10. Revelations

30.2K 1.4K 303
                                    

Lancer Trinidad

Kinabukasan, napangiti ako nang makita ang katabi ko. Dahil may sakit pa nga si Raego, dito ko na lang pinatulog si Regil kagabi at baka mahawaan pa siya. Hindi rin siya maaasikaso doon.

Mahimbing pa itong natutulog kaya hinayaan ko muna itong matulog ng mahimbing. Tahimik akong lumabas ng kwarto at bumaba para maghanda ng agahan namin. Nadatdan ko doon si Aisen na nagkakape sa may kitchen island.

"Good morning, Aisen. Hindi ba umuwi sila Hexus at Hernan kagabi? Pasensya na kahapon ah, napagod kasi ako kaya maaga akong nakatulog." Ang paghingi ko ng paumanhin dito.

"Good morning rin, Angelo. Hindi sila nakauwi kahapon eh pero baka mamaya nandito na sila mamaya. Nagluto na rin pala ako ng kanin." Ang sagot niya bago muling ibinalik ang atensyon sa kanyang iniinom.

"Thank you. Anong gusto mong kainin, Aisen?"

Tumingin siya sa akin at ngumite. "Kahit ano. Masarap naman lahat ng niluluto mo eh."

Pagkatapos kong maisuot ang apron, dumiretso ako sa ref at kumuha doon ng manok. Naisipan ko kasing magluto na lang ng adobong manok.
Habang nagluluto ako, pansin ko ang pagiging tahimik ni Aisen. Hindi naman siya ganoon ka palasalita pero kakaiba lang talaga siya ngayon.

"Aisen...totoo ba yong aalis ka na?" Ang wala sa sarili kong tanong sa kanya.

Inilapag niya muna ang tasa ng kape at nagpakawala ito ng malalim na buntong hininga bago ako sinagot. "Hindi na ako sigurado, Angelo. Nalilito ako. Ikaw?"

Ako naman ang napatigil sa tanong niya. Nagtataka ko itong tiningnan. Pilit kong binabasa ang kanyang ekspresyon sa mukha. Anong ibig niyang sabihin?

"A-Anong ako?"

"Angelo, hindi ba pamilyar sa iyo ang batang natutulog sa kwarto mo?" Any tanong niya matapos nitong salubungin ang paningin ko.
"Eh ang Lancer Trinidad? Hindi ba pamilyar sa'yo ang pangalan na'to?"

Puno ng intensidad ang binibigay niyang tingin sa akin. Parang may kung ano siyang hinihintay na sagot mula sa akin. Hindi ko magawang makapagsalita. May kung anong bumabara sa lalamunan ko at pinipigilan akong gumawa ng ingay.

May kung ano siyang tinipa sa kanyang cellphone at ibinigay ito sa akin. "Here."

Kinuha ko ito sa kamay niya at tiningnan ang mga lamat doon. Balita ito tungkol sa nangyaring paglubog ng isang barko. Kasama doon ang larawan ko at sa ibabang bahagi n'on ay nakasulat ang pangalang Lancer John Trinidad.

Saglit akong napatitig sa cellphone at napaisip. Ibinalik ko sa kanya ang hawak-hawak na cellphone at bumalik sa pagluluto. Hindi ako nagsalita.

"Wala ako sa lugar upang manghimasok sa buhay mo, kay Raego o kay Hexus pero may mga batang nadadamay sa komplikadong sitwasyon niyong 'to. Ayokong masaktan ang anak ko, Lancer, kapag naisipan mo ng bumalik sa pinanggalingan mo." Aniya sa seryosong boses.

Hindi ako makagalaw sa kanyang isiniwalat na rebelasyon. "A-Anak?"

Tumango siya sa akin bago ako binigyan ng isang maliit na ngiti. "Kagaya mo, kaya ko ring magdalang tao. May nangyari sa pagitan namin ni Hexus 8 years ago. I got scared after learning about my condition. Sabi ng doctor carrier daw ako. It existed but it was uncommon. Estudyante pa lang ako n'on. Nahihirapan nga akong buhayin ang sarili ko pano pa kaya ang bata? Dahil nag-aaral si Hexus sa ibang bansa, hindi ako nahirapang itago sa kanya ang pagbubuntis ko. Pasikreto akong nanganak gamit ang savings ko." Tumigil siya saglit para punasan ang mga luha niya. "Pagkatapos ng tatlong buwan, iniwan ko ang anak ko sa harap ng bahay ni Hexus. Ayaw kong gawin pero iyon lang ang alam ko para mabuhay ang anak ko sa maayos na pamilya. Iyon lang ang alam kong tama. Kahit masakit, okay lang basta alam kong natutulog ang anak ko sa malambot na kama. Nakakakain ng maayos na pagkain tatlong beses isang araw. Nakakapag-aral sa magandang paaralan. Alam kong pinalaki siya ng pamilya ni Hexus na puno ng pagmamahal."

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon