Chapter 16

43.9K 1.3K 305
                                    

Xyzrielle's PoV:

'Hala! Totoo kayang sila ni Queen?'

'Owemji! I wonder kung anong nakita sa kanya ni Miss Athena.'

'Baka pinikot nya si Queen, Pre.'

Isang malalim na buntong-hininga ang aking ginawa. I decided na wag na lang pansinin ang mga pinagsasasabi nila. Naglalabas-pasok lang ang mga 'yon sa tenga ko.

Simula pa kaninang pagpasok ko ay ilan na 'to sa aking mga naririnig. Mygoodness. We're the talk of the town. Ganto pala ang feeling ng maging isang sikat.

May kumakalat kasing video at picture namin ni Athena nung time na may nangharass sa kanya. Sakto pa roon sa sinabi kong girlfriend ko si Arts. Tapos yung picture naman namin ay 'yung binuhat ko sya ng pabridal style.

Oh, diba? Ayos rin. Everyone thinks that me and Athena are in a relationship.

Ugh! Na-misinterpret kasi nila ang lahat. Jusko po. Hindi ba pwedeng 'yung girl friend is yung babaeng kaibigan?

Tapos nagcecare lang ako sa kanya kaya ko sya binuhat ng ganong style. Hmp. Ginigigil nila ako ha. Super advance nilang mag-isip. Lahat may malisya.

So far, wala pa naman akong na eencounter na nakakasira ng araw ko and that's good. Wala ring mga pambubully akong nafefeel. I wonder kung alam na kaya ni Athena ang usap-usapan ngayon.

Papunta na kami ng aking mga tropapips ngayon sa cafeteria dahil break na. For sure ay marami na ring estudyanteng nandoon. Sana naman ay hindi siksikan. Gusto ko nang kumain huhu.

"Ikaw ha... Ganoon pala ang type mo, Xyzrielle."  Pagkantyaw sa akin ni Kelly. Isa sya sa mga bago kong kaibigan. Sya ang pinaka-energetic samin at hindi mo makikita na nagalit sya kahit kelan. Ang haba ng pasensya nya.

"Siguro, acting nyo lang 'yung pagbubully kuno para matago ang totoo nyong relasyon." Dagdag pa ni Leanne. Sya ang pinaka-nakavibes ko sa kaibigan ni Erin dahil up sya sa mga travel and adventure. Kaya madali rin kaming nagclick. Ang bongga diba?

"Magkwento ka naman kung paano naging kayo. Sinong nanligaw? Saan kayo nagkita?" Sunod-sunod na tanong ni Kathrina. Aish. Wala ngang kami. Gusto ko nang matapos 'to huhuhu.

"Owemji! Ako na ang no.1 shipper nyong dalawa." Hindi ko maiwasang mapangiwi dahil sa akinh narinih. Akala ko pa naman kakampi ko si Erin dito. Hmp.

Bwiset naman kasi 'yung naglabas ng video at picture. Pasikat eh. Wala siguro magawa ang taong 'yon kaya kami ang napagdiskitahan.

Nakahanap kami agad ng pwesto kaya umorder na kami pagkatapos. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang kakaibang tingin na ipinupukol sa akin ng mga kapwa ko estudyanye.

Naririnig ko rin ang bulung-bulungan nila. Hindi na ako sure kung bulong pa bang matatawag 'yon dahil ang lakas ng boses nila. Parang talagang pinaparinig sa akin eh.

The crowd went silent nang may pumasok na isang grupo sa cafeteria at mukhang alam ko na yung sino 'yon. It was Athena's group. Sikat na sikat ang grupo nila. At nakakatakot silang banggain. Mabuti na lang talaga at hindi ako palaaway.

Dumating na si Kelly dala ang mga inorder namin. She volunteered to do that. Nakakatamad kayang. Gusto ko nang kumain. Yum.

Kinuha ko na agad ang order ko at sinimulan nang lantakan 'yon. Galit-galit muna tayo, mga frenny ko.

Hindi ko pa nakakalahati ang kinakain ko nang may marinig akong nagsalita.

"Hey, babe." Saad ng kung sino.

Hindi na lang namin pinansin dahil baka wala naman sa amin ang tinatawag ng taong 'yon. Baka masabihan pa kaming assuming. Lwe.

Atsaka, take note na lahat kami ay single. Kaya kung may kakilala kayong fafa, ireto nyo naman sa amin.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon