12. Bye

31.8K 1.3K 328
                                    

Lancer John Trinidad

"Angelo? Are you still awake?"

Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang mababang boses ni Hexus. Kasalukuyan akong nakaupo dito sa may balkonahe habang tinatanaw mula dito ang karagatan. Hindi kasi ako makatulog kaya tumatambay muna ako dito.

"May problema ba, Hexus?" Ang tanong ko sa kanya nang maupo ito sa tabi ko.

"Wala naman, I just want to talk to you. We rarely had any moment together after the Lagdameos arrived. How are you these days?" Ang tanong niya matapos niyang iabot sa akin ang mug na may lamang gatas.

Napangiti ako bago ako sumagot, "Okay lang ako. Salamat nga pala dito. Nag-abala ka pa. Ikaw? Kumusta ka na?"

"I'm... I'm doing fine," ang sagot naman niya.

Paglingon ko sa kayang gawi ay nakatingin na rin ito sa karagatan. Lumingon ito bigla sa direksyon ko kaya nagtagpo ang mga paningin namin. Seryoso itong tumitig sa akin. Parang kinakabisa ang mukha ko.

"Did you have fun staying here, Angelo?" Ang nakangiti niyang tanong. "....or Lancer?"

Nagulat ako sa ginawa niyang pagtawag sa akin. The way he called me, parang alam niya na kilala ko na ang sarili ko. Na tanda ko na ang katauhan ni Lancer.

"Alam mo?" Dahan-dahan ang bawat pagkakabigkas ko sa mga salita. Titig na titig pa rin ako sa kanyang gwapong mukha.

"I don't," aniya atsaka humarap muli sa karagatan. "But I can feel it. Your expression awhile ago and your question confirmed my intuition."

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kanya. Dapat ba akong mag-sorry? magpasalamat? Kasalukuyan kong tinatanya ko ang pinapakita niyang kilos at ekspresyon.

Hinihintay kong makita ang pagsasalubong ng kanyang mga kilay, ang pagkunot ng kanyang noo, ang pag-aapoy ng kanyang mga mata, ang mga panunumbat. Pero ilang segundo na akong nakatitig sa kanya ngunit wala akong napansing pagsama ng kanyanh ekspresyon. Kalmado lang itong umiinom mula sa kanyang mug.

"Did you have fun staying here?" Ang pag-uulit niya sa kanyang tanong kanina.

Binawi ko na ang aking paningin sa kanyang mukha nang matanto kong wala itong balak na komprontahin ako tungkol sa pagbabalik ng aking memorya.

"Sobra. Sobrang masaya ako habang nandito. Napalapit na kayo sa akin. Ikaw, si Hernan, si Aisen, si Mich, si Ben at marami pang iba na taga isla. Pinaramdam niyo sa akin na hindi ako iba. Pinaramdam niyong ligtas ako dito. Inalagaan niyo mo--ni'yo ako," ang mahabang sagot ko sa tanong niya.

Inilapit ko sa aking bibig ang mug at uminom mula doon. Napapikit ako nang umihip ng malakas ang hangin. Naala ko bigla ang bahay namin dati ni Raego. Tanaw ko kasi mula sa balkonahe ng aming kwarto ang siyudad. Katabi ko sa mga oras na 'yon ang asawa ko. Kahit busy ito kakatipa sa kanyang laptop, kuntento na akong katabi siya dati.

"Ako rin. Masaya rin akong napadpad ka dito. Masaya akong nandito ka sa pamamahay ko. Noong una kitang nakita, akala ko anghel ka," aniya. Malakas akong natawa sa kakornihan nito.

Pinaikot ko ang aking mata."Bolero."

"I'm serious," ang natatawa niya ring sabi.

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon