Chapter 41

37.3K 1.3K 639
                                    

Xyzrielle's PoV:

"Kumalma ka nga, Xyzrielle." Natatawang sabi sa akin ni.... sino nga ba 'to ulit? Ah, okay. Naalala ko na. Si Shane nga pala ito. Jusko po. Nagiging makakalimutin na ako dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Ah... eh... sige, sige. Sorry." Awkward kong sagot sa kanya. Pinipilit ko na kumalma at magrelax. Pero sino nga bang niloloko ko, diba?

"Hmm... Okay ka lang ba?" Tanong ni Shane. Dumukwang sya papalapit kung kaya't naghello na naman sa akin ang kanyang *ehem* cleavage. Napasilip lang ako ha. Hindi ko tinitignan.

Agad kong inilihis ang aking tingin at napunta iyon sa pool sjde. Nakita ko ang mga kaibigan ko na nakatingin sa amin. They're all smirking at me.

Aba't, hindi man lang ako in-approach ng mga 'yon. Grr. They mouthed 'chix to me' and pointed it to Shane.

Napakunot-noo ako. Luh. Hindi naman sya manok ah.

"Namumula ka." Nag-aalalang saad ni Shane na syanh nagpabalik ng aking atensyon sa kanya. Inilapat pa nya ang kanyang mamay sa aking noo at mga pisngi.

No! Wrong move!

"Ahm... Shane, pwede banh lumayo ka ng konti? Hehehe. May girlfriend ako eh. Malakas manapak 'yon atsaka may lahing dragon. Lagot tayong dalawa kapag nagkataon at nahuli tayo sa ganitong pwesto." I reasoned out.

Oh fuck. Mas lalo akong kinakabahan. Any minute, pwedeng dumating si Athena at baka mamaya, maabutan nya kami sa ganitong lagay. Lumayo ako sa kanya ng kaunti.

"Si Athena ba 'yon?" Parang kakaiba ang nararamdaman ko dahil sa tanong nya.

"Oo eh. Bakit?"

"I thought, nagpepretend lang kayong dalawa." Natatawa nitong saad. Hindi ko maiwasang magulat dahil doon. Fuck. May alam ba sya?

I played with my hands. Nagkunwari akong hindi naaapektuhan sa sinabi nya.

"No, you're wrong. Totoo kami ni Athena. Anyways, kanino mo ba nasagap ang balitang 'yan?" I said.

"From a friend of mine. Akala ko talaga ay hindi kayo totoo. Like feeling ko, pakitang tao lang ang ginagawa nyo."

Argh. Sino namang kaya 'yun? As far as I remember, wala akong pinagsabihan ng pretend thingy namin. Feeling ko ay ganon din si Athena maliban lang sa mga friends nya. So, pano nagcome up na naisip nila na ganon nga?

I snapped into reality when I noticed that someone slapped her. Wala na sya sa harapan ko. Isang malakas na sampal ang aking narinig.

*Pak*

"Bitch, who the fuck are you huh?!"

"Stop asking nonsense question. We're not pretending so stop spreading a fake news. She's mine, back off!"

Parang naestatwa ako sa aking kinalalagyan. Biglang nagpop-up si Athena mula sa kung saan. And gosh, sobrang nakakatakot sya ngayon.

May nakikita akong maitim na aura na nakapalibot sa kanya. Parang any minute ay pwedeng-pwede syang mag saiyan. Napakasama rin ng mga tingin na ipinupukol nya. Hindi na maipinta ang kanyang mukha sa sama ng kanyang expression.

"Kung sa tingin mo ay matatakot mo ako sa ganyan mo, Athena.... well, think again." Saad ni Shane at ngumisi pa ng nakakaloko.

Woah! Ang cool. Wala man lang akong nakikitang takot sa mukha nya. Parang hindi sya tinatablan o naiintimidate man lang kay Athena.

"I think, I'll go for now. Baka sumabog na sa inis ang so called 'girlfriend' mo. Bye, Xyzrielle." At binigyan pa ako ng isang flying kiss bago tuluyanh umalis ang loka na syang ikinalaki ng aking mata. Siguradong nakita iyon ni Athena.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon