THIRD PERSON P.O.V.
~~FLASHBACK~~
Pag kasabi ng mga doctor ni Vince na ipunta sya sa America para doon gawin ang operasyon ay hindi na nag dalawang isip ang pamilya nya na doon ipagamot si Vince at ipaalam kay Alley na patay na sya dahil para hindi na ito masaktang lalo dahil sinabi ng mga doctor na hindi 100% na gagaling si Vince sa Transplant na gagawin sa kanya dahil komporme parin daw sa katawan nya kung tatanggapin ito kaya ang ginawa ng pamilya ni Vince ay lumipad na kaagad silang buong pamilya papuntang America para ma operahan sa madaling panahon si Vince. Pag karating nila sa america ay ginawa kaagad ang operasyon kay Vince at binigyan sila ng 48 hours na kung hindi magigising si Vince ay pwede nya itong ikamatay pero mabait parin ang dyos kay Vince dahil gumising ito pero pinag pahinga din para makabawi sya ng lakas.
Makalipas ang dalawang buwan ay nagising na nga si Vince pero sinabi ng doctor na hindi pa pwedeng umuwi si Vince dahil kaylangan pa nila itong obserbahan kung Succesful ba ang operation at makalipas pa nga ang 5 months ay okay nasi Vince at bumalik nga sya sa Pilipinas para supresahin si Alley sa kanyang Graduation pero ng makita nyang masaya nasi Alley ay hindi na sya tumuloy bagkos ay hindi na lang sya nag pakita dahil ang buong akala nya ay okay lang kahit wala na sya sa tabi ni Alley dahil masaya naman na ito kaya hindi nya na ito pinakielaman pang muli at lumipad na kaagad sya papuntang America.
Pero makalipas ang ilan pang buwan ay pumunta si Vince sa Mall at nakasalubong nya si Clyde at Aubrey na nag lalakad sa Mall sa america at nakita nga sya nila Clyde kaya pinaliwanag nya ang lahat ng ito sa kanila at napag desyonan nilang ipaalam din kanila Den Mark at Jean lahat at kinausap rin ni Vince yung pinsan nya nasi Bright para bantayan si Alley habang wala pa syang lakas para mag pakitang muli.
~~END OF FLASHBACK~~
PRINCE P.O.V.
Hindi ko inaasahan na ganon pala ang nararamdaman ng kapatid ko, ang buong akala namin ni dad ay okay na sya, pero hindi naman pala dahil pinapakita nya lang sa amin na matatagsya pero sa likod non ay hinagpis ng guilt sa kanyang puso ang nararamdaman nya. Oo, pinatuloy ko sila Vince at ang kanyang mga kaibigan dahil pinaliwanag na nila sa akin ang lahat at isa lang ang masasabi ko mahal parin nila ang isa't isa pero natatakot lang si Alley na baka masaktan na naman sya sa dulo dahil baka ulitin nanaman ni Vince ang ginawa nya kay Alley. Pero ang totoo kahit masakit na para sa kanya ay pinapakita nya parin saming masaya sya na kaya nya pero ang tanga kung kuya hindi ko man lang yun napansin. Seguro hindi ako naging mabuting kuya sa kapatid ko!? Pero kung hindi seguro nawala si Alley ng bata pa sya seguro ngayon kilalang kilala ko yang kapatid ko. At may naisip ako na pag usapin sila Vince at Alley na silang dalawa lang kaya pumunta ako sa drawer malapit sa sala at binigay yung susi ng kwarto ni Alley kay Vince para makapagusap silang dalawa.
"Mag usap kayo ng kapatid ko sa taas." Sabi ko kay Vince at abot ng susi sa kanya.
"Pero, kuya baka mas magalit sya sa akin kung gagawin ko yun!" Sagot nya naman sa akin na may kasamang takot.
"ISA!" Bilang ko sa kanya kaya kinuha nya na ito at pumunta sa taas.
VINCE P.O.V.
Umaakyat na ako pataas para puntahan yung kwarto ni Alley pero aaminin kung kinakabahan ako sa mangyayari ngayon dahil baka mas magalit sya sa akin sa gagawin ko ngayon pero bahala na. Binuksan kuna yung kwarto nya at nakita ko syang mahimbing sa pag kakatulog dahil seguro sa pagod ka kaiyak kaya ang ginawa ko ay umupo muna ako sa Mini Sala nya dito sa kwarto nya baka kasi pag nilapitan ko sya baka magalit nanaman sya sa akin ng biglang.
"Vince! Mahal na mahal kita, please! Wag mo akong iiwan. Vince! Pagod na pagod na akong maging malakas sa mata ng mga taong nakapaligud sa akin. Vince! Gusto kunang mamatay para mawala lahat ng sakit na dinulot nyo sa akin nila Aubrey at Jean na tinuring kong mga kaibigan pero niluko lang nila ako. Vince! Wag mong kakalimutan Mahal na Mahal kita, ikaw lang yung lalaking una't huli kung mamahalin. Pero sana sa mga oras nato, Palayain muna ako dahil pagod na pagod na ako." Nilapitan ko sya para makita kung tulog parin ba sya pero pag kakita ko sa kanya gising na sya at umiiyak.
"Sorry! Kung nasaktan kita. Sorry! Dahil wala akong lakas ng loob para bumalik sayo. Natatandaan mo yung araw ng Graduation nyo at pumunta kayo sa Mall? Ako yun nakita mo dun, May plano ako surpresahin ka ng araw nayun pero ng nakita kitang masayang masaya na kahit wala ako tinuloy kuna lang. At kaya pinalabas nila Mom and Dad na patay na ako sayo dahil hindi sure kung mabubuhay ba ako pag katapos ng Transplant ko na baka pag sinabi nila sayo na hindi 100% na mabubuhay ako ay baka kung ano ang mangyari sayo at hindi muna ituloy ang buhay mo pag wala na ako. Pero malinaw na sa akin ang lahat na hindi muna ako kayang pag katiwalaan sa Pangalawang pag kakataon. Pero ito tatandaan mo ikaw lang din ang una't huling ko taong mamahalin sa buong buhay ko. Paalam!" Pag kasabi ko noon ay pumunta na ako palabas ng kwarto nya at buo na ang desisyon ko sa America na lang ulit tumira.
"Ganyan ka naman ehh! Hinihintay ko lang naman na isabi mo sa akin ng "Give me a second Chance, Alley." Pero wala akong narinig mula sayo." Sabi nya sa akin kaya napalingon ako.
"Dahil natatakot akong isabi mo sa akin na 'Wala ng Second Chance, Vince! Matagal ka ng patay sa akin kaya wala ng pag asang bigyan pa kita non!' Na paulit ulit mong sinabi sa akin na Matagal na akong patay sayo. Na sana nga natuloy na lang na namatay ako dahil wala naman palang silbi ang pangalawa kung buhay kung paulit ulit lang ipinag mumukha ng taong mahal kuna "patay kana" Wag kang mag alala dahil alam ko naman na pag nawala na ako sasaya kana dahil yung matutupad na yung pangarap mo. Ito lang ang isasabi ko sayo, pag nakaalis na ako dito sa pilipinas dahil babalik na ako sa America bukas dahil wala naman palang silbi ang pag babalik ko dito sa pilipinas at itoring muna rin akong patay at itong mga nangyari sa atin ng mga nakaraang araw isipin muna lang na Panaginip. Salamat na lang sa lahat ng Sayang pinarandam mo sa akin dati babaunin ko yun hanggang sa huli ng aking buhay" At hindi kuna napigilang pumatak ang aking mga luha at bumaba na pero may sinabi pa sya pero hindi kuna narinig dahil ayaw kunang masaktan dahil sa mga salita paulit ulit na pumapatay sa aking kaluluwa. Inabot kuna lang kay Kuya Prince yung susi at umalis na sa kanilang bahay at umuwi na sa bahay para makapag gayak para sa pag alis ko dito sa pilipinas.
Author Notes!
Maraming salamat sa patuloy na nag babasa sa aking story at patuloy na nag vovote. Thank you Guys!
BINABASA MO ANG
Dare Of Love [Complete]
Novela Juvenil❤NOT EDITED❤ Sa mga hindi pa po nakakaalam ito po ang First Story kung natapos dito sa wattpad kaya po marami pong mali at mga typo kayong ma eencounter kaya po nag sosorry na po ako. Pero itatry ko pong eedit sa mas lalong madaling panahon iton DAR...