Chapter 15

71 28 0
                                    

"Ayan na guyz!"

"Parang gusto ko na mag back-out!"

"Sige back-out ka. Tingnan natin kung maka-graduate ka."

"Grabe ka naman sa akin Morice mylabs."

"Eeew."

"Yuck."

"Ano yan tol? Bumigay ka na agad kay Morice? Hahahaha!"

"Joke lang. Alam ko naman di nya ako magugustuhan."

"Oo kasi di naman talaga ikaw yung gusto nya."

"Tara na kaya."

"Mal-late na tayo oh."

"Oh kayo kumausap sa reception."

"Kayo na."

"Awit."

"Ako na nga," sabi ko at nauna nang pumasok sa building at agad naman silang nagsi-sunuran.

Pero hinarang agad kami ng guard.

"ID?"

Mukha ba kaming may ID dito?

"Gusto nyo po ID ng school namin? Hehe." Singit ni Hazel

"Ano bang pinunta nyo dito?" Tanong ng guard sa amin.

Ikaw po. Mwehehe.

"Ah ano po, may appointment po kasi kay Ma'am April ng 1pm. 5th floor daw po." Sagot naman ni Mark.

Ay ang taray. Lakas naman pala maka-yaman ng appointment.

"Sige. Mag fill-up na lang kayo sa may reception, tapos iwanan nyo yung ID nyo."

Nagpa-salamat naman kami kay manong guard at sinunod yung sinabi nya.

"Oh Max, ikaw na magsulat," sabi sa akin ni Mark.

"Kailangan ng pirma." Tugon ko rito.

"Sulat mo na lang muna lahat ng name tapos tsaka na lang kami pipirma."

"Wow ha," reklamo ko pero sinulat na lang rin yung mga pangalan namin.

Binigyan naman kami ng temporary ID bawat isa.

Sumakay na kami ng elevator at pinindot ang 5th button. Paglabas namin ng elevator ay halos masuka-suka na ako at nahilo.

Eto talaga yung pinaka-ayaw ko sa lahat e. Sana nag escalator na lang sila.

"Good after noon po. We are looking for Ms. April Sambueno po for our interview." Sabi ulit ni Mark sa lady guard.

Ang dami namang guard.

"Diretso lang kayo dyan sa pinto tapos fill-up your names then hingi kayo ng ID sa guard."

"Iba pa po ba yung ID na binigay sa baba, Ma'am?"

"Ah yan? Oo. Iba pa yan. Is-surrender nyo naman yan doon sa guard sa loob tapos bibigyan kayo ng visitor ID ng company."

"Ah okay po."

Jusmeyo Marimar. Ang dami namang eklabush nito bago namin makaharap si Ma'am April.

Pagpasok namin sa loob ay nakita naming ang dami ring aplikante na naghihintay. Pero hindi naman kami nahirapan at naka-usap na agad namin si Ma'am April.

"Okay lang ba na mag 8 hours kayo?" Tanong nya sa aming lahat.

Medyo alanganin kaming sumagot dahil kung mag 8 hours kami, lalo kaming gagabihin sa pag-uwi.

"Ahm ma'am, ang sabi po kasi ng admin sa amin, hanggang 6 hours lang po ang maximum namin for internship." Sagot ni Adrian.

Ay oo nga pala.

Lovers in Fake WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon