga at parang umiikot na ang mundo ko.
BINABASA MO ANG
Where To Find [√]
RomanceHighest Rank: #1 boyxboy STATUS: COMPLETED Lancer is inlove with a man named Raego Lagdameo, married a man named Raego Lagdameo, carried the child of the man named Raego Lagdameo, and divorced a man named Raego Lagdameo. When everything he values no...