4. Identity

31.7K 1.5K 267
                                    

Lancer Trinidad

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang anak ko na masayang nagkukulay sa kanyang coloring book. Nakaupo ito sa pagitan ng mga hita ko.

Sumandal siya sa aking dibdib at hinimas-himas ang medyo may kalakihan ko ng tiyan. "Papa, kailan po lalabas si baby?" Ang tanong niya sa akin habang patuloy pa ring hinihimas ang tiyan ko.

Ngumite ako dito at inayos ang kanyang nagulong buhok. "Three more months pa anak eh. Excited ka na ba?"

Tumingala ito sa akin, excited na tumango at ngumite ng pagkalaki-laki.

"Opo! Sila Jangjang, Clent, at Kiyo may kapatid na po sila. Ako lang wala." Ang may bahad ng lungkot nitong sagot sa akin.

Ipinalibot ko dito ang aking mga braso at mariing niyakap. "Alam ko magiging the best kuya ka." Ang sabi ko dito bago siya ginawaran ng halik sa ulo.

Tatlong buwan na simula ng mapadpad ako dito sa isla Libutan. Wala akong kaalam-alam kung saan ako papunta o anong mangyayari sa akin dito. Wala akong maalala ni isa, anong mang pilit kong gawin. Habang nandoon ako sa clinic pawang takot at sakit lang ng katawan ang nararamdaman ko. Idagdag pa nang sinabi ni Mich sa akin na buntis ako.

Mas lalo akong naguluhan sa nangyayari. Para akong nakatayo sa malawak na kawalan. Hindi ko inakalang may abnormal pala akong kakayahan.

Pero tinulungan ako ni Hexus na makabangon. Kinupkop niya ako at inalagaan. Tinuring nila ako ni Hernan na anak niya na parang isang tunay na pamilya.

Habang nasa piling nila ako parant nay kunh anong napupunan sa puso. Parang pamilyar sa akin yong saya tuwing nakakasama ko sila.

Naramdaman kong mas bumibigat na si Hernan na nakasandal sa dibdib. Pagsilip ko sa maamo nitong mukha ay sumalubong sa akin ang nakapikit nitong mga mata at mahina nitong paghinga. Tahimik akong napabungisngis.

Two months ago, nahihiya itong nakiusap sa akin kung pwede ba daw niya akong tawaging mama. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun ang gusto niyang itawag sa akin. Halos gawain kasi ng isang ina ang ginagawa ko at mukhang nangungulila ang bata sa alaga ng isang ina. Eh hindi naman ako babae para tawaging ganun kaya sinabi ko nalang na pwede niya akong tawaging papa. Simula noon papa na ang tawag nito sa akin. Palagi rin niya akong nilalambing.

Tiningala ko ang kulay gintong orasan na nakasabit sa may kaputiang dingding. Pasado alas singko na pala ng hapon. Maya't maya lang ay darating na rin si Hexus. Busy kasi ito sa ginagawang resort niya na magbubukas na sa susunod na buwan. Todo ang preperasyon na ginagawa ng mga taga isla. Lahat sila ay nagtutulungan.

Napalingon ako sa pinto ng marinig kong magclick ang busol ng pintuan. Dahan-dahan itong bumukas hanggang sa iluwa doon si Hexus na bakas ang pagod sa gwapo nitong mukha.

Nakakunot ang noo nitong lumapit sa amin habang ang mga mata'y nakatuon sa kanyang anak na nakatulog sa dibdib ko.

"Hi," ang nakangiti kong bati dito pagkalapit niya sa amin. Mula kay Hernan, ibinaling niya sa akin ang kanyang mga tingin at ngumite pabalik. Yumuko ito at hinalikan kaming dalawa ni Hernan sa noo.

Ganito palagi si Hexus sa akin. Noong una ay nabigla at medyo naasiwaan ako. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit bigla-bigla na lang niya akong hinahalikan sa noo. Sabi niya ganun lang daw siya sa mga taong importante sa kanya. Isang buwan pa lang kaming magkakilala nun pero pinagkatiwalaan niya kaagad ako at tinuring na isang matalik na kaibigan. Tumitira ako sa bahay nila kapalit ng pagbabantay ko kag Hernan. Ayaw kasi akong pagtrabahuin ni Hexus eh ayaw ko namang umasa sa kanya. Kaya ito naging yayo ako ni Hernan.

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon