Chapter 35

40.2K 1.2K 94
                                    

Xyzrielle's PoV:

"Let's change our clothes first." Suwestyon ni Athena. Napatango-tango ako. Tama nga naman sya para na rin mas komportable kaming matulog.

Atsaka, medyo mainit dahil walang kuryente. Wala pa ring kuryente kaya medyo madilim. Ang tangi lang na nagbibigay ng liwanag sa amin ay ang kanyang portable na emergency lights. Buti naman at meron sila non.

Gusto ko ang ideya nya kaso ano eh...

Kaso may problema. Wala akong dalang extrang damit.

'Go, Xyzrielle! Kapalan mo na ang mukha mo. Wag kang mahiya na manghiram sa kanya ng damit.' Pagchecheer up sa akin ng brain ko.

I faked a cough. "Uhm... Babyloves, pwede bang makihiram sayo ng damit? Lalabhan ko 'yon tapos ibabalik ko rin." Mukhang kailangan kong sundin ang utak ko ngayon.

I raised both of my arms na para bang nanunumpa. Sa tingin ko ay pagbibigyan ako ni Athena sa request ko dahil medyo mabait pa naman sya. Atsaka dito rin naman ako matutulog sa kanila. May kasama sya.

"Sure thing, Babyloves. Let's go to my closet." She said.

I'm internally screaming in joy. Yes! Mabuti naman. Iginaya nya ako sa kanyang closet—— I mean, walk in closet.

Sa tingin ko ay mahilig sya sa kulay blue dahil na rin sa kulay ng mga dingding ng kanyang kwarto. Blue rin karamihan ang mga gamit nya. Wala lang, napansin ko lang. Naks, napaka-observer ko talaga.

HHWW kami ngayon. Yes po, tama po kayo nang pagkakabasa. Holding Hands While Walking ang peg namin ngayon. Sya ang nag-initiate non noh. Baka kasi isipin nyo na ako na naman. Parang nasa drama kami. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Aish. Basta. Bahala na nga.

"Pumili ka na lang dyan ng kung anonh gusto mong isuot. 'Yung parang ako ha. Yung simple lang pero bagay sayo." She said out of a sudden at mabilis na tumalikod.

Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng aking pisngi. Damn. Marunong din pala ng pick-up lines si Athena.

Tsk. Kelan pa sya natututo ng mga ganitong banat?

Dapat ako ang nagsasabi sa kanya ng mga ganyan eh. Hmp!

Napailing na lang ako sa kawalan. Ito ang unang beses na nagsabi sya sa akin ng ganto. May kasweetan din pala sa katawan ang babaeng 'to. Akala ko kasi ay puro kasungitan at katarayan lang eh.

Ginawa ko na ang inutos ni Athena. Kumuha lang ako ng simpleng damit na kulay puti at isang maikling shorts. Grabe. Sobrang iksi naman nito. Parang pekpek shorts na.  Wala bang medyo mahaba-haba sya riyan?

'Edi hindi na 'yon shorts kasi long na 'yon. Duh' Pagsingit ng mahadera kong utak.

Edi wow, brain. Bida-bida ka talaga noh. Idol mo siguro si Jollibee. Hindi ka kasali dito. Paepal ka talaga kahit kailan. Grr.

"Tara na. Magpalit na tayo." She said. Nagsimula na kaming pumunta sa kanyang restroom. Wow. Ang laki. Hindi naman ako nainform na may tour pala kami ngayon sa kwarto nya.

Nauna na syang pumasok sa loob kaya hindi na ako nag-atubili na sumunod sa kanya. Alam kong malaki 'yon at kasya kaming dalawa. Hindi lang dalawa ang kasya roon dahil marami pa. Pero I will still give her some privacy. Duh.

Hindi sinarado ni Athena ang pintuan. Hindi ko maiwasang magtaka dahil doon. Bakit naman kaya? Ah, baka kasi walang ilaw at natatakot sya. Okay, I get it now.

Agad na inilihis ko ang aking mata para hindi makita si Athena na nagpapalit. Alam kong makikita ko ang kayawan nya. Baka kasi mamaya ay mahuli nya akong nakatingin sa kanya.

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon