Chapter 2

134 62 8
                                    

Halos isang oras ko nang sinusuyo ang lalaking nag-iinaso. Charot.

"Oo na. Bati na tayo," basa ko sa message nya.

Napatalon naman ako sa tuwa at parang uod na nilagyan ng asin dahil sa kilig, mabilis akong nagtipa habang malaki ang ngiti.

Nakaramdam naman ako ng malambot na bagay sa mukha ko.

"Ano ba yon!?" Sigaw ko.

"Para kang timang! Ang panget mong kiligin!"

Napatingin ako sa kabilang kama, at nandoon ang kapatid kong akala mo pinaglihi sa sama ng loob. Laging mainit ang ulo.

Sinamaan ko lang ito ng tingin ngunit babatuhin na naman nya ako ng unan.

"Ate mo ako!" Sigaw ko ulit na syang nakapagpatigil sa kanya.

"Oo ate kita! Oo sinisigawan mo ko! Pero gusto mo isumbong kita kila mama na may jowa ka ha!?"

Ako naman ang natahimik. Mahirap na, baka mapalayas talaga ako ng bahay kapag binuking ako. Tss.

Bawal pa kasi kami pumasok sa relasyon. Bilin sa amin iyon. Pero dahil sa katigasan ng ulo ko, first year junior high pa lang noon ay may boyfriend na ako.

Pero lahat ng nakarelasyon ko ay puro long distance. Hanggang dito kay Pearsy. At sa lahat ng nakarelasyon ko, si Pearsy lang ang hindi ko alam ang tunay nyang pagkatao.

Hindi na kami nagpansinan at tinuon na lang ulit ang atensyon sa phone. Napansin ko namang ang dami ng message.

Una kong binuksan ang convo namin ni Pearsy. Isa rin tong pinaglihi sa sama ng loob. Sila ata ni Pia ang magkapatid.

Messenger

Pearsy
Active Now

Magu-usap kami ni
Kylie bukas.

Bakit?

She needs help

May problema raw.

Kailangan talaga
ikaw?

Sa akin lang sya
komportable.

Eh ako ba?

Iniisip mo bang
magiging komportable
sa pag u-usap nyo?

Wife, nagseselos
ka na naman.

May dapat ba akong
ikaselos sa malapit?

Tss.

I told you, magu-
usap lang kami.

Hindi naman kita
pinipigilan.

A'right

Sige na. May
assignment pa pala
ako.

Sige.
Seen

Napabuntong-hininga naman ako at humiga na lang sa kama. Biglang bumigat ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nya. Kababati lang namin tapos ganito na naman.

Kasalanan ko ba kung nagiging ganito ako kapag ang ex na nya ang pinagu-usapan. Sino ba namang matutuwa roon?

Lalo na kung sya ay nasa malapit tapos ikaw nasa malayo. Tapos through online lang kayo nagkakakilala at nagmahalan. Ano rin ba ang magiging laban mo sa kanya?

Lovers in Fake WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon