Maxene's
Tulog.
Yan lang ang pwedeng i-describe ko kay Morice sa buong oras ng klase namin.
"Ms. Arollano!"
"Ms. Arollano!!"
"Morice Arollano!"
At tulog pa rin si Morice. Paktay.
"Ah sir ano po kasi. Pwede po bang hayaan nyo na lang muna si Morice? Sasabihan ko na lang po sya na kausapin kayo mamaya." Eksena ko sa kanila.
"Alright alright. Let's go back to the topic." Sabi nya sabay balik sa may projector.
Hayss. Buti na lang.
Siguro hindi nakatulog ng maayos si Morice. Kagabi ay hindi ko inaasahan na makikita ko sya sa ministop. Well- si kuya pala ang naka-kita sa kanya.
Buti nga at nagkita kami dahil nakalimutan ko ring itanong sa kanya kahapon pagka-uwi namin kung anong problema.
Hindi ko naman alam na ganon na pala yung sitwasyon nya. Alam kong sobrang hirap sa kanya ngayon, kasi hindi pa naman nag-away ng ganon kalala sila tita at tito.
I'm sure, Morice is suffering mental break down right now.
*bzzzt*
Pasimple kong sinilip ang phone na nakapatong sa may arm chair ko na natatakpan ng notebook.
From: Winton Cigarette
How is she?Itong si kuya Winton, hindi ko maintindihan kung nagkaroon ba ng interes kay Morice e. Bakit ba kasi hindi na lang nilagyan ni Tito Jeff ng 's' yung pangalan nya para maging sigarilyo na talaga. Winston. Medyo nangangamba tuloy ako. Tssk.
Hindi ko ito ni-reply-an at nakinig na lang sa klase.
"Ano bang nangyari dyan kay Morice?" Tanong ni Joena pagkalabas ni sir.
Break time na namin ngayon at sinabihan ako ni Sir na pasunurin na lang si Morice sa faculty room nila.
Kaya no choice.
"May family problem." Maikling sagot ko. Wala naman ako sa posisyon para i-detalye ang kwento kahit na magkakaibigan pa kaming apat.
"Owww." Tanging sagot na lang nya.
Ginising na namin si Morice at sinabing gusto syang kausapin ni Sir na agad naman nyang pinuntahan.
Lumalamon kami nang biglang pumasok ang admin.
"Good morning Sir." Sabay-sabay naming sabi ng mga kaklase kong natira dito sa room.
"Good morning. I have an important announcement. Nasaan ang iba?" Tanong nya sa amin.
"Kumakain pa po sir." Sagot ni Gerold.
"Ahh break time nyo?"
"Yes po."
"Okay sige. Babalikan ko na lang kayo mamaya kapag kompleto na kayo." Sabi nya sabay labas ng room.
"Ano na naman kaya yung announcement non," usisa ni Hazel.
Nagkibit-balikat lang ako at tinuloy ang paglamon. Isang rebisco crackers lang naman ito at buko juice.
"Oh, buti nakabalik ka na? Ano sabi ni sir?" Tanong ko kay Morice pagka-pasok nya.
"Wala. Nasalubong ko si Sir Rodel ah. Mukhang galing dito sa room."
"Ah oo, may announcement daw. Babalik na lang daw sya kapag kompleto na tayo." Saad ko
BINABASA MO ANG
Lovers in Fake World
Novela JuvenilSi Maxene ay naghahanap lang naman ng ibang mapaglilibangan dahil sa nagkaroon sila ng kanyang mga kaibigan ng di-pagkakaunawaan. That's why she enter the virtual world. Dito ay nakahanap sya ng bagong pamilya, kaibigan at ang di-inaasahan ay ang...