3. Lose Everything

34.3K 1.6K 699
                                    

Third Person POV

Lumabas si Hexus mula sa kanyang opisina at bumaba ng hagdanan kasunod ng kanyang mga tauhan.

"Daddy ko, saan po kayo pupunta?" tanong sa kanya ng kanyang pitong taong gulang na anak.

"Sa clinic lang ako, Clyde. You stay here and do your assignments." Ang utos niya dito.

"Okay po." Bumalik ito sa pagsusulat sa kanyang notebook at siya nama'y naglakad palabas ng kanilang bahay.

Nasa tabi lang ng kanyang bahay ang clinic ng isla kaya ay madali niya itong natunton. Kakatayo lang din ng clinic na ito ngunit kumpleto naman sa mga kagamitan. Pagpasok niya sa may katamtamang laking gusali ay sinalubong siya ng malakas na amoy ng disinfectant at alcohol. May anim itong hospital bed na kurtina lang ang naghihiwalay. Meron din itong waiting area at front desk na tinatauhan ni Benrasol, isang siga na tinulungan niyang makapag-aral sa ALS at TESDA.

"Bossing! Magandang araw po. Nasa loob na si Dr. Consolasion." Ang masiglang bati nito sa kanya. Ngumite siya dito pabalik.

"Magandang araw din, Ben." Tinanguan niya ito bago siya tuluyang pumasok sa loob kung saan nakalagay ang mga hospital bed.

Nakita niya ang nakatalikod niyang mga tauhan tatlong kama mula sa kanyang kinatatayuan. Naglakad siya patungo dito at tumigil sa may paanan ng kama. Nakita niya ang isang lalaking may mga galos sa mukha. May mga nakakabit ditong mga aparatus. Sa kabila ng kasalukuyan nitong kalagayan hindi niya maiwasang punahin ang maamo nitong mukha.

"How is he, Mich?" Tanong niya sa kaibigang doctor na tumatao dito sa kanilang clinic. Asawa ito ng kaibigang engineer na nakatuka sa pagawa ng isang building sa isla para sa mga dayo.

"He's finally breathing but he's still unconscious. I have to run some tests para malaman ang problema. I also have to observe him for the development of acute respiratory distress syndrome or multi-organ failure." Ang sagot sa kanya ng doctor habang nakatingin pa rin sa pasyente.

"May alam ba kayo kung sino ang taong ito? Wala ba siyang ID, phone at wallet na nakatago sa bulsa?" Ang sunod-sunod niyang tanong sa mga tauhan.

Nagsi ilingan ang tatlong lalaki bilang sagot sa tanong ng kanilang amo.

"Wala ho talaga sir. Noong pinalitan namin siya, kamiseta, pantalon at panloob lang ho ang nakuha namin." Ang sagot ni Carding na head ng mga nagro-roving.

Hindi na siya nagsalita at muling ibinalik ang kanyang paningin sa maamo nitong mukha. Parang nakita na niya ito kung saan.

Muling bumalik ang ala-ala niya limang araw na ang nakakalipas noong pumunta siya sa isang bayan sa kabesera para bumili ng mga materyales.

"Mich, do your best to save him. Keep him safe please."

Naalala na niya kung sino ito.

Ito 'yong lalaking hinila niya sa tabi dahil kamuntikan na itong masagasaan. Wala ito sa sariling tumatawid sa daan ng makita niya ito noon. Hindi mabura-bura sa isipan niya ang walang buhay nitong mga mata at matabang na ngiti.

"I'll try my best."


Kinabukasan ay muli siyang nagtungo sa clinic para tingnan ang kalagayan ng kanilang bisita. Bandang ala singko na ng hapon ng magawi siya rito. Kasama niya ang anak sa pagbisita doon. Wala pa rin itong malay pagdating nila. Nakapikit parin ang mga mata nitong hitik na hitik sa mahahabang pilik-mata.

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon