Chapter 8

94 40 4
                                    

Hazel's

Omooooo! Hello hazelnuuts!!! Hihi. Sa tatlong kaibigan ni Max, ako pa ang nabigyan ng opportunity na magkaroon ng point of view! Nyahahaha!!

Anyways highway,

Pauwi na kami galing sa practice. Mag a-alas syete na ng gabi natapos dahil gigil na gigil silang sumayaw kaya ginabi na rin kami ng uwi. Siguro mga nine na ako makakarating sa bahay dahil malayo pa ang byahe ko.

"Oh! Ingat kayo ha? Text or chat nyo ko kapag nakauwi na kayo!" Saad ni Max sa amin bago nya kami bineso-beso.

"Yes boss!" Tugon naming tatlo nila Joena at Morice sa kanya.

Sa aming apat, si Max ang parang nanay sa amin. Hindi naman sa itsura, pero sa ugali. Siguro dahil sa panganay din sya sa kanilang magkapatid. Na-adapt nya na yung mga responsibilities.

Ako kasi only child lang. Skl. Hehe.

Ewan ko ba sa magulang ko, ayaw na kasi nila akong sundan. Matanda na raw sila para magjug-jugan.

Kumaway kaming apat sa isa't-isa bilang pamamaalam at naghiwa-hiwalay na. Medyo nahirapan pa ako makasakay ng jeep dahil punuan ngayon. Uwian na rin ng mga nagta-trabaho kaya paunahan talaga.

Takbo kung takbo, bunggo kung bunggo. Kung pwede mo nga lang itulak yung nauna sayo, gawin mo na. Kidding.

Naramdaman ko namang nagv-vibrate yung cellphone ko sa loob ng bag kaya mabilis ko tong kinuha.

Dad's Calling....

Hindi ko ito sinagot at tinext na lang si daddy. Mahirap na baka mahablot pa ng iba.

From: Daddy
I need to talk to you.

Eh? Hindi makapaghintay na umuwi ako dad? Hindi na ako nag-reply at tumingin na lang sa bintana.

"PARA POOOO!" Sigaw ko kay manong driver nang matanaw ko na ang kanto ng subdivision namin.

"Hi kuyang guard!" Bati ko kay kuyang naka-duty ngayon.

"Hi Ma'am Hazel!" Bati nya rin sa akin.

Oh diba? Buti pa ako kilala nya. Ako kasi hindi ko sya kilala. Hehe.

Pag-uwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Daddy at Mommy sa sala pati si.... Francis!?

Luh anong ginagawa nyan dito.

"Dad. Mom." Tawag pansin ko sa kanila. Dalawa lang tinawag ko pero tatlo silang lumingon.

"Honey, anak. Finally you're home." Sabi ni Daddy.

Nagbeso-beso lang ako sa kanila at hinarap din si Francis.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na." Sabi ko sa kanya.

"Magkakilala kayo?" Singit ni dad.

"Magka-schoolmate kami daddy. Hindi naman kami close pero nagkausap na rin kami, nung inutusan ako ng adviser namin na tawagin sya."

"Good. That's good. Ngayon ay kailangan nyo na maging close."

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi nya.

"Why dad? Ano bang nangyayari?" Tanong ko sa kanya.

"You two are getting married," ngiting tugon ni mommy.

WTF!?

"HA!?" Sigaw ko sa kanila. Hakdog!

"Yes honey, nakausap na namin si Francis and unfortunately, ay pumayag na sya."

WTF part 2!!!

"Ehem. Aaykat na muna po ako sa kwarto. Kailangan ko na po magpahinga. Maaga pa ako bukas." Walang gana kong sagot sa kanila at mabilis na umakyat sa kwarto.

Ano yon!? 21st century na lahat-lahat, uso pa rin ang arrange marriage!?

Sabi ni daddy, nakausap na daw nila yung lalaking yon, eh paano naman ako!? Kinausap ba nila ako!? At eto namang si Francis, basta na lang pumayag?

Grabe ha. Biglang na-stress yung bangs ko. Kahit naman wala.

Nagbihis lang ako at mabilis na humilata sa kama. Ngayon ko mas naramdaman yung pagod buong araw tapos yung balita pa ni daddy.

Nakakaloka.

-----

"Good morning po." bati ko kila Mommy pagdating sa kusina.

Bangag na bangag ako ngayon dahil dalawa o tatlong oras lang ang tulog ko.

"Nakatulog ka ba ng maayos?" Tanong ni daddy

"Hindi po." Sagot ko at umupo para makakain na.

"Bakit naman?"

"Hayaan mo na hon. Baka masyado nyang inisip yung tungkol sa arrange marriage." Sagot naman ni mommy.

Tumango na lang ako sa kanila at nagsimula nang kumaim kahit ang totoo ay napuyat lang ako sa K-Drama.

Pashnea kasing hotel del luna na yan e. Nakakaintriga. Mas nakaka-intriga pa kay Francis.

"Huwag mong masyadong isipin iyon. Sa ngayon, getting to know each other lang muna kayo. Hindi naman namin kayo mina-madali. Alam naming may mga priorities pa kayo para sa sarili nyo."

Ang sarap ng sinangag.

"After nyong maka-graduate ng college, dun kayo mag de-decide if gusto nyong ipagpatuloy yung kasal. As of now, kailangan kayong dalawa ni Francis para may susuporta sa company naming dalawa ni Marlon."

Ah, yon naman pala e.

"Okay," tanging nasabi ko na lang.

"Ma'am, Sir, nasa labas po si Sir Francis."

"Papasukin mo Yaya Beneng. Thank you!" Pa-sweet na sabi ni Mommy.

Ay joke. Parang binabawi ko na yung 'okay.' Parang hindi na okay.

"Good morning po tita, tito."

"Maupo ka nak. Kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin mag almusal."  Sabi ni daddy.

Ang taray naman. Anak na agad hindi pa nga kinakasal.

"Sige po tito." Ngiting tugon nitong lalaking to.

Infairness, pogi.

"Hazel!"

"Yes daddy?" alinlangan kong sagot kay daddy.

Wag nyong sabihing natulala ako dito kay Francis? Pero saglit lang naman yon e.

"Sumabay ka na kako dito kay Francis."

"Maaga ka palang pumapasok?" Tanong ko sa katabi ko.

"Yeah." Ayan na naman sya mga sis sa ngiti nya!

"Okay. Mag-aayos lang ako." Sabi ko at pumunta sa kwarto.

Gad. Kailangan ko ata ng payo ng mga bruha kong kaibigan. Nawiwindang ako ng medyo medyo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay nagpaalam na kami kila mommy at daddy.

May dala pala itong sasakyan si Francis pero hindi ako pumayag na doon kami sasakay. Mas gusto ko kasing mag-commute lalo na kapag umaga dahil fresh pa ang hangin.

Mabuti na lang at mabilis kausap to o  di kaya ay nagpapa-impress lang sya kay daddy. Who knows.

"Dito na ako. Salamat." Sabi ko kay Francis nang nasa tapat na kami ng room.

"Sige. See you later," sabi nya at nagulat naman ako nang bahagya itong lumapit sa akin.

"Honey." Pahabol na sabi nya bago umalis.

Awit! Bakit may pag-ganon!?

Lovers in Fake WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon