Chapter 20

60 21 0
                                    

"Ngiting-ngiti Maxene? Natapos nyo na ba yung chapter 1 nyo?" Tanong ni Hazel.

"Napa-print nyo na?"

"Oo, na kay Adrian," sagot ko naman habang naka-tutok pa rin sa cellphone.

Alam nyo bang sa sobrang bilis ng panahon ay second anniversary na namin ngayong araw ni Pearsy?

Kaya naman ay sobra ang saya ko. Sa wakas! Naka-abot kami ng dalawang taon sa dinami-rami ng pinagdaanan namin at alam kong aabot pa kami ng maraming-maraming-maraming taon.

Maya-maya ay nag-reply na si Pearsy. Binati ko kasi sya kaninang alas-tres ng madaling araw e.

Messenger

Pearsy
Active Now

3:27 am

Goodmorning love!
Happy happy 2nd A
-nniversary sa atin!!
Happy 2 years of love
Thank you for staying
by my side! Kahit na
corny at childish ako.
Salamat sa pag-tanggap
ulit sa akin. Sa kung
sino at ano (alien po,
magandang species ng
alien) ako.
Sobrang dami nang
nangyari. Mga away,
tampuhan, 3x break-up
but still tayo pa diiin!
Patuloy lang ang laban!
Yieee. Wag mo kong
ipagpapalit! Ako kasi sa
pagkain lang kita ipag-
papalit. HAHAHAHA! De
jok lang.

Wag ka ng susuko ulit love
I may not be the perfect
girlfriend, but I'll promise
that I'll do my best to be
the best girlfriend you ever
have.

Konting drama na lang to
myloves! I love you so much
wala akong pinagsisihan sa
mga nangyari. Salamat
sa pagdating sa buhay ko!
/kiss you; HAPPY
ANNIVERSARY LOVE!!

6:58 am

I love you too
yan lang masasa
bi ko sa haba ng
sinabi mo. 🤣
Happy 2nd years
😘 pasok na ko,
Iloveyou.
Seen

-----
Pinagmasdan ko lang ang reply nya at napa-buntong hininga. Okay na to. Atleast binati nya pa rin ako. Psh.

Hindi kasi si Pearsy mahilig sa mga LSM na yan, ano pa nga bang aasahan ko?

"Happy 2 years sa inyo, Max!" Bati ni Hazel pagka-pasok nya sa room.

"Uyyyy, anniversary nyo na pala ngayon! Naks naman!"

"Happy anniversary!"

Nagpasalamat naman ako sa mga kaibigan ko. Kahit yung ibang mga classmates ko ay binati rin ako. Pfft.

Sunod-sunod na dumating ang mga kaklase ko at ang prof namin. Kaya naman ay nagsi-ayos na kaming lahat.

Konting discussions lang naman at nagpa-quiz ulit. Ganon din naman ang nangyari sa mga sumunod na subjects.

Sa paulit-ulit na nangyayari sa amin araw-araw ay tila sanay na sanay na kami rito.

Gigising ng maaga, maga-asikaso, papasok sa eskwelahan hanggang tanghali tapos papasok sa kumpanya pagdating ng hapon, mag-aantay ng masasakyan pag-uwi o di kaya ay lalakarin na lang kapag hindi tinamad.

Yun nga lang ay padami na nang padami ang school works.

"Get ready your papers and laptop per group." Ani ni Ma'am Carol pagkapasok na pagkapasok sa room.

Lovers in Fake WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon