ASHTON P.O.V.
Ng sinindihan ko ang tv ay saktong my flash news at ang sabi doon ay signal #2 kami kaya pala malakas ang ulan. Biglang nag salita si mama.
"Wag na muna kayong umuwi ngayon gabi bukas na lang ng maga dahil baka mapano pa kayo sa daan dahil malakas na rin ang ulan sa labas at dito narin muna kayo matulog sa bahay namin at tawagan nyo narin yung mga magulang nyo na dito kayo muna mag papalipas ng gabi dahil baka mag alala sila sa inyo na hindi kayo makauwi ngayong gabi at tawagin nyo na lang din akong tita dahil kaibigan rin naman kayo ng anak ko". -mama
"Sege po tita". -den mark, clyde at vince
"Mama pero wala tayong guest room dito sa bahay alam mo naman yan diba at alam mo rin naman mama na mga anak mayaman yang tatlong lalaki nayan at saan mo naman sila papatuligin dito aber" (paliwanag ko kay mama dahil 2 lang ang kwarto dito sa bahay namin). -ashton
"Doon ka na lang tumabi matulog sa kwarto ko tapos silang tatlo ay sa kwarto mo matutulog". -mama
"Mama nag jojoke kaba alam mo namang hindi ako nag papasok sa loob ng kwarto ko" (paliwanag ko kasi yung kwarto ko na yun ay alagang alaga ko kasi lahat ng sulok ng kwarto ko ay may merchandise ng k-pop group wich is EXO kaya ayaw kong may pinapapasok doon). -ashton
"Isa pang sagot ASHTON KIM GARCIA FERNANDEZ icacancel ko yung pinabili mo sakin". -mama
"Mama naman diba kanina ko pa sinabi na pwede sila sa kwarto ko matulog" (dahil nag order sya ng bagong labas ng merchandise ng exo at ayaw kong ipacancel yun). -ashton
"Sege papuntahin mo muna sila sa kwarto mo sa taas para makapag pahinga muna sila". -mama
"Tara na sa taas ano pa ang hinihintay nyo". -ashton
VINCE P.O.V.
~~KWARTO NI ASHTON~~
Pag kabukas ng kwarto nya napamangha ako dahil hindi ko inaasahan na ganto ang madadatnan namin akala ko merchandise lang ganon pero namangha talaga ako dahil napaka linis, organize at napaka ganda ng ayus ng mga merchandise nya sa loob ng kwarto nya at pati sa dingding na nga lang may nakalagay pang picture. Pero ang nakaagaw ng pansin ko ay yung picture na nasa taas ng head board ng kama nya kaya tinanong ko ito.
"Junior sino yung nasa picture sa taas ng head board mo". -vince
"Si Chanyeol yun bakit may problema ba MR.Juts". -ashton
Pero alam nyo hindi ko talaga alam ibigsabihin ng juts dahil kasi kanina tinanong ko kung ano ang ibigsabihin ng salitang juts kay clyde yung sabi nya ay gwapo daw ang ibigsabihin pero hindi ako talaga naniniwala.
"Grabe ka ashton fan na fan katalaga nila ano". -clyde
"Oo fan na fan talaga nila ako kasi parang sakanila na umiikot buhay ko". -ashton
"Halata naman ehh kasi buong kwarto mo sila lang ang nakalagay". -den mark
"Pero please pakeilaman nyo na lahat ng gamit dito wag lang yung nandoon sa devider na yun" (sabay turo nya doon sa devider na ang laman lang naman ay isang box na pahaba). -ashton
"Makakaasa ka saamin na wala kaming papakielaman dito sa kwarto mo dahil alam namin na mahalaga sayo lahat ng ito". -den mark
"Sege salamat! mag pahinga muna kayo dito sa kwarto ko bababa lang ako para manood muna ng EXO shkwtime". -ashton
Habang nandito kami sa loob ng kwarto nya ay natulog muna kami at pag kagising ko ay alas 6 na pala ng gabi at gising narin yung dalawa at nakita ko sila na nag cecellphone.
Kaya naman ang ginawa ko ay pumunta ako sa tapat ng divider na sinasabi ni ashton at binuksan ko iyon.
"Bakit mo binuksan yan Vince diba sabi ni ashton wag nating papakielaman yan". -den mark
"Wait lang den mark titignan ko lang yung laman ng nakabox". -vince
"Bahala ka sa buhay mo". -den mark
Ng nabuksan ko yung box ay may nakita ako parang lightstick na pahaba at nakalagay at EXO PLANET #1 THE LOST PLANET kaya ang ginawa ko ay pinidot ko yung switch para tignan kung umiilaw ito pero sa kasamaang palad ay biglang dumulas yung lighstick sa kamay ko at nalaglag ito sa sahig at nawarak ito at saktong bumukas ang pinto ng kwarto ni ashton.
ANONG GINAGAWA MO VINCE BAKIT MO SINIRA DIBA SABI KO NAMAN WAG NYONG PAPAKIILAMAN YUNG NANDYAN SA DIVIDER (Hiyaw ni aston saakin at biglang syang lumapit sa nasira kong lighstick). -Ashton
________________
Bakit kaya ganon na lang ang galit ni Ashton ng nasira ni Vince yung lighstick ng exo at ano kaya ang susunod na mangyayari.Authot Notes:
Maraming salamat sa mga nag babasa parin ng story nato. Thank you talaga ng marami.
BINABASA MO ANG
Dare Of Love [Complete]
Teen Fiction❤NOT EDITED❤ Sa mga hindi pa po nakakaalam ito po ang First Story kung natapos dito sa wattpad kaya po marami pong mali at mga typo kayong ma eencounter kaya po nag sosorry na po ako. Pero itatry ko pong eedit sa mas lalong madaling panahon iton DAR...