7. Forgotten

31.5K 1.5K 651
                                    

Lancer Trinidad

"Papa! Papa ko!" Ang masayang sigaw ng isang bata na mabilis na lumapit sa akin para yumakap. Umiiyak pa ito habang nakayakap sa bewang ko.

Tumakbo rin papunta sa akin ang matipunong lalaki at yumakap rin ng mahigpit. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang niyayakap nilang dalawa. Para itong galing sa malayong pagtakbo.

"Fuck, Lancer, baby. You're fine. You're alive." Ang bulong lalaki habang nakayakap ng mahigpit sa akin. Iyong yakap na parang mawawala ako ano mang oras kapag bumitiw siya. Hinalik-halikan niya rin ang tuktok ng ulo ko.

Hinanap ng paningin ko si Hexus dahil natatakot ako. Gusto ko ng umuwi pero hindi ko alam kung paano kumawala sa kanila. Dahan- dahan kong itinulak palayo ang lalaki at binigyan ito ng isang pilit na ngiti.

"P-pasensya na po kayo pero Angelo po ang pangalan ko at hindi Lancer." Ang paliwanag ko sa kanilang dalawa.

Umiling ito at tumawa ng pagak. Pansin ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata niya. "No, don't say that, baby. You're Lancer. Tangina. Asawa kita. Don't you remember me, baby?"

"Baka magkamukha lang po sila, sir. That's just impossible dahil dito na nakatira si Angelo simula pagkabata niya." Ang sabat ni Aisen na ipinagtaka ko.

Hindi nakapagsalita ang lalaki at nanatiling nakatayo habang nakamasid sa mukha ko. Para bang hinihintay nitong bawiin ko ang mga sinabi ko. Tila hinihintay na sabihin kong mali si Aisen. Nang mapagtanto niyang hindi ko babawiin iyong mga salitang nabitiwan ko, agad itong yumuko at huminga ng malalim.

"Pero papa po kita eh! Sigurado po ako papa kita. Papa sorry po, hindi na ako magba-bad, papa. Uwi na po tayo papa. Uwi na po tayo, please." Ang malakas na iyak ng batang nakakapit sa akin.

Hindi ko maiwasang malungkot at masaktan para dito. Ramdam ko sa boses nito ang labis na pangungulila. Mukhang miss na miss na nga nito ang papa niya. Gustuhin ko mang pawiin iyong sakit na nararamdaman niya, hindi ko naman 'yon magagawa dahil hindi naman ako ang hinahanap nito.

Hindi ko na lamang pinatulan ang sinabi ng bata at hinayaan itong umiyak habang nakayakap sa akin.

"What's going on here?" Lahat kami ay napalingon kay Hexus. Bakas ang pagtataka at pag-aalala sa mukha niya.

Lumapit siya sa akin at sinapo ang magkabilang pisnge ko. Sinuri niya ang buo kong mukha at unti-unting napakunot ang kanyang noo nang may mapansin na kung ano dito.

"Bakit?"

"You're pale. Do you want to go home?" Ang malambing niyang tanong na tinanguan ko.

"Raego..Raego, right?" Tanong niya sa lalaking yumakap sa akin bigla kanina. Masama ang mga tinging ibinibigay nito kay Hexus. "Can you get your kid at nang maka-uwi na kami ng asawa ko?"

Mukhang may gusto pa yata itong sabihin pero mas pinili na lang nitong manahimik. "Regil, come here," ang utos niya sa bata.

Ngunit hindi nito ginawa ang iniutos ng ama. Lumapit na rin sa amin ang mga matatandang nag uusap-usap kanina. Katulad ng lalaking si Raego at anak nitong si Regil, gulat rin ito nang makita ako. Kamukhang- kamukha ko ba talaga ang asawa n'ong Raego?

"L-Lancer?" Ang isang magandang babae ang unang naka-recover sa gulat habang nakatingin sa akin.

Ngumite ako ng maliit dito at umiling. "Angelo po ang pangalan ko."

"W-What? But y-you look exactly the same. T-This is insane...I thought your dead." Ang hindi makapaniwala nitong sabi.

Hindi ko siya nasagot dahil bigla na namang sumakit ang ulo ko. Kumapit ako sa braso ni Hexus bilang pag-suporta.

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon