8. Mad

32K 1.5K 407
                                    

Raego Lagdameo

"What the fuck is wrong with you, Camille!? This is not the first time you hurt my son! Matagal ko ng tinapos ang ugnayan natin pero ito at lumalapit ka pa rin sa amin ng anak ko. If it's not for my mom, I would have filed a restraining order against you. Hindi ko alam kung anong klaseng gayuma ang pinakain mo sa kanila para mapaikot ng ganito." Ang iritado kong sabi sa babaeng nasa harapan ko.

Tahimik itong umiiyak habang nakatayo sa harapan ko. She looked so pitiful and fragile while crying but I just can't find any sympathy in my heart. She did a lot of crazy and shitty things after I called off the wedding. Nag-iskandalo ito sa harap ng opisina ko, she slapped my son for 'disobeying' her, at sinubukan nitong ibagsak ang kompanya namin para kumapit kami sa pamilya niya.

Sa kabila ng lahat ng kabaliwang ginawa niya, my mother refused to acknowledge that she isn't the kind of woman she expected her to be. Palagi niyang pinipilit na epekto lang daw iyon sa hindi pagtuloy ng kasal namin. But I'm fucking glad na hindi nga talaga natuloy ang kasal namin dahil hindi ko na alam kung ano pang magagawa niya sa anak ko. I left my husband for this kind of woman. God knows how much I regretted it.

"Raego, believe me naman. I didn't hurt Regil! Naniniwala ka ba sa impostor na 'yon?! Did your heart turned soft dahil kamukha siya ni Lancer ha?! LANCER IS DEAD! HE'S NOT LANC-"

"SHUT UP! Shut the fuck up! I don't want to hear any word from a fucking bitch like you." Ang sigaw ko sa kanya bago ito tinalikuran at naglakad papunta sa kwarto ko.

Baka kapag nagtagal pa ako doon, hindi na ako makapagtimpi at makalimutan ko pang babae siya. I know I've hurt her but she can't use that excuse to hurt my child.

Lahat ng pinagtatanungan ko tungkol sa kanya nitong nagdaang araw ay pare-pareho lang ang sinasabi: he has been living here since he was a child. Ulila na raw ito sa mga magulang.

Madaming pwedeng eksplenasyon kung bakit magkamukha sila ni Lancer. It could be pure coincidence o may kambal si Lancer na napadpad dito. But that's just crazy. Ayaw paniwalaan ng puso ko ang lahat ng sinasabi nila. Everyone sounds convincing pero ayaw makinig ng puso ko.

"Regil, are you okay?"

Tumingala ito sa akin at naiiyak na yumakap sa bewang ko.

"Daddy, miss na miss ko na po si papa po. Gusto ko ng umuwi sa house natin at kumain ng cookies niya. Sana hindi na lang ako sumama sa inyo daddy," ang malakas niyang iyak. Binuhat ko ito at inalo.

Ever since Lancer's disappearance palagi na lang siyang tulala at tahimik. He became more aloof to people and would refused to talk to anyone. Kapag may nakikita itong kapareho ng postura ni Lancer, agad niya itong lalapitan.

"I'm sorry. I'm sorry, buddy. Sana mapatawad niyo ako ng papa mo."
Paulit-ulit kong hinalikan ang ulo niya.

Kahit hindi na bumalik si Lancer sa akin. I just want him safe and fine. Gusto ko lang malaman kung okay ba siya. Gusto kong malaman kung okay ba sila ng anak ko.

What I did to him was unforgivable at kung ang paglayo sa kanya ang kaparusahan ko then so be it. Basta alam ko lang na maayos ang kalagayan niya. That would be enough.

"Daddy, kanina po yong papa ni Hernan pinakain po niya ako ng cookies. Pareho po sila ng cookies ni papa." Ang sumisigok niyang sabi sa akin.

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon