ASHTON P.O.V.
Ginawa kung insperasyon si Vince para makapag tapos ako ng Senior High School at kahit kaylan ay hindi ko sya kinalimutan dahil araw araw ko syang kasama dahil nararamdaman kung nandyan lang sya ginagabayan nya ako kahit saan ako pumunta.
"Bakla! Congrats." Sigaw sa akin ni Jean.
"Bunganga mo naman dyan." Saway naman ni Aubrey sa kanya.
"Labas tayong tatlo." Sabi ni jean.
"Pwedeng sumama din kami ni Den Mark? Ashton!" Sabi ni Clyde.
"Isabi mo na lang kasi Clyde, Gusto mo lang makasama si Aubrey. Wala naman problema doon? Kasi naman ikaw kung niligawan muna yung kaibigan namin edi sana kayo na. Ang tanga mo lang!" Sabi ko kay Clyde.
"Bahala ka pag may nakauna dyan." Gatong naman ni jean at namula silang dalawa ng biglang may lumapit sa aming babae na masasabi kong maganda.
"Si Princess Ella Javier Girl Friend ko." Sabi ni Den Mark.
"Ella! 17, Philippines." Sabi nya sa amin kaya natawa kaming tatlo pwera lang sa dalawang lalaki.
"Jean! 17, Colombia." Sabi rin naman ni jean.
"Aubrey! 17, U.S.A" sabi rin naman ni Aubrey kaya hindi ako may papakabog.
"Ashton! 17, From the land of the rissing Sun." Tinigil ko muna at ang mga bogak sumagot.
"JAPAN!" Sabi nila Jean, Aubrey at Ella.
"Gapan, Philippines." Kaya nag tawanan silang lahat.
"Japan yun bakla." Sabi naman ni Jean.
"Ay! Nabago na hindi naman ako nainform." Sabi ko naman.
"Tara na nga sa mall." Sabi ni Den Mark kaya pumunta na kaming 6.
~~MALL~~
Habang kumakain kami sa Jollibee ay may nakita akong mukha na matagal kunang hinahanap na makitang muli.
"VINCE!" Sigaw ko kaya nakakuha ako ng attensyon sa mga kasama naming kumakain pero wala na akong paki alam.
"VINCE! Hintayin mo ako." Sigaw ko parin dahil nakita ko talaga sya at hinding hindi ako mag kakamali dahil kilalang kilala ko kahit nakatalikod sya at kahit malayo at hindi ko alintana na may nababangga na akong mga tao basta ang alam ko lang ay kaylangan ko na siyang makasama.
"Bakla! Wala na si Vince?" Sabi sa akin ni Jean.
"Matagal na syang wala Ashton!" Sabi naman ni Clyde.
"Hindi ako pwedeng mag kamali si Vince talaga ang nakita ko." Pag pupumilit ko sa kanila.
"Pero Ashton! Matagal ng wala si Vince." Den Mark.
"Hindi nag sasabi ako ng totoo si Vince talaga ang nakita ko." Pag pupumilit ko talaga.
"Bakla! Palayain muna si Vince. Matagal na syang wala kaya sana matuto karing pakawalan sya." Sabi sa akin ni Jean.
"Hindi ko sya papalayain Jean! Dahil alam kung hindi sya mawawala sa puso't isip ko." Marami na sa aming nakatingin dito sa mall.
"Pero patay nasi Vince, ilan beses ba namin sayo ipapaulit ulit." Sabi sa akin ni Aubrey.
"Ashton? Uwi na tayo sa bahay." Sabi sa akin ni kuya Prince.
"Kuya Prince buhay si Vince, nakita ko talaga sya kanina dyan." Sabay turo sa pwesto nya kanina. "Kuya maniwala ka sa akin buhay talaga si Vince." Pag pupumilit ko talaga kay Kuya Prince.
BINABASA MO ANG
Dare Of Love [Complete]
Teen Fiction❤NOT EDITED❤ Sa mga hindi pa po nakakaalam ito po ang First Story kung natapos dito sa wattpad kaya po marami pong mali at mga typo kayong ma eencounter kaya po nag sosorry na po ako. Pero itatry ko pong eedit sa mas lalong madaling panahon iton DAR...