CHAPTER 42

338 14 0
                                    

ALLEY P.O.V.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto walang ginawa kung hindi umiyak ng umiyak. Hindi ko alam kung Sasaya ba ako o hindi? Dahil, buhay si Vince yung lalaking mahal na mahal ko. Yung lalaking inakala ko patay na pero buhay na buhay naman pala. At mas lalalong masakit dahil pinagkatiwalaan ko yung mga kaibigan ko pero niloko lang nila ako na pinaniwala nila na patay nasi Vince!? Pero ano nga ba yung nararamdaman ko? Oo! Aaminin kung masaya ako dahil buhay si Vince, pero kasi pinag mukha nila akong tanga na patay na sya. Sa dami kong iniisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at makalipas ang ilang oras ay nagising ako dahil may kumakatok.

TOK! TOK! TOK!

"Alley! Gising kana ba?" Tanong ni kuya habang kinakatok ang pinto ko.

"Opo kuya!" Sagot ko naman.

"Halika kana sa baba para makakain na tayo." Wala akong nagawa dahil aaminin kung gutom na talaga ako.

"Wait lang kuya!" Sagot ko kay kuya.

"Sege! Una na ako sa baba." Pag kasabi ni kuya non ay nakarinig ako ng mga yapak ng tunog ng sapatos papunta dito sa aking kwarto kaya nag madali akong buksan ang pinto ng aking kwarto at inakap kaagad si kuya na walang pangangailangan. Pero bakit ganto nag iba na pala yung pabango nya at mas gumanda ang hulma ng katawan nya kaya napatingin ako sa mukha nito sa nagulat sa nakita ko.

"Vince! Ikaw pala?" Sabi ko sa kanya at napayuko ako sa hiya ng aking ginawa.

"Ang Cute mo parin!" Sabi nya sa akin.

Alley! Wag kang malandi. may kasalanan pa yan sayo kaya! war muna kayong dalawa ngayon.

"Bat ka nandito sa bahay namin." Pag tataray ko sa kanya.

"Binibisita lang kita." Walang pangangaila sa sagot nya sa akin. Pero ako lumabas lang ng aking kwarto at pumunta nasa baba para makakain.

"Kuya Prince! Salamat po dahil pinayagan nyo kaming makamusta si Alley." Kilala ko kung kanino galing yung boses na yun.

"Walang problema doon." Sagot naman ni kuya.

"Salamat po talaga kuya." Sagot nanaman nya sa kuya ko kaya nag madali na akong pumunta sa Dinning Area.

At nakita ko sila Aubrey, Jean, Den Mark, Clyde at Bright na kasalong kumain ni kuya Prince at dad.

"Anong ginagawa nyo dito!" Sigaw ko sa kanila kaya napatingin sila sa aking lahat.

"Kumakain sila natural!" Sagot naman ni Kuya Prince pero hindi ko sya pinansin.

"ANONG GINAGAWA NYO DITO!" Sigaw ko parin sa kanila dahil galit na galit na ako.

"Wag kang sumigaw dyan Alley!" Sabi ni dad pero mas lalo akong nagalit.

"BAKIT KAYO NADITO! ANG KAPAL NYO RIN MAG PA---." Pero hindi ko natapos yung sasabihin ko dahil nag bilang nasi dad.

"Umupo ka dyan at kumain na." Sabi ni dad kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya at wala kahit isang nag sasalita. "Dito sila matutulog." Pag kasabi ni dad ay gulat na gulat na ako sa mga nangyayari ngayon.

"Pero --." Hindi ko nanaman natapos yung sasabihin ko.

"Wala ng pero, pero Alley nakikita mo ang lakas ng ulan sa labas tapos papauwiin mo sila, baka mapano sila sa daan." Pag kasabi ni dad ng mga salita na yun ay bigla na lang tumulo ang aking mga luha dahil naalala ko nanaman si Mama dahil parang ganto ang mga salitang sinabi nya dati kanila Vince ng natulog sila sa bahay dating buhay pa si mama.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong sa akin ni Dad pero hindi ko sya pinansin bagkos ay tumakbo nalang ako sa kwarto ko at nag lock agad ng pinto at umiyak ng umiyak habang akap akap ko ang aking mga tuhod.

"Bakit ang sakit sakit!?" Sigaw ko sa aking kwarto habang umiiyak.

"Gusto ko lang naman bumalik ako sa dati? Yung baklang masiyahin, mataas ang pangarap at higit sa lahat ay hindi basta basta sumusuko sa agos ng buhay." Iyak parin ako ng iyak ng biglang may humawak sa likod ko at hinahaplos pataas baba ang kamay nya. At sa mga oras nato ay parang nawala lahat ng sakit sa puso ko dahil alam kung may kasangga ako para labanan ito at hindi ko namalayan nakatulog na pala ako dahil seguro sa kakaiyak.

VINCE P.O.V.

Pag kababa ni Ashton o Alley man wala ako pakialam basta sya yung taong pinakamahalaga sa buhay ko at pumasok ako sa loob ng kwarto nya at humiga sa kanyang kama habang tinatandaan lahat ng mga masasayang alaala naming dalawa ng biglang may nagsara ng pinto at.

"Bakit ng sakit sakit!?" Pag karinig ko ng mga salita na yun ay napabangon ako at nakita ko si Ashton na umiiyak habang akap akap ang kanyang mga tuhod sa likod ng pinto ng kwarto nya.

"Gusto ko lang naman bumalik ako sa dati? Yung baklang masiyahin, mataas ang pangarap at higit sa lahat ay hindi basta basta sumusuko sa agos ng buhay." Habang binibigkas nya ang mga salita na yun at palapit ako ng palapit kay Ashton at ng malapit na ako ay nag aalinlangan pa akong hawakan sya dahil baka pag ginawa ko ito ay mas magalit sya sa akin pero wala ehh! Nilaksan kuna ang loob ko at hinawakan ang likod nya at hinaplos ito paakyat baba at para malaman nyang palagi akong nasa tabi nya at hindi nag tagal ay wala na akong marinig na kahit anong tunog na galing sa kanya kaya napagalaman kung nakatulog na pala sya kaya binuhat ko sya at pinahiga sa kama nya.

"Ashton! Mahal na mahal kita. Sorry! Kung nagawa man kitang layuan pero kahit nangyari yun ay palagi mong tatandaan mahal na mahal kita." at hinalikan ko sya sa noo at bumaba na at habang palapit ako nang palapit ay naririnig ko silang nag tatawanan.

"Sorry po sa pag abala sa pag kakasiyahan nyo pero mag papaalam na po sana kaming umuwing mag kakabarkada." Sabi ko sa kanila.

"Dito na lang kayo matulog sa bahay dahil malakas na ang ulan kaya hindi ako makakapayag na umuwi kayo at anong oras narin baka mapano pa kayo sa daan." Pag papaliwanag sa akin ni tito.

"Pero nakakahiya naman po."

"Okay lang sa akin yun Vince! Dahil kaibigan narin kayo ng anak ko. Pero isa lang ang available na kwarto dahil yung mga iba ay pinapa ayus kupa." Pag papaliwanag sa akin ni tito.

"Okay lang po yun tito! Salamat po." Sabi ko ulit sa kanya.

At hindi nag tagal ay pumunta na kami sa kwarto namin at shempre sa kama natulog yung dalawang babae at kaming apat sa baba pero hindi parin kami kasya kaya napag disyonan kung matulog na lang sa sala sa baba kaya pumunta na ako dito at nag simula ng matulog.

Author Notes:
             Maraming salamat sa walang sawang sumusuporta sa Story ko. Thank you guys!

Dare Of Love [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon