Xyzrielle's PoV:
"Good Morning!" I energetically said.
"Walang good sa morning." Pambabara nito at inikutan pa ako ng mga mata. Kapg nahipan talaga ng hangin 'tonh si Athena, baka forever ng nakatirik ang mga mata nya.
"What do you want?" Ang pambungad nitong tanong sa akin habang ang mga kamay nya ay nakahawak sa kanyang beywang.
Ang ganda talaga ni Athena kahit minsan ay napakataray nya. Oh wait, madalas pala syang mataray. Isama mo pa na laging nakakunot ang noo nya at nakataas-kilay. Parang laging may problema eh.
"A-Ah.. ahm... ano kasi." Ugh! Eto ka na naman bibig. Hindi ka makapagsalita nang maayoz.
Kapag kinikiss mo si Athena, napaka-active mo. Tapos kapag nagpapalinawag ay nawawala ang angas mo.
"Ano? Umayos ka nga ng pagsasalita mo. Kagabi ka pa ganyan ah!" Singhal ni Athena. Nako po, self. Lagot ka na. Naiinis na sya.
"Err... akin na muna ang bag mo. Ako na ang magdadala." I offered.
Hindi ko na sya inantay pang makaalama dahil kinuha ko na ang mga gamit nya. Walang pag-alinlangan nya itong ibinigay sa akin. Mabuti naman.
"Anong nakain mo at ginagawa mo ang mga gantong bagay ha? Ang bait mo ata. Sabihin mo nga sa akin, nagpapagood shot ka ba ha?" Nakataas-kilay nitong tanong at nagcrossed arms pa.
What? Nakalimutan ba nya na may relationship kami kahit pretend lang?
"What? Hey, paalala ko lang sayo na isa sa mga responsibilities ko ang gawin 'to. Nakalimutan mo na ba na girlfriend mo ako?" Nakakunot-noo kong tanong. Aba, kailangan ko ring umapela noh.
"Oh really?" She scoffed.
"May girlfriend bang hindi nagrereply sa mga text?Hindi man lang pinapaalam kung saan pupunta at kung sino ang mga kasama." Nahihimigan ko ang sarcasm sa tono ng kanyang boses.
Wait. Kasama pala 'yon sa gawain mo kapag may jowa ka. Mygoodness. Sorry naman, Athena. First time ko lang naman 'yung ganto eh.
Parang ayoko na tuloy mapunta sa isang relationship. Ang daming ginagawa. Tapos kapag may nakalimutan kang gawin, bigla-bigla na lang nagagalit ang partner mo.. Baka siguro may sapak lang talaga sa utak si Athena.
"Uhm... sorry ulit, okay? Hindi ko naman kasi alam na dapat ko pa lang gawin 'yon. Sorry na, hindi na mauulit." Nagsorry uli ako sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ayaw nya pang tanggapin. Hmp. Ano pa bang gusto nyang gawin ko?
"Now you know! Dapat lang na hindi ito maulit! Dagdag 'yan sa mga gawain mo ha. Tandaan mo. Ang dali-dali lang magreply. Tsk. Nakalimutan-nakalimutan ka riyan. Ang sabihin mo, masyado ka lang talagang nag-enjoy doon sa babaeng kasama mo." Mahabang litanya nito at dinuduro-duro pa ako.
She was mad. Magkasakubong na ang dalawa nyang kilay. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha.
Wala sa sariling napalunok ako. Damn. Ang lapit nya sa akin. Amoy na amoy ko ang kanyang pabango na amoy vanilla. Hindi ko namalayang napakagat-labi na pala ako.
Nakita kong natigilan rin si Athena. Ang kaninang mga mata nyang nakatingin sa mga mata ko ay unti-unting bumababa sa aking kissable lips.
Damn. Wag kang ganyan. Baka madala rin ako.
Parang ang sarap tuloy nyang halikan. Ugh! Erase, erase, erase. Stop. Mali 'yon. Hindi pwede. Straight kami.
'Anong mali? Girlfriend mo naman sya at parehas nyo namang gustong magkiss.'
BINABASA MO ANG
University Series: Athena Louise Sarxel
Teen FictionAthena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrielle Cameron Garcel, isang scholar pero hin...