9. In sickness and in health

29.5K 1.3K 324
                                    

Lancer Trinidad

"Are you really going to be fine?" Ang nag-aalalang tanong ni Hexus sa akin.

Tumingala ako dito at tumango. "Okay lang talaga ako dito. Babalik din naman kayo mamayang gabi eh," ang paninigurado ko dito habang inaayos ang necktie ni Hernan Clyde.

Kahapon lang ay tumawag si tita sa akin para suyuin si Hexus na um-attend sa kasal ng kanyang pinsan. Gusto nga rin niyang sumama ako pero nag-aalala daw siya sa akin at buntis ako. I can't travel a lot.

"Papa, dadalhan po kita ng maraming gifts pagbalik namin po. Sabi ni tito Aisen, babantayan ka po niya lagi. Sinabi ko na rin sa mga kaibigan ko na bantayan ka," ang pagsingit ni Hernan sa usapan namin na ikinangiti ko.

"Pramis mo yan ah! Balik ka agad. Mamiss ko baby ko. Pakiss nga." Hinapit ko siya papalapit sa akin at pinugpog ng halik. Napuno ng malulutong niyang hagikhik ang kwarto. Hindi na rin namin mapigilan ni Hexus na tumawa.

"HAHAHA! Stop na. Masisira ang outfit mo, nak. Alis na kayo ng daddy mo para maka-uwi kayo ng maaga," Pagkatapos kong ayusin ang damit at buhok niya inihatid ko na sila hanggang sa pintuan ng bahay.

Iniabot ko kay Hexus ang lunchbox nakasilid sa isang bag. May laman iyong pagkain at snacks nila ni Hernan. Alam ko namang meron silang pwedeng makain sa barko pero ewan ko ba't nagpumilit pa rin akong pabaunan sila. May laman din iyong mga baked cookies, brownies at buko pie para kina tita.

"Thank you. Mag-ingat ka dito. Aisen will be here any minute. I'll call you pagdating namin doon." Aniya bago ako hinalikan sa noo. Hinalikan rin ako ni Hernan bago sila tuluyang umalis.

Magaan ang pakiramdam ko habang papasok sa loob ng bahay. Wala naman akong masyadong gagawin ngayong araw, siguro ay tuturuan ko na lang si Aisen mag-bake. Napabuntong hininga na naman ako nang maalala ko si Aisen.

Pagkatapos niyang tumakbo palayo sa akin, agad itong humingi ng paumanhin kinabukasan. Hindi nito sinabi kung anong nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Hexus noong isang gabi. Hindi ko rin naman siya tinanong pa dahil nirerespetk ko ang pribado nilang buhay.

Gaano pa man kami ka-close, meron at meron pa rin talagang boundary sa pagitan namin.

"Hello, Aisen? Bakit? Paparating ka na ba?" Ang tanong ko sa kabilang linya nang tawagan niya ako.

"Hi, Gelo. Matatagalan ako sa pagpunta diyan kasi may inaayos lang ako saglit. Okay lang ba?" Bakas ang pagkabahala sa kanyang boses.

"Mmm. Walang problema," ang sagot ko. Nagpasalamat muna siya bago ibinaba ang tawag para tapusin ang kung ano mang ginagawa niya.

Aakyat na sana ako sa taas para maligo nang makarinig ako ng maliliit at sunod-sunod na katok sa pintuan ng bahay. Nagtataka akong naglakad pabalik sa pintuan. Sino naman kaya ito?

Nagulat ako sa nakitang panauhin pagbukas ko ng pintuan. Si Regil! Humihingal pa ito at tagaktak ang pawis sa maliit niyang mukha.

"Oh? Bakit ka naparito, Regil? Pasok ka muna."

Umiling ito at hinila ang kamay ko. "T-Tito, yong daddy ko po. He's sick po!" Ang umiiyak niyang sumbong sa akin.

Where To Find [√]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon