Maxene's
"ANOOOOOOOO!?" Sabay-sabay na sigaw namin nila Morice.
"Oo nga te, ganon na nga ang ganap." Sagot ni Hazel.
Sheeet! Naloka ako sa kinuwento ni Hazel sa amin.
"Ano na? Nawiwindang ako. Di ko alam kung ano ire-react ko." Hazel
"Kahit kami rin te." Saad ni Joena.
"Akalain mo yon? Wala ka ngang jowa pero nagkaroon ka naman ng instant fiance, you're soon to be husband," ani ni Morice.
"Wow, magic." Ako
"Tapos kanina lang, tinawag nya kong honey. T-tapos tapos ang husky pa ng boseees. Omaygad! Para na rin akong nasa wattpad!" Hazel
"Oh ansabe sayo te? Tinalo pa yung mala fairy-tale na relasyon nyo ni Pearsy." Asar sa akin ni Joena.
Umirap ako sa kanya at kumain na lang. 10 minutes na lang at matatapos na ang breaktime namin.
*knock*
*knock*
Lahat kami ay napatingin sa pintuan nang may sumilip doon na ibang nilalang. Charot.
"Excuse me, nandyan ba si Hazel?" Saad nung lalaki.
May mga echosera rin syang kasama at pilit na nakikisiksik sa pinto. Sorry sila, maliit lang yung pinto.
Nagpipigil naman ng ngiti si Hazel na animo'y nagpipigil ng kilig.
"Hoy! Kumalma ka, baka panty mo malaglag!" Sigaw ni Morice na syang ikni-tawa namin.
Nag mouthed lang si Hazel ng 'fuckyou' bago sila tuluyang lumabas ng naghahanap sa kanya. Maybe that's her fiance.
Nag-kwentuhan na lang kami nila Joena at Morice tungkol sa mga bagay-bagay.
Lumipas ang isang oras at natapos na ang breaktime pero hindi parin pumapasok yung prof namin.
"GUYS!!" Sigaw ng president namin.
Tumingin kaming lahat sa kanya at nag-abang ng susunod nyang sasabihin. Pabitin e.
"WALA RAW YUNG MGA PROF NATIN HANGGANG SA LAST SUBJECT. NAGKAROON DAW NG EMERGENCY MEETING SABI NG ADMIN. YUN LANG! PERO WALA PA RIN DAW UUWI HANGGAT HINDI PA UWIAN. THANKS."
"Yun oh!"
"Tara ml!"
"HOY MGA PONYETA KAYO! MAY PRACTICE BUKAS SA BAHAY, GANONG ORAS ULIT." Sigaw naman ni Hoffer.
"Sige sige."
"Arat ml na!!"
"Game game."
"Buti naman at walang prof."
"Di natin makikita si Mam Carol."
"Oo nga."
"Hoy!"
"Grabe ang ingay nyooo!"
At ayon na nga guys. Nagsimula na naman silang mag-rambulan.
Nag open na lang ako sa dummy account. Ganon din sila Morice, Joena at si Hazel. Nakatambay kami sa dummy world at doon na lang nag usap-usap together with our virtual family.
Virtual House
Mariel:
Wala nga kayong
iniwang pagkain dito!!
Grrrr!
BINABASA MO ANG
Lovers in Fake World
Teen FictionSi Maxene ay naghahanap lang naman ng ibang mapaglilibangan dahil sa nagkaroon sila ng kanyang mga kaibigan ng di-pagkakaunawaan. That's why she enter the virtual world. Dito ay nakahanap sya ng bagong pamilya, kaibigan at ang di-inaasahan ay ang...