Athena's PoV:
Grabe. Super-super saya ang nararadaman ko lalo na't dinala ako ni Babyloves———err... Xyzrielle sa theme park na 'yon.
Well, she's the first person to do that to me. Anyways, sya naman ang first ko sa lahat. I feel so special. Lalong-lalo na sa pagpapadama sa akin ng mga kakaibang bagay. First kiss, first date, unang beses na nagselos ako, she's also the first to see my childish side. She's my first in everything.
They say na ang lahat ng saya ay may kapalit na lungkot. Kasunod na kaagad 'yon. It sucks but I'm kinda afraid of that saying. So I just enjoy the moment. Every moment that I'm with her.
She insisted kagabi na sa bahay na lang nya ako matulog. Baka raw kasi may mangyaring masama sa akin lalo na at gabing-gabi na. She really cares about me. Isn't she the sweetest?
Sino ba naman ako para tumanggi? Malugod kong tinanggap ang alok nya. Gusto ko rin naman eh. I can hug and kiss her.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Para bang may nag iba sa akin. Everytime na gumigising ako ay... argh! Basta, ang hirap iexplain. Parang ang saya-saya ko. I'm dying to see her.
Gusto ko na lagi ko syang nakikita. I want her attention only on me. I love it when she cares about me.
Damn it! Ayoko na ngang mag-isip pa lalo. All I know is I'm hella gorgeous and fabulous. Tama, folks? Ang magdidis-approve ay ipapalapa sa alaga kong leon. Kaya sagutin nyo ng mabuti 'yan.
Kanina pa ako gising pero naririto pa rin ako at nakahiga sa kanyang kama. Naramdaman kong wala na si Xyzrielle sa tabi ko. To be exact, kanina pa sya wala.
I think, nag-aayos na sya para sa school. I checked my phone at nakita maaga pa naman. Early bird pala ang babylov-- I mean, si Xyzrielle.
I heard na may nagbukas ng pintuan at pumasok sa loob. It's her. Wala naman ng iba pang nakatira rito bukod sa kanya.
I composed myself para hindi nya mahalatang gising na ako. I hugged her pillow na kaamoy na kaamoy nya.
Wait. Let me rephrase that. Ang buong kwarto ay kaamoy nya. Hmmm.... Ang bango talaga. Hindi nakakasawang amoy-amoyin. Nakakaaddict.
"Babyloves..." Marahang tinapik-tapik nya ako. But still, nanatili pa rin ako sa aking pwesto. I closed my eyes kahit pa nasa tabi ko na sya.
"Wake up, sleepy head. May pasok tayo ngayon." Nanatili pa rin ang pagtutulog-tulugan ko. I wonder kung anong gagawin nya?
"Babyloves, I know that you're awake now." She let out a giggle. Nagulat ako dahil doon.
How come na nalaman nya? Kulang pa ba ang acting skills ko? Sa susunod nga ay iiimprove ko pa para kapani-paniwala na. Anyways, her laugh is like a music to my ears.
Since nasa tabi ko nga sya , I slowly make my way at umupo sa kanyang kandungan. I placed my arms on her nape and hugged her tight. Oh God. I love the warmth and comfort. Maya-maya ay naramdaman kong yumakap na rin sya sa akin.
"Hmm... tinatamad pa ako, babyloves." I said habang nakapikit pa rin. I started to sniffed her scent. Bagong ligo sya. I felt that she's stunned on her position.
"B-Babyloves, stop. Nakikiliti ako." She said while stuttering.
So, rito pala ang spot ng kiliti nya huh. Hindi ko sinunod ang kanyang utos at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak nya sa akin.
"Babyloves, kapag hindi ka tumigil dyan, hahalikan kita. Sige ka." Banta nya sa akin na syang ikinagulat ko ng kaunti. Kaunti lang.
Pero hindi ko 'yon pinakinggan. I don't care rin naman. In fact, gustong-gusto ko nga 'yon hihihi. Okay, fine. Ako na ang maharot. Kay Xyzrielle lang naman eh. Pabayaan nyo na.
BINABASA MO ANG
University Series: Athena Louise Sarxel
Teen FictionAthena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrielle Cameron Garcel, isang scholar pero hin...