(A/N: Play the music above)
Playing: Imahe
By: Magnus HavenTinuon ko ang atensyon ko sa pag-aaral simula nang mag-hiwalay kami ni Pearsy.
Naging top 1 ako sa room namin noong third grading at top 28 sa over all ng grade 12. Pero alam ko namang babalik sa pwesto yung kaklase ko sa pagiging top 1 dahil sya naman ang top 1 ever since.
Yung research paper namin ay ako na ang umako sa pagre-revise tuwing pinapa-ulit ni Ma'am para lang maging abala ako.
Gabi gabi pa rin akong umi-iyak. Sa tatlong buwan na nakalipas, lagi pa rin akong umi-iyak.
At sa bawat gabing iyon ay paulit ulit kong sinasaktan ang sarili ko sa tuwing binabasa ang convo namin.
Hindi ko alam kung anong sakit ang nararamdaman ko. Sakit ba sa panlolokong ginawa nya, o sakit dahil sa kabila ng nangyari sa aming dalawa ay mahal ko pa rin sya?
"Congrats Everyone!!"
"Whooo! Nakaraos din!"
"Oy diba sabi ni Max, ili-libre nya raw tayo?"
"Oo nga! Oo nga! Ni-record ko pa yon! Haha." Tiningnan ko lang ito at nanatiling tahimik. "Joke lang pala, Max!" Ani ni Adrian sabay kindat sa akin.
Napa-ngiti naman ako at niyaya sila na bibili kami ng kwek-kwek mamayang uwian. Yun lang naman ang gusto nila. Pero sya pa rin ang gusto ko.
Kata-tapos lang ng final defense namin ngayong araw. May kasabay pa kaming ibang section kaya nahati ang schedule ng defense. Pang-hapon kami at section namin yung pang-huling magde-defense.
Masasabi ko namang successful ang lahat. Hindi ko man maramdaman yung saya pero nandoon naman yung ginhawa. Sa wakas, natapos na rin ang lahat.
Nakapag final exam na kami, na-compute na rin ang grades namin kaya wala na kaming iba pang iintindihin kundi ang graduation na lang.
Sa susunod na linggo ay magsi-simula na kaming mag-practice sa gymnasium.
Kinabukasan ay gumala kami nila Morice, Hazel, Joena, Mark at Adrian. Naging close na namin sila Mark at Adrian at lagi na rin namin silang nakaka-bonding simula nang makasama namin sila sa work immersion.
Pumunta lang kami sa arcade at doon naglaro mag-hapon. Maraming ticket ang na-ipon namin at pinalit lang namin to sa mga pagkain. Anong gagawin namin sa mga laruan na premyo kung mga patay-gutom kami? Sayang lang kung hindi namin makakain.
Naglilibot-libot na lang kami sa mall nang maubos na yung laman ng timezone card namin.
Niyakap naman ako ni Joena at Morice habang naglalakad kami.
"Magiging okay ka rin best. I love you," saad ni Morice.
"Hoy ano yan!? Sali ako!" Sigaw ni Hazel at tsaka naki-sali sa amin.
"Hoy! Sali rin kami. Group hug!" Saad naman ng dalawang lalaki.
Wala na akong nagawa nang mag group hug kami sa gitna. Grabe. Dito pa talaga nila na-isipang mag group hug?
Kahit papaano ay nai-ibsan yung lungkot ko kapag kasama ko sila at nagpapa-salamat ako na nakilala ko sila.
Pag-uwi sa bahay ay humalik lang ako kila papa at mama tsaka nagpa-alam na magpapa-hinga na.
Nagbihis lang ako at humilata sa kama. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong nakatitig sa kisame bago makatulog.
-----

BINABASA MO ANG
Lovers in Fake World
Novela JuvenilSi Maxene ay naghahanap lang naman ng ibang mapaglilibangan dahil sa nagkaroon sila ng kanyang mga kaibigan ng di-pagkakaunawaan. That's why she enter the virtual world. Dito ay nakahanap sya ng bagong pamilya, kaibigan at ang di-inaasahan ay ang...