CHAPTER 26

330 11 0
                                    

VINCE P.O.V.

Pag kaakyat ko ay nag simula na akong mag ayus ng mga gagamitin ko sa bahay nila ashton tulad ng damit pangbahay o pamasok sa school, personal hygien, gamit sa school at ang regalo ko kay ashton. Pag katapos ko ilagay yun sa bag ay bumaba na ako para makauwi na kami ni ashton at pag kababa ko ay hindi nila ako napansin dahil tawa lang sila ng tawa kaya lumapit ako sa kanila para makita kung ano ang pinag tatawan nila ng biglang nakita ko yung picture naming mag kakabarkada na may sulat ang mukha at may make up kaya nagalit ako.

"AT PINAKITA MO PA TALAGA SA PAMILYA KO HA! ASHTON." Galit na sabi ko kaya nagulat silang lahat.

"Sorry! Vince." Ang cute nya grabe pero sabi ko sa isip ko dapat galit ka vince wag kang mag padala sa cuteness ni ashton.

"TANDAAN MO HINDI PA KAMI NAKAKASULIT SAYO." Galit ko paring turan.

"HOY!" Sigaw nya rin saakin. "Baka natatandaan mo hindi nyo pa napapalitan yung mga nasira nyo make up ko." Bawi nya sa akin ng sigaw at galit pero may naisip ako kalukuhan.

"May gagawin pa pala ako dito sa bahay, Manang pakitaas nga tong gamit ko sa taas." Tawag ko kay manang para ibalik kunwari yung mga gamit ko sa taas pero wala lang syang ginawa kaya humanda ka sa susunod kong gagawin dahil alam kong ikaw ang unang susuko.

ATHENA P.O.V.

Grabe ang cute nilang nag tatalo dito sa harap namin ng parents namin ni Vince para silang mag jowa bagay na bagay silang dalawa ng biglang nilapit ni vince yung mukha nya sa malapit sa mukha ni ashton at makikita mo doon ay pag kagulat ni ashton sa ginawa ni vince.

"Bahala ka, pag hindi ako sumama sayo may mag bubukas ng pinto ng kwarto mo tapos tatabi sayo yung manika." Pag kasabi ni vince noon ay nag lakad na syang papunta sa taas at halata sa mukha ni ashton ang takot.

"Vince joke lang yun tara nasa bahay lulutuan kita ng Chicken Adobo." Pag aalok ni ashton kay vince pero hindi parin lumilingon si vince kay ashton. "Gagawan kita ng turon mamaya. Please!" Pano kayang nalaman ni ashton na mahilig sa turon si vince at Sabay pag puppy eyes ni ashton kay vince at hindi nila alintanang dalawa na nandito yung parents ko at ako.

"Manang, joke lang po yun akina po yung bag ko. Nag hihitay na yung asawa ko ehh." Banat ni vince kay ashton ng biglang kurutin ni ashton yung tagiliran ni vince.

"Ouch!" Daing ni Vince kay ashton sa pag kurot at biglang may binulong si vince kay ashton na hindi namin narinig "Diba ang sabi ko pag kinurot mo ulit ako hahalikan kita, kaya humanda ka sa akin mamaya." Hindi namin narinig pero sa expresion ng mukha ni ashton ay halata ang pag kagulat at may halong hiya.

"Mahiya naman kayong dalawa nan dito pa kami." Sabi naman ni dad sa kanilang dalawa.

"Sorry! Po Dad." Hiyang sabi ni ashton kay mom.

"Bagay kayong dalawa." Biglang sabi ni mom kaya mas lalong nahiya si ashton.

"Diba sabi ko naman sayo Ashton bagay tayo eh." Sabi naman ni vince.

"Ashton wag mong kakalimutan pag kayo nag katuluyan ng anak ko butong buto kami sayo." Sabi naman ni mom.

"Hindi mo naman sinabi sa akin Vince na joker pala kayong buong pamilya." Hiyang hiyang sabi ni ashton.

"Bakit pano mo namang nasabi joker kaming pamilya sa pogi kong to joker." Sabi ni vince habang palapit ng palapit ang mukha sa mukha ni ashton kaya.

"Hoy!" Sigaw ko kay vince at pinalo sa ulo nya ang papel na hawak ko.

"Napaka landi mo." Sabi ko sa kanya.

"Mom, Dad hinampas ako ng panget kung ate sa may ulo ko ang sakit sakit kaya non mom." Pag bababy talk ni vince kay mom and dad at may kasama pang puppy eyes pa.

"Ang Cute mo." Biglang sabi ni ashton kay vince kaya biglang natulala ang kapatid ko at namula ang mukha.

"Brother namumula ata ang mukha mo." At nagising ang diwa ni vince kaya.

"Tara na ashton! Diba may gagawin kapang project mo." Sabi naman ni vince kaya nauna na itong lumabas at nag paalam naman muna si ashton bago umalis.

"Grabe! Hindi nga nag kamali ang anak natin sa pag pili kay ashton." Sabi ni mom.

"Mana talaga sa akin ang anak natin." Sabi naman ni dad.

"Sana aminin nani Vince ang nararamdaman nya kay Ashton." Sabi ko naman.

"Ang gaan ng loob ko sa batang iyon." Sabi naman ni mom.

"Sabi ko naman sayo Mom mabait talaga ang batang iyon." Sabi ko.

"Mag kaka daughter in law na ako sa wakas." Sabi ni mom.

ASHTON P.O.V.

Pag kalabas ko sa bahay nila vince ay pumasok na ako sa kotse ni vince pero hindi nya parin pinapaandar ang kotse nya ng biglang lumapit ang mukha nya sa banda ko kaya biglang pumasok sa utak ko ang sinabi nya kaninang, "Diba ang sabi ko pag kinurot mo ulit ako hahalikan kita, kaya humanda ka sa akin mamaya." Kaya bigla na akong pumikit. Hala baka ngayon nya na ako hahalikan hindi pa ako handang ibigay ang first kiss ko pero gora nato ang pogi nya naman ehh! Anong sabi mo ashton pogi si Vince. Tanga ka talaga.

Author Notes:
Mangyayari na kaya ang first kiss ni ashton o hindi? Abangan!
Maraming salamat sa nag babasa ng story ko at walang sawang nag vovote. Thank you talaga.

Dare Of Love [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon