"Tara na ladies and gentlemen? Papunta na raw si Ma'am April sa restaurant," ani ni Ma'am Daizelle.
"Ay wait, maga-ayos muna pala ako. Prepare also yourselves okay?" Dagdag nya pa bago sya lumabas.
"Awww Sir! Di kayo makakasama," malungkot na saad ko kay Sir Michael.
"Ayos lang yan. Mag-pizza naman tayo bukas e."
"Oo nga beks. Kita-kits pa naman tayo bukas, pero mami-miss ko kayo!" Eksena ni Sir Terry with matching pag-punas ng luha kuno.
Mabigat sa dibdib, promise. Kayo na lang mag-hula kung may dibdib ako o wala.
Hindi ko a-akalain na ganito pala kalungkot kapag maghi-hiwalay na kayo, not all in a romantic way.
I bet pagkatapos ng pa-pizza bukas nila Sir Michael, at kapag nakuha na namin ang certificate and evaluation kay Ma'am Daizelle, hindi na namin sila makikita pa.
Balik na ulit kami sa kanya-kanyang buhay. Wala ng internship-and-manager relationship.
Yung kulitan, tawanan and kwentuhan moments.
Alas sais na nang tingnan ko ang oras sa phone. Dapat mamayang seven pa kami magt-time out kaso nagpa-set pala si Ma'am April ng dinner para sa amin.
Bumalik si Ma'am Daizelle at sinundo kami. Nagpaalam na kami kila Sir Michael, Sir Terry at Ma'am Amber.
Pumunta kami sa mall kung saan kami gumala noon pagkagaling namin sa interview doon sa main building nila.
Nilakad lang namin mula sa building namin papunta sa mall. Kung tutuusin ay malapit lang naman. Mas mapapa-layo kung sasakay ka kasi magka-iba ang direksyon ng mall at ang destination ng mga jeep dito.
Nag-antay kami ng ilang minuto bago dumating si Ma'am April. Hinayaan na namin syang um-order para sa amin.
Habang hinihintay ang mga pagkain, konting thank you speech ang natanggap namin mula sa kanya dahil sa pagtulong. Well, winwin situation lang naman. Natulungan namin sila, at natulungan din nila kami. Give and take lang kumbaga.
Syempre makakalimutan ba ang picture picture? Imposible. Queen of camera yang si Ma'am Daizelle. Tuwing bubuksan ko nga ang facebook ko, mukha nya agad bumubungad sa akin e.
Kaya heart-heart react na lang. Nakakahiya naman sa makinis nyang mukha. Char!
Maya-maya ay dumating na ang mga order at kanya-kanya na kaming kain.
Walang pansinan.
Away-away daw muna kami.
Okay na to at naka-kain na kami ng hapunan para pagdating sa bahay, magpa-pahinga na lang at as usual, magka-chat na naman kami ni Pearsy nyan.
Mabilis lang kaming kumain. Konting kwentuhan lang tapos pinayagan na rin kaming umuwi. May gagawin pa raw kasi si Ma'am April kaya kailangan nya ng bumalik agad sa main building.
Nagpa-alam na kami sa isa't-isa. Si Ma'am Daizelle naman ay mag-isa na ring bumalik sa building kung saan kami naka-assigned habang kami ay naglakad na rin papuntang terminal ng jeep.
Remember? Ang hirap sumakay dito.
"Tawagan mo kaya ulit si Francis te?"
"Nako, nasa OJT din. Mamaya pa ang uwi non kasi gusto na rin nilang matapos agad, kaya nago-overtime na."
"Sabi ko nga maglalakad talaga tayo e."
"Sana sinabi mong 'hindi na lang pwede.' Pinahirapan mo pa sarili mong magpa-liwanag."
BINABASA MO ANG
Lovers in Fake World
Teen FictionSi Maxene ay naghahanap lang naman ng ibang mapaglilibangan dahil sa nagkaroon sila ng kanyang mga kaibigan ng di-pagkakaunawaan. That's why she enter the virtual world. Dito ay nakahanap sya ng bagong pamilya, kaibigan at ang di-inaasahan ay ang...