A/N: Yes, an update after 99 years huhu. Hopefully, tuloy-tuloy na. I miss writing. I miss writing very much pero ang hirap mag-time management if you have work, school and being a mom. Thank you for patiently waiting🩷🩷🩷🫶*****
9: Dinner with the Vanders
JAJA
Akala ko na ang sinasabing hapunan ay sa engrandeng bahay ng nga Vanders. I expected it to be a very elite dinner in their lavish home but we were in one of the country's grandest hotel instead.Pagkapasok pa lamang ay sinalubong na kami ng staff, leading us to a huge hall with a tall door adorned with shiny things. Yumuko kay Cooler ang taong nagbabantay sa pinto.
"Guess we're a little late or they're just early," mahinang sabi ni Cooler sa sarili. Tiningnan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. "Are you nervous?"
I nodded. "Akala ko ay simpleng dinner lang."
"Don't worry, if anyone makes you uncomfortable, we'll leave immediately," he assured me. Tinanggal niya ang hawak ko sa braso niya, and clasped his hand with mine. It was surprisingly warm and assuring, but the current circumstance renders me unable to give any meaning to it.
Walang kahulugan ang hawak niyang iyon. We made it clear this morning that this is nothing personal. Isa pa, sa tingin ko ay ginawa niya iyon to give himself comfort, dahil mukhang hindi lamang ako ang hindi komportable.
Nang buksan ng staff ang pinto ay unang tumambad sa akin ang mahabang hapagkainan. It was empty, except for the grand centerpiece at kung anu-ano pang mamahaling mga babasagin na hindi naman nakakain. It's just beautiful, pero wala ako sa posisyon na kamanghaan iyon.
Nakalinya rin sa gilid ang mga serbedora, handang gumalaw sa kung ano man ang hingin at iutos ng mga taong nakaupo.
It was not the grand things that rendered me immobile, but the glares of the people around.
Nanlambot ang mga tuhod ko na tila ba hindi ko na kayang humakbang pa. I'm glad Cooler was there to support me, although I also felt his hand shake.
We're holding hands, remember?
"Ah, my son is here!" Sabi ng lalaking nasa dulo ng mesa. Tinanggal niya ang tela na nasa kandungan niya upang tumayo at salubungin kami. With what he said, it's safe to say that he is Cool Vander, Cooler's father.
Malawak ang ngiti niya sa akin, samantalang nakakalokong ngisi naman ang ginagawad niya kay Cooler.
"Binata na talaga ang anak ko," wika niya, sabay tapik sa balikat ng anak, much to Cooler's annoyance. Hinawakan niya ang palad ko at dinala iyon sa labi upang halikan. "You must be the Jennifer Angelina that Pi is talking about."
BINABASA MO ANG
UNDER NO ILLUSION (Vander #2)
БоевикVander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.