Chapter 37

37.6K 1.3K 378
                                    

Xyzrielle's PoV:

Isang magulong kwarto ang nadatnan ko nang buksan ko ang kwarto ni Athena. Parang dinaan naman 'to ng bagyo. Kanina lang ay medyo maayos pa ito ah. Pero anong nangyari ngayon?

Ganon ba kagalit si Athena para gawin nya ang mga 'yan?

Hindi ko maiwasang mapalunok. Kinakabahan na ako dahil sa naisip ko. Feeling ko ay matitigok na ako anytime.

Parang makikita ko na ata si San Pedro nito o baka naman si Lucifer. Bubugahan na ako ng apoy ng isang dragona at sa isang iglap lang ay bubulagta na ako.

Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako sa ginawa ko. Bakit kaya wala sa unahan ang pagsisisi?

Aish. Nako, Xyzrielle. Ano ba kasing pumasok na kokote mo at nagdrawing ka sa mukha ni Athena? Marker pa talaga ang ginamit mo. Ang hirap pa naman tanggalin non.

"Xyzrielle! Where the hell are you?! Halika rito!" Rinig kong sigaw nya. Sa tingin ko ay hindi nya pa alam na nandito na ako sa taas. Alam kong nasa restroom sya ngayon.

"O-Oo, wait lang. Antayin m-mo ako." Nauutal na ako. Sa totoo lang ay hindi na ako mapakali.

Kahit kinakabahan ay pumunta ako sa kinaroonan nya. Pagbukas ko ng pintuan ay isang toothbrush nakita kong lumipad papunya sa akin. Automatic na nanlaki ang aking mata. Huli na dahil tumama na 'yon sa akin.

Hindi pa ako nakakarecover nang may isang tissue na naman ang tumama sa akin.

"Damn you! Why did you do thay huh?" Okay. Unang banat para kay Athena.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot. Nakikita ko pa rin ngayon ang mga drawing sa mukha nya. Namumula rin sya. Hindi sa kilig kung hindi sa galit and that's for sure.

Pero kahit na ganoon ay hindi man lang nabawasan ang kanyang ganda. Hmp. Napaka-unfair talaga. Sa susunod nga ay mas super pa ang gagawin ko sa kanya.

'Kung may susunod pa.' Pag-extra ng aking brain.

Oo nga tama ka riyan, brain. Tumpak. Kuhang-kuha mo. Kung meron pa ngang susunod. Sa tingin ko ay hindi na ata ako makakalabas ng buhay dito huhuhu.

Oh Athena my babyloves, have mercy on me.

Nabalik ang aking katawang lupa nang makitang isang malaking lagayan ng shampoo ang hawak nya ngayon. Agad na ibinato nya 'yon sa akin.

Whooo!!!

Buti naman at naiwasan ko 'yon. Ligtas na ako. Pero akala ko lang pala. Naging sunod-sunod na ang pagbabato ni Athena sa akin ng kung ano-ano. Kung anong mahawakan nya na pwedeng ibato ay ibinabato nya sa akin.

Panay rin ang aking ang pag-iwas ko. At mukhang swerte ako dahil walang tumatama sa akin kahit isa.

Pwe! Hindi naman pala sya sharp shooter eh. Ako lang pala ang ganon sa aming dalawa. May hint na siguro kayo kung anong tinutukoy ko.

"Argh! Fuck you! Ano? Hindi ka sasagot? Leche!" She yelled at pinagbabato na naman ako ng kung ano-ano.

Ano raw? Ipa-fuck nya ako? Hala. Bata pa kami para riyan. Pero kung sya naman ang may gusto, why not? Chos lang.

Talagang galit na talaga sya huhuhu. Ngayon ko lang sya narinig na magsabi ng leche eh. Pero, paano kaya ako makakapagsalita nang maayos kung patuloy pa rin si Athena sa ginagawa nya?

"Ah... eh... babyloves, pwedeng bang kumalma ka muna?" Suggestion ko sa kanya. She just gave me her famous death glares.

"Fucking shit! Paano ako kakalma ha? Bwiset ka talaga kahit kelan, Xyzrielle!"

University Series: Athena Louise SarxelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon