CHAPTER 49

304 16 0
                                    

JEAN P.O.V.

Kanina pa namin hinihintay si Alley dito sa labas ng Gate ng School kung papasok sya ngayon at makalipas ang ilang minuto ay nakita namin yung Kotse ni Vince na pumarada sa Porking Lot ng School namin kaya nag katinginan kaming 5 dahil ang buong akala namin ay bumalik na sya sa America pero masaya kami dahil hindi sya natuloy at bigla nyang binuksan yung Pasenger Seat at biglang lumabas si Alley doon kaya gulat na gulat kaming lima sa nangyayari.

"Totoo ba tong nakikita ko!" Sabi ni Aubrey.

"Clyde, nakikita mo ba ang nakikita ko." Sabi naman ni Den Mark.

"Oo! Den mark nakikita ko." Sagot naman ni Clyde kay den mark.

"Anong nangyari?" Tanong naman ni Bright.

At wala sa aming na ang nag salita dahil lahat kami ay gulat na gulat sa nakikita dahil nakita pa naming inakbayan ni Vince si Alley sa balikat. Lahat kami ay parang tangang nakatayo dito sa tapat ng School na gulat na gulat sa mga nakikita namin sa dalawa at hindi namin na pansin na nasa tapat na pala namin silang dalawa.

"Hoy! Para kayong nakakita ng Multo?" Sabi sa amin ni Alley pero wala laring sumasagot.

"Anong nangyayari sa inyo." Sabi naman ni Vince.

"Totoo batong nakikita namin." Sabi ni Aubrey.

"Na?" Sabay naman nilang tanong kay Aubrey.

"Bati na kayo!" Sabi ko naman.

"Hindi lang bati dahil binigyan na ako ni Alley ng Second Chance." Pag mamayabang ni Vince sa amin.

"Panong nangyari yun." Tanong naman ni Clyde.

"Dahil narealize kuna, bakit hindi ko bigyan ng Second Chance si Vince dahil wala namang ginawang mali yung tao hindi ko lang sya hinintay na mag paliwanag." Pag papaliwanag ni Alley sa amin.

"Edi kayo ng dalawa?" Tanong naman ni Bright.

"Hindi pa sa ngayon dahil nililigawan ko ulit si Alley at sa pag kakataong ito ay sasagutin nya na ako hindi man ngayon kundi sa tamang oras." Sagot naman ni Vince.

"Edi may pag asa pa kami ni Alley." Sabi ni Bright at biglang nag iba ang aura ni Vince.

"Subukan mo lang gawin yun makakapatay ako ng Pinsan kung ahas." Sa mga salitang sinabi ni Vince ay nandoon ang galit at pag babanta ng biglang. "Aray!" Daing ni Vince dahil tiniplak ni Alley si Vince sa ulo at take note ang lutong non.

"Kung ano ano yang mga sinasabi mo akala mo maganda." At biglang lumapit si Alley kay Bright at hinawakan ni Alley ang kamay ni Bright at sabay na silang pumasok sa School at sumunod naman si Vince na naka nguso.

"Kasi kung ano ano ang sinasabi." Sabi naman ni Clyde.

"Alley!" Tawag ni Vince kay Alley at tumingin naman ito. "Hindu kuna uulitin yun pero wag mo naman sa aking ipakita harap harapan yung landian nyo ng pinsan ko." At bigla na lang tumulo yung luha ni Vince at parang batang umiiyak na inagawan ng ice cream at dahil sikat silang dalawa sa school ay marami na ang nakatingin sa aming mga kapwa naming schoolmate.

"Hala kawawa naman si Vince."

"Ang cute nyang umiyak!"

"Hala anong nangyayari?"

"Diba sya yung may ari ng school nato?"

"Bagay sila Alley at Vince."

Yan ang mga ibang bulungan ng mga kaschoolmate namin kaya lumapit naman si Alley kay Vince.

"Tumayo kana dyan." Panimula ni Alley.

"Doon kana lang sa pinsan kung ahas." At si Vince nag tatampo parin kay Alley at ang ganda nilang tignan at marami narin sa kanila ang nag Vivideo.

"Tumayo kana dyan ang dami ng nakatingin sa atin." Sabi ni Alley kay Vince pero itong Vince nag mamatigas parin.

"Hmm! Ayaw ko, hindi mo naman ako mahal." At si Vince umiyak nanaman at masasabi kung ang Cute nya.

"Tatayo ka o hindi." At hindi na nga napigilang uminit ang ulo ni Alley.

"Hindi!" Pag mamatigas ni Vince. "Pumasok kana! Samahan muna yun pinsan kung ahas." Sabi nanaman ni Vince at itong Bright naman ay nag pipigil ng tawa dahil sa nakikita ginagawa ng pinsan nya at tinignan ko sya nang may kakaibang kahulugan at naintindihan nya naman ito.

"Alley! Tara na daw sabi ng Pinsan ko baka malate tayo sa Clase natin." At habang akbay akbay ni Bright si Alley.

"Tignan mo nga gustong gusto mo talaga yung pinsan ko." At umayak nanaman si Vince at kung makikita mo yung mga ka schoolmate namin hindi mo alam kung maaawa sila kay Vince o matatawa.

"Ikaw nga lang yung mahal ko diba." Sabi naman ni Alley.

"Pero tignan mo hanggang ngayon hindi mo parin tinatanggal yung kamay nya sa balikat mo." At masasabi kung ang Cute talaga ni Vince at nakikita kuna rin na natatawa nasi Alley sa pinag gagawa namin kay Vince at napatingin pa sa akin si Alley at tinignan ko ulit sya ng sege pa! Tuloy nyo lang.

"Tumayo kana garod para tanggalin kuna yung akbay ni Bright sa balikat ko." At pag kasabi nga ni Alley non ay tumayo si Vince at binupunasan yung mga luha sa mata nya at akala ko tapos na hindi pa pala.

"Bye!" At hinawakan naman ni Alley yung bewang ni Bright at umalis na sila ng biglang natumba si Vince.

"Alley! Si Vince natumba." Kaya kinabahan kami at hindi na napigilan ni Alley ang lumuha.

"Vince! Joke lang naman yun ehh!" Sabi naman ni Alley

"Shit! Bakit anong nagyari kay Vince"

"OMG!"

"Tumawag kayo ng ambulansya"

"Puntahan nyo yung dean's office ipaalam nyo ito"

Yan yung mga sigaw at kabang nangyayari ngayon pero may nag vivideo parin.

"Vince! Please wag mo akong iiwan." Iyak ng iyak si Alley.

"Vince! Gising." Sabi naman ni Clyde.

"Vince! Wag kang bibitaw tandaan mo mahal na mahal kita at hinding hindi kita ipag papalit sa pinsan mo." Pag kasabi ni Alley non ay.

"Ohh! Sino sa ating ang magaling mag Prank." At gulat na gulat kami. "Pinagkaisahan nyo pa akong 6." Pag mamayabang ni Vince.

"Akala ko mawawala ka na sa akin." Sabi naman ni Alley.

"Hinding hindi mangyayari yun dahil mahal na mahal kita." Sabi naman ni Vince.

"ANONG NANGYARI?" Tanong ng Dean namin at lahat kami ay gulat na gulat at sumunod naman yung abulance na dumating.

"Patay!" Nasabi kuna lang.

"Wala po Sir." Sabi naman ni Vince na walang takot.

"Sorry Sir! Sa pag abala namin sa inyo." Pag kasabi ng dean namin sa Abulance ay umalis narin ito. "At kayong lahat na mag kakabarkada go to may office"kaya wala kaming nagawa kung hindi sumunod papuntang Dean Office.

Patay kami nito sa oamily namin.

Author Notes:
              Maraming salamat sa patuloy na nag babasa sa aking story at patuloy na nag vovote. Thank you Guys!

Dare Of Love [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon