Simula na ang second sem namin, kaya balik na ulit kami sa pagiging matinong stupidyante.
Hinihintay na lang namin ang teacher namin for the last subject. Na-meet na kasi namin yung mga teacher kanina para sa second sem, at ang iba doon ay naging teacher namin nung first sem. May iba namang hindi kami naging estudyante dati, kaya new adjustments talaga kami sa isa't-isa.
"Tara uwi na-" Hindi natuloy ang sasabihin ni Oscar nang biglang dire-diretsong pumasok ang teacher namin sa Practical Research.
"Good morning everyone, kindly arrange your chairs and you!" Turo nya kay Warren.
"Stand up! What is Research?" Tanong nya sa kanya.
Lahat kami ay natahimik. Marahil lahat ay nabigla rin sa inasta ng teacher namin.
Ma'am Carol.
Teacher namin to dati nung first sem at talaga namang mabait ito. Pero ngayon ay tila nagbago ang kanyang awra. Naging masungit at mahigpit ito sa klase. Hindi naman sya ganito noon.
"Research is a repitition, continuos or continuation knowledge process of information." Sagot ni Warren.
"Sit down and you! Stand up! What are the aims of the research?" Turo at tanong nya naman kay Maria.
Hindi naman nakasagot si Maria kaya pinatayo nya lang ito at nagtawag pa ng iba hanggang sa lahat kami ay napatayo na.
"Maski ni isa, wala man lang nakasagot! Dapat alam nyo na to dahil sa PR 1 pa lang ay tinuro na to. How come na hindi nyo man lang alam?" Sigaw nya sa amin.
Shet, ang bangis ngayon ni Ma'am.
"Hindi pa nga nagsisimula ang totoong lessons natin, ganyan na kayo!"
"Bakit magulo na naman ang upuan nyo? Nung first sem pa yan ah? Ano? Araw-araw na lang magulo classroom nyo tuwing oras ko na sa inyo!? Inaabuso nyo na ako!"
Ay ayun naman pala. Medyo malalim yung pinaghuhugutan.
"All of you! Sit down!" Sigaw na naman nya at nagsulat sa white board.
Walang nagsalita sa amin. Lahat kami ay pigil-hininga habang nagtuturo sya. Nagsulat na lang ako ng notes at ganon din naman yung iba habang nakikinig sa kanya.
"We have four aims of the research. The first one is producing new information or knowledge, next is utilizing the new information, validating the existing and the last one is improving the researcher or investigator."
Grabe, parang ang tagal naman mag-uwian. Inaantok na ko. Huhu.
Wala na akong naintindihan sa mga sinasabi ni Ma'am dahil nakatunganga na lang ako at nagsimula nang lumipad sa ibang dimensyon ang isipan ko.
"Grabe si Ma'am no? Nagbago na."
"Oo nga. Talaga namang hindi natin alam yung sagot sa mga tinatanong nya kasi hindi naman yon tinuro sa PR 1 natin. Grrrr."
"Nag dark shade na rin sya ng lipstick. Mas lalo tuloy syang naging mataray."
"Awit naman"
"OY MAY PRACTICE DAW MAMAYA KILA HOFFER. MGA 2:30."
"Awww! Matutulog dapat ako eh!"
"Bukas na lang!"
"May pustahan kami sa ml!"
"HOY MAXENE!! GISING NA! LAST SUBJECT NA NGA LANG, NATULOG KA PA! BUTI NA LANG AT BUSY MAGDALDAL SI MA'AM SA UNAHAN KAYA HINDI KA NAKITA!!"
Oh shit!! Damn! Yung eardrums ko. Fuckina.
"BAT KA BA SUMISIGAW!?" Sigaw ko rin kay Morice.
"Eh maingay e. Baka di mo ko marinig. Sorry naman, hehe." Sabi nya sabay peace sign.
Inirapan ko lang to at nakita ang mga classmates ko na nagkakagulo sa loob at labas ng classroom. Merong mga nag-uusap, nag-haharutan, tapos nag-aayos ng gamit. Inayos ko na lang rin ang sarili ko. Nakatulog pala ako. Jusmeyo.
"May practice daw tayo kila Hoffer mamaya. Magkita na lang tayo sa 7/11 para sabay-sabay na tayong pumunta doon." Saad nya habang nagpupulbo.
"Anong oras?" Tanong ko sa kanya.
"Mga 2:30. Kitakits na lang ng 2 sharp."
Tumango na lang ako. Sya pa nag set ng time eh lagi namang late yan e.
First day of second sem pa lang, may practice na agad. Ngayon pa lang daw kasi ay paghahandaan na namin yung Festival Dance para sa Foundation Day next month ata or next next month.
"Tara. Diretso na lang tayo kila Hoffer. Alanganin kapag uuwi pa tayo." Aya ni Hazel.
"Paano pagkain natin?" Tanong naman ni Joena.
"Ambagan na lang o di kaya kain muna tayo sa jollibee or karinderya bago dumiretso sa kanila. Marami-rin namang mauuna na don kila Hoffer e."
Pumayag na kami dahil sayang rin naman sa pamasahe kapag uuwi pa kami sa bahay. Malayo pa naman ang mga bahay namin.
"Morice! Pa-text na lang si mama. Wala na pala akong load!" Sabi ko sa kanya nang makitang nag failed yung message ko.
Aba, hindi naman kasi ako panay load no. Hindi naman na kami magka-textmate ni Pearsy. Speaking of, binuksan ko ang data at nag free facebook.
Dumiretso agad ako sa messeges para i-chat si Pearsy.
Napakunot ang noo ko dahil nakita kong naka un-read na ang convo namin ni Joel kaninang 11 am. May message ito na mag-usap raw kami kuno mamaya pag nag online ako. Eh hindi naman ako nag online kanina dahil paniguradong nasa kalagitnaan pa kami nun ng sermon kay Ma'am Carol.
Siguro binuksan ni Pearsy ang account ko.
Nag reply na lang ako ng 'ok' kay Joel, at chinat si Pearsy na baka gabi na ako makakauwi dahil sa practice.
Mas nauna pa akong magpaalam kay Pearsy kaysa kay mama. Galing diba.
BINABASA MO ANG
Lovers in Fake World
Teen FictionSi Maxene ay naghahanap lang naman ng ibang mapaglilibangan dahil sa nagkaroon sila ng kanyang mga kaibigan ng di-pagkakaunawaan. That's why she enter the virtual world. Dito ay nakahanap sya ng bagong pamilya, kaibigan at ang di-inaasahan ay ang...