Xyzrielle's PoV:
Yehey! Mabuti naman at tinanggap ni Arts ang sorry ko sa kanya kanina. Wala lang talaga akong load kaya hindi ko sya na greet ng good morning. Dagdag points pa 'yung tinatamad akong magtype dahil umagang-umaga pa.
Ang hindi ko lang maintindihan ay parang ayaw nya kay Rian. Before I forgot, she's one of my friends from my previous school.
Nagkamustahan lang kami at wala ng iba pa. I don't get it kung bakit ganon ang trato nya doon sa tao. Baka siguro bad mood sya kaya maldita ang attitude nya.
Aish. Everyday pala syang maldita. I giggled because of that.
Lagi nga akong magpapakabait para bigyan ako ni Athena ng kiss hihihi. Just kidding na medyo true.
Magkahawak ang kamay namin habang binabagtas ang daan papunta sa classroom nya. Ako rin ang nagbibitbit ng bag nua.
Thank God at magaan lang 'yon. Hindi nya na naisipang magdala ng mabibigat na bagay. Jusko. Kapag ganon ay aayaw na ako kaagad. This is one of my responsibilities just like what she've said. Isa akong mabait na tao kaya sinusunod ko ang mga 'yun.
'Sus. Ang sabihin mo lang ay under ka sa kanya.' Sabat ng mahadera kong utak. Che.
Napapatingin sa amin ang lahat ng mga estudyante dahil sa ayos naming dalawa.
Duh. Ikaw ba naman makita ang reyna ng school nyo na may kaholding hands at take note, babae pa ha. Sino ba namang hindi mapapatingin at makikiusosyo?
Alam kong hindi kasama sa dapat kong gawin ang hawakan ang kamay nya. I felt the urge to hold her hand, and so I did. Wala naman akong nakita o narinig na pagtutol mula sa kanya.
Tahimik lamang kaming dalawa ngunit hindi naman awkward ang atmosphere. Parang ine-enjoy namin ang isa't isa which is good.
Hindi na kami magkaklase dahil nag-iba ang schedule naming dalawa. Baka nag reshuffle ulit sila. Gusto kasi ng University na ito na maraming makasalamuha ang mga estudyante at hindi lamang ang mga kaklase nito.
Nang makarating na kami sa kanyang classroom ay nagpaalam na si Athena. Paalis na sana ako nang may maramdaman akong kamay na humawak sa akin. I glanced at the culprit and it was Athena.
"Don't forget, sa akin ka sasabay tuwing break time." She said with finality on her tone. Tumango na lang ako bilang sagot.
Nanlaki bigla ang aking mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng isang malambot na bagay sa aking pisngi. She kissed me on my cheeks.
My mouth parted a little. Parang napatulala ako. Huli na ang lahat dahil nakita ko na syang papasok sa kanyang classtoom.
Gosh.Wala 'yun sa usapan namin ah. Argh. But I found it sweet. I didn't know na may sweet side rin pala si Athena.
I was brought back into reality nang marinig kong tumunog na ang bell. Hudyat ng nagsisimula na ang klase.
I quickly made my way towards to my classroom. Narinig kong nagsisimula na silang maglesson. I gulped. I heaved a deep sigh before knocking to the door.
"Sir, I'm sorry that I'm late. May I come in?" Magalang kong tanong kay Sir Mark.
"Oh... yes, Ms. Garcel. You may come in." Nakangiti nitong sagot. Nako po, Sir! Kaya kita crush eh. Gwapo na nga, mabait pa.
'Hoy, bawal 'yan. Lagot ka kay Athena kapag nalaman nya ang iniisip mo.' Sabat ni Brain.
Shems. Binabawi ko na 'yung simabi ko kanina. Hindi ko na pala crush si Sir Mark. Faithful na girlfriend kaya ako sa dragonang 'yun.
BINABASA MO ANG
University Series: Athena Louise Sarxel
Teen FictionAthena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrielle Cameron Garcel, isang scholar pero hin...