CHAPTER 44

322 14 1
                                    

PRINCE P.O.V.

Kanina pa kami ng mga kaibigan ni Alley dito sa Dinning Table para mag simula nang kumain pero hindi kami makapag simulang kumain dahil wala pa sila Alley at Vince kaya napag disyonan kung sundan na sila sa taas dahil baka nag aaway nanaman silang dalawa.

"Sundan kuna sila sa taas baka nag aaway na sila." Sabi ko naman sa kanila.

"Sama na po kami Kuya Prince." Sabi naman ni Jean.

"Hindi na hintayin nyo na lang kami dito."

"Sege po kuya!" Sabi ulit ni jean.

Kaya tumaas na ako at nag madali baka nag aaway na sila pero pag kabukas ko ng pinto ay nakita ko silang nag hahalikan sa baba ng kama at iba palang away ang gusto nilang dalawa.

"Wow! Ang galing nyo naman." Ginawa kung galit ang tuno ng salita ko para kabahan silang dalawa.

"Ku---ya." Halata sa boses ni Alley ang kaba.

"Anong ginagawa nyo?" Inosente kung tanong sa kanilang dalawa.

"Wala po kuya Prince!" Sabi naman ni Vince pero halata parin ang kaba sa boses nya.

"Wala!? Pano mo garod ipapaliwanag yang tent sa loob ng twalyang nakakabit sayo." Sabi ko sa kanya.

"Kuya mag papaliwanag po ako." Sabi naman ni Alley at halata sa boses nya ang sobleng kaba.

"Ikaw Vince pumunta kana para mag bihis at ikaw naman Alley mag hilamos kana at sabay sabay na tayong bumabang tatlo." Pag kasabi ko non ay lumabas na ako at sabay kami ni Vince at pumasok na sya sa isang kwarto at hinihintay ko silang dalawa sa malapit sa hagdanan at naunang lumabas si Alley at sumunod na si Vince kaya bumaba na kaming tatlo para makakain na at pag karating namin ay nag simula narin kaming kumain at wala kahit isa ang gustong mag salita.

JEAN P.O.V.

Pag kasabi ni kuya Prince noon ay pumunta na sya sa taas lara sundan sila Vince matagal tagal din sila bago sabay sabay na bumaba at umupo na sila kaya nag katinginan kami nila Aubrey, Den Mark, Clyde at Bright at alam naming may nangyari sa taas na hindi namin alam kaya hindi na lang kami nag sasalita ng biglang.

"Ang tahimik nyo ngayon hindi ako sanay."sabi ni kuya Prince.

"May dumaan po kasing Angel kuya Prince kaya tumahimik muna kami." Sabi naman ni Aubrey.

"Hmm! Ganon ba?" Sabi ni kuya na may halong kakaibang ibigsabihin.

"Kuya aalis ako mamaya." Sabi bigla ni Alley.

"Saan ka naman pupunta? alam mong umuulan pa sa labas tapos aalis ka!" Sabi ni kuya Prince sa kanya.

"May pupuntahan lang naman ako saglit kuya." Pag pipilit ni Alley sa kuya nya.

"May isasabi ako kay dad." Sabi ni kuya Pero hindi sya pinansin ni Alley.

"At ano naman yung isasabi mo sa kanya kuya." Pag hahamon ni Alley sa kuya nya.

"Yung nakita ko kayong nag aaway sa taas ni Vince." Pag kasabi non ni Kuya Prince at halatang kinabahan si Alley dahil halata sa mukha nyang namutla sya at si Vince naman ay nabilaukan sa narinig nya. "Oh! Aalis kapa?" Pananakot ni kuya Prince kay Alley.

"Tumawag napala sya sa akin kanina hindi na tuloy." Pero halata sa boses ni Alley na kinakabaham sya.

"Good Girl!" Sabi ni kuya Prince kay Alley.

"At ikaw naman Vince." Pag kasabi ni Kuya Prince ay nagulat si Vince dahip tinawag sya nito.

"Bakit po kuya Prince." Kahit ano ang sabihin ni Vince ay halata sa boses nya na kinakabahan sya.

"Pag kayo nag away ng kapatid ko seguraduhin nyong nakasara yung pinto para wala sa inyong mag awat pag nag aaway kayo at para hindi kayo nabibitin sa away nyo." Sabi naman ni kuya Prince.

"Kuya!" Halata sa boses ni Alley naiirita sya sa mga pinagsasabi ng kapatid nya.

Pero nag katinginan lang kaming lima dahil hindi namin gets ang mga nangyayari.

"Kuya Prince baka gusto mo namang ishare sa amin ang nakita mo kanina." Sabi ni Clyde dahil alam kung curius na sila katulad ko sa mga nangyayari.

"Ganto kasi yan! May nakita akong nag aaway ka---." Hindi na natapos ang sasabihin ni Kuya Prince dahil bigla na lang nag salita si Alley.

"Isusumbong kita kay dad mamaya! Para matanggal yung allowance mo ng 1 month." Pag kasabi ni Alley non ay umalis na sya at pumunta sa taas.

"Ako pa talaga ang tinakot mo alley!" Sigaw rin naman ni Kuya Prince.

"Baka gusto mong isabi kosa mga kaibigan mo at kay dad yung totoong nakita ko sa taas kanina." Walang halong kaba habang sinasabi ni Kuya Prince ang mga salitang iyon.

"Oo sege! Nag halikan kami dalawa ni Vince kanina sa kwarto at muntikan ng may mangyari sa aming dalawa pero ang tanga tanga ko dahil maniniwala na naman akong mamahalin ng lalaking yan kahit alam ko namang lulukuhin nya nanaman ako sa huli! Masaya kana kuya!? Hindi mo alam kung gano kasakit yung nararamdaman ko ngayon dahil sa ginawa ng lalaki na yan sa akin at mas lalo nasa mga pinag katiwalaan kung mga KAIBIGAN, Kaibigan na pinagmukha akong tanga ng patay na yung gag* na yan, yung mga kaibigan kung akala ko karamay ko pero hindi naman pala." Nagulat kami sa mga pinag sasabi ni Alley ngayon at ang laki naming tanga na tinago namin sa kanyang patay na si Vinve pero ang totoo ay buhay sya at unti unti ng pumatak ang luha sa kanyang mukha. "Oh! May isa pa pala ako ang nag sulat sa mga mukha nyo kaninang pag kagising nyo dahil ang buong akala ko mapapatawad kuna kayo pero hindi kopa pala kaya." At hindi kona rin napigilang uniyak. "Oh! Nagulat kayo no yung akala nyong Alley na masaya at nakapag move on na sa pag kamatay ng taong pinakamamahal nya ay akala nyo okay na pero ang totoo hindi pa dahil hanggang ngayon sinisisi ko parin kung sarili kona ako ang dahilan kung bakit namatay yung taong pinakamamahal yung akala nya sya ang dahilan kaya namatay yung pinakamamahal nya dahil makasarili sya na hindi nya muna hinitay na mag paliwanag yung taong mahal nya bagkus ay pinili nyang mag tanim ng sama ng loob sa kanya. Wag kayong mag alala dahil matagal na kayong patay para sa akin simula ng araw na niluko nyo ako."  At kung makita nyo lang si Alley habang umiiyak sa harapan nyo makikita nyo syang kawawang kawawa. "At hindi nyo rin alam na yung oras ng Kaarawan mo ay ang araw din ng pag kamatay ng mama ko." Nagulat kami sa sinabi ni Alley dahil hindi namin ito alam. "Pero ito lang ang masasabi ko sa inyo matagal na kayong PATAY PARA SA AKIN." Pag kasabi ni Alley non ay bumagsak sya at biglang lumapit si kuya Prince at Vince sa kanya para tulungan sya. "Okay lang ako! Hindi ko kaylangan ng tulong nang mga taong sinaktan lang ang ginawa sa akin." Kaya hindi na natuloy na lumapit sila kuya Prince at Vince sa kanya at nag lakad na sya papunta sa taas ng hindi na kami tinignang muli.

Wala sa aming gustong mag salita habang nadito kami sa sala habang nakatulala sa mga sinabi ni Alley kanina tungkol sa amin kanina.

Author Notes:
              Maraming salamat sa lahat ng patuloy na nag babasa ng story ko at nag vovote. Thank you!

Dare Of Love [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon