Epilogue

41.8K 1.6K 747
                                    

Lancer John Trinidad

"Leo? Naayos niyo na ba ang mga table sa labas?" Ang tanong ko sa kapatid ko nang pumasok ito sa kusina. Dumiretso ito sa water dispenser at kumuha ng tubig doon.

Nilagyan ko muna ng takip ang niluluto ko at hinayaan itong maluto. Pinunas ko muna sa tela ng suot-suot kong apron ang namamasa kong kamay bago ko tinanggal ang suot-suot kong apron.

"Yes, kuya. Nilalagyan na lang nila ng mga balloons ang mga upuan." Ang sagot nito matapos mailapag ang baso.

"Eh 'yong mga pamangkin mo? Nasaan nga pala sila?" Ang muli kong pagtatanong habang tinitingnan ang mga pagkaing nakahanda na.

"Ate Mira, kapag pumasok po sila Jovan dito pakisabi nga po na ilabas na itong mga pagkain. Maga-ayos lang po ako," ang pakiusap ko kay ate Mira na isa sa katulong ko ditong nagluluto.

Tatlo silang tumutulong sa akin magluto: si ate Mira, Jovan at Kai. Isa't kalahating taon na rin silang namamasukan dito sa bahay bilang katulong. Wala naman akong maiireklamo sa kanila dahil mapagkakatiwalaan at masisipag silang tatlo. Nahihirapan na kasi ako sa mga gawaing bahay dahil sa pag-aalaga ng mga anak ko at pagma-manage sa café na binuksan namin ni Aisen.

"Kasama nila si Ramcis, kuya. Naglalaro sila sa kwarto ni Regil. May maitutulong pa ba ako dito?" Ang tanong niya bago pumulot ng lumpiang shanghai mula sa isang tray doon.

Napailing na lang ako't napangiti. Kanina pa kasi ito tumutulong sa paghahanda sa ikalawang taong birthday ng bunso kong si Remi.

"Wala na. Sige, pahinga ka muna. Puntahan mo muna 'yong boyfriend mo at baka sabihin na namang inaagaw kita sa kanya," ang natatawa kong sabi sa kanya.

Noong isang buwan ko lang nalamang may relasyon silang dalawa ni Ramcis. Wala namang problema aa akin 'yon basta hindi lang gagaguhin ni Ramcis itong kapatid ko. May pagka palengkero kasi ang isang 'yon.

Tumawa ito saka nauna ng lumabas. Lumabas muna ako saglit sa frontyard ng bahay para i-check ang progress sa pagde-desinyo dito. Naka set-up na sa pinakagitna ang napakalaking iflatable pool na pinailaliman ng makukulay na mats. Puno ito ng maraming mga makukulay at maliliit na hallowed plastic balls. Meron ring inflatable slide na nakakabit dito.

Naka-aarange rin sa paligid ang mga malalaki at maliliit na mga lamesa't upuan. May mga party hats at coloring books rin na nakapatong sa bawat lamesa. Nang masiguro kong ayos na ang lahat dito, muli akong pumasok at pumanhik sa itaas para mag-ayos. Ilang minuto na lang at siguradong magsisidatingan na ang mga bisita.

Bago ako pumasok sa loob ng kwarto, tumigil muna ako sa harap ng altar para sindihan ang mga kandila. Maingat kong pinunasan ang malaking litrato sa gitna at tahimik na nagdasal.

Wala man siya sa namin, alam kong binabantayan niya kami palagi. Hindi siya mawawala sa puso't isipan ko hanggang sa huli kong hininga. Habang buhay ko siyang mamahalin at papasalamatan. Naging ganito ako dahil sa kanya. Kung hindi dahil sa kanya ay baka wala ako dito sa mundo. Baka hindi ako naging ina't ama sa dalawang makukulit na chikiting.

Masakit pa ring isipin na hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kanya ng maayos. Hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin ako. Marami pa rin akong pinagsisihan sa buhay ngunit natuto akong magpatawad. Hindi lang sa ibang tao kung di ay pati na rin sa aking sarili.

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon