Chapter 4: What A Narcissist!
#UNI4JAJA
Muli kong pinasadahan ng tingin ang mga bagay na nasulat ko sa pag-uusap namin ng bago kong boss na si Cooler Vander. Nang sinabi kong hindi ako interesado sa ino-offer niyang trabaho, I mean it. I don't want to be involved with him mainly because his name screams trouble.He's a Vander, a name that screams death and danger gaya ng sinapit ni Tatay. The logical thing that explains his death is that my father risked his life over that name. Gaya ng sabi ng kapatid kong si Brad, maaring tao ng mga Vander si Tatay and it that lune of job, things get worse.
But whatever. Hindi talaga ako interesado sa trabahong ito hanggang sa umuwi ako isang gabi na wala si Jules sa bahay. I received a call from my brother na ni-raid ang bahay ng kaibigan ni Jules- and he was there. Ibig sabihin ay timbog din siya.
He managed to come clean without anything that can press him heavy charges, iyon nga lang ay malaking halaga pa rin ang kailangan upang makapiyansa.
That is why I have to swallow my pride and bite my tongue at this.
"Wala bang insurance?" tanong ko kay Cooler Vander.
"Insurance?"
"Insurance! Halimbawa, we're doing the trick kung saan you have to cut me into two, paano kung magkamali ka at masugatan-"
"Let me clarifiy things to you Miss Rustia," sagot niya sa naaasar pa rin na boses. "I'm not up for tricks na pang magic show."
I knew he's still angry because of what I did. Well, I have to make a contingency plan dahil nakikinita ko na na hindi na niya ako tatanggapin kapag dinaan ko lamang siya sa mabuting usapan.
And tadah! That's what the idea I come up with at heto kami ngayon, pinag-uusapan ang benepisyo na matatanggap ko.
Pero walang insurance? Aw, sayang naman!
"But still-" Ah, there's no point in arguing dahil mukhang wala nga siyang balak na bigyan ako ng insurance plan. "How about thirteen month pay?"
Nakapokus ang kanyang mga mata sa kung ano mang report na pinasok ng isa niyang tao kanina. In fact it was a surprising na nakakasunod pa rin siya sa pinag-uusapan namin. This guy is so good in multitasking. Wow.
"I don't think we'll last for a year or so," sagot niya. "Pero sige, you can have something like that."
Nakangiting sinulat ko iyon sa hawak kong papel. In fairness hindi nga siya masamang magpasahod ng tao.
"How about commission when we reach a quota?" tanong ko.
Pabagsak na ibinaba niya ang binabasa at tiningnan ako nang masama. "What are you, part of the sales team?" pabalang na sagot niya.
BINABASA MO ANG
UNDER NO ILLUSION (Vander #2)
ActionVander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.