Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter 6 : Unlike the movies
JAJA
Hindi ko alam kung bakit kami nandito. I don’t think I fit here with them. Cooler was in his dashing office clothes, this woman Pi looks ravishing in her dress samantalang lumang kupasin na maong at T-shirt naman ang suot ko. At a glance, mukha silang mag-asawa at katulong ako.
But Pi wasn't being indifferent to me. Wala siyang pakialam sa suot ko at panay lamang ang kanyang daldal. Ni hindi ko alam kung paano ako napapayag na sumama rito. Maybe because Cooler asked me to, at kung bakit napapayag si Cooler na pumunta rito? Mukhang tiklop siya kay Pi.
“Can you blame me if I decided to shoot him on his left nut?” tanong ni Pi kay Cooler. Batting her lashes, she waited for him to validate her claim at mukhang masunurin naman ito.
“Of course, Pi. I get where you stand pero kailangan mo ba talagang gawin ‘yon?” sagot ni Cooler.
I sat silently, munching on my food. Tutal naisipan naman nilang ilibre ako ng pagkain, I’ll just keep waiting here. Kanina pa sila nagkukwentuhan at hindi ako sigurado kung totoo ba ang pinag-uusapan nila. Maybe shooting someone on his nut is a reference for something kasi mukha namang malabong kaya ni Pi na bumaril ng kung sinu-sino.
Or was it really impossible?
I stared at her for a while. She doesn’t look sweet at all. Pero hindi naman pwedeng husgahan ang tao sa panlabas nilang anyo. Agad akong nag-iwas ng tingin nang napalingon sa akin si Pi. Marahil ay naramdaman niya ang titig ko sa kanya.
“Oh I’m sorry Ja, I know na-a-out of place ka sa pinag-uusapan namin,” sabi niya at sumubo. “Now let’s talk about you two. So did you two already did it?”
Biglang nabilaukan si Cooler. Agad naman siyang tinulungan ni Pi sa pamamagitan ng pag-abot ng tubig. She picked up the table napkin at pinunasan ang mesa kung saan natapon ang kinakain ni Cooler.
“Ano bang pinagsasabi mo, Pi?” he asked and turned to me. “Don’t mind her.”
I blinked at hindi naintindihan kung ano ang ibig sabihin nila. “Why? Ano nga ‘yong tanong mo, Miss Pi?”
Pi rolled her eyes. “Stop calling me Miss, okay? I hate that. You can call me Pi. At nagtatanong lang ako kung nag-sex na kayo.”
My turn to choke on my food.
How can she ask lie that’s normal? I mean, I’m not being prude or righteous. Hindi lang talaga ‘yon tamang itanong sa taong kakikilala mo lamang!
Sighing, she got my glass at ako naman ang inabutan ng tubig.
“What the heck is wrong with the two of you?” bumaling siya kay Cooler at itinaas ang isang killay. “Were you that slow? Or baka gusto mong gaya ko ay babae rin ang gumawa ng first move? You know, Rocket like that but sometimes he is the dominant one.”