Chapter 6

109 46 1
                                        

Kasalukuyan akong naglilinis ng kwarto dahil wala namang pasok. Libong-libo na rin ang alikabok na naninirahan dito sa loob lang ng isang linggo.

Sana naman nagbabayad sila ng renta para kumita ako kahit papaano.

Napatigil ako sa pagpupunas ng mga gamit nang may mahalungkat akong notebook at mga papel. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang mga nakaka-cringe tungkol sa mga ex ko.

Binasa ko ito at hindi ko alam kung paano ako mag re-react. Seriously?

Dear Diary,
2012
Ang hirap pala kapag yung taong una mong minahal ay niloko ka. Yes diary, niloko ako. Nalaman kong may ibang babae si Yael. Kung hindi ako nagkakamali ay magkaibigan sila doon sa lugar nila.

Bakit nya sa akin nagawa to? Kulang ba ang binibigay ko? Lagi ko naman syang pinapa-load-an ng Alltext 10. Ayaw nya ma ba yon? E sa yun lang kaya ng budget ko e. Binabawas ko pa yon sa baon ko para lang maka-text sya.

Dear Diary,
2012
Nakausap ko yung mama ni Yael. Nag text kasi ako kay Yael, tapos mama nya yung nag reply sa akin. Nilalagnat daw si Yael. Nalaman nya na girlfriend ako ni Yael. Tinawag nya pa akong anak. Tanggap ba nya ako diary? Kinakabahan ako kasi baka makarating to kay mama at papa. Nako!

Dear Diary,
2013
Nag break na kami ni Yael diary. Hanggang ngayon, sila pa rin pala nung kaibigan nya. Ang sabi nya hihiwalayan nya na. Ang sabi nya wala na sila. Napaka sinungaling!!

Dear Diary,
2015
May bago akong boyfriend diary. Hihi. Taga malayong lugar din. Nakilala ko sya sa Falling Game diary. Kaso marupok ako, kaya ayon na-fall ako. Sasaluhin naman daw nya ako diary e. Kaya ayun, bumigay na ako ng todo. Hehe.

Dear Diary,
2015
Tatlong araw na kaming nagkakalabuan ni Ronny, diary. May nakita kasi akong babae na kinover photo nya tapos "mhine" daw. Syempre, sinong hindi magseselos doon. Tapos sabi nya kaklase nya lang daw. Pero pag online sya, hindi nya ako kinakausap! Ang lakas nya manghingi ng load sa akin tapos hindi naman ako tini-text! Busy daw sya sa simbahan nila. Hmph'

Dear Diary,
2015
Diary! Huhuhuhu! Nalaman kong hindi pala seryoso sa akin si Ronny. Ang sakit sakit diary! Niloko nya lang ako! Bakit ganon!? Tapos bawal daw magkarelasyon ang Iglesia at Katoliko. E, Iglesia pala si Ronny! Huhuhu! Nadudurog puso ko diary!!

Lovers in Fake WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon