CHAPTER 21

347 22 1
                                    

VINCE P.O.V.

Papunta na ako sa lugar kung saan tahimik at mag isa lang ako at bago ako pumunta doon ay dumaan narin  muna ako para maka bili ng beer sa Convennient store ay tinuloy kuna ang pag dadrive ko at hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganto? Hindi ko alam kung ano ang dahilan, basta ang alam ko lang ay unang beses nangyari sa akin ito?

Makaraan ang ilang saglit Nang makarating na ako sa bundok ay pumunta na ako sa palagi kung pinag uupuan. Oo! tama ang naiisip nyo nandito ako sa bundok mag isa dahil nandito ako palagi pag gusto kung mapag isa pag may problema ako at wala man sino ang may alam ng lugar na ito kung hindi ako lang.

Bakit ganon ng mapagtanto kung mahal ko na si ashton shaka nya ako pinalayo sa kanya. Oo tama ang narinig nyo! Mahal kuna si ashton simula pa lang ng mag banggaan kaming dalawa ay hindi na sya maalis sa isip ko kahit isabi na nating isang linggo palang ng nag kita kami ay mahal kuna sya. Pero sabi nga nila pag mahal mo ang isang tao ay matuto kang mag palaya kaya yun ang ginawa ko papabayaan ko na lang sya kahit masakit dahil itong sakit na ito ay alam kong mawawala rin.

Kaya pag katapos kung maubos lahat ng pinabili kung alak ay umuwi na ako sa bahay namin.

~~BAHAY~~

"Saan ka galing Vince." Tanong saakin ni ate. "Uminom kaba ng alak diba alam mo namang bawal ang alak sayo."

"Ate bakit ang sakit." Tanong ko kay ate.

"Ano ang masakit sayo vince." Kinakabahang tanong nya sa akin.

"Ate ang sakit dahil pinalayo na ako ni ashton sa kanya ang sakit ate dahil kung kailang mahal kuna sya, pinalayo nya naman ako sa kanya." Iyak ko ay ate. "Ate bakit ganon ang sakit ng puso ko kasi mahal ko sya bakit ako hindi nya mahal."

"Tahan na Vince baka kung mapano kapa."

"Ate ang sakit kasi hindi ko kaya, alam ko namang lalaki ako pero bakit naging mahal si ashton." Akap sa akin ni ate.

"Vince diba sinabi lang naman ni ashton layuan mo sya diba hindi naman sinabi ni ashton na sukuan mo sya."

"Pero ate ayaw nya  na akong makita."

"Pero diba ang sabi nila kung mahal mo ang isang tao ay wag mo sya susukuan." Pag tango ko kay ate. "Kaya simula bukas ipakita at iparamdam mo sa kanya na mahal mo sya."

"Pero ate natatakot ako dahil baka maulit nanaman ang mangyari sa kanya kanina."

"Tanong ko sayo vince papayag ka bang may manakit ulit kay ashton diba wala naman." Tango ko ulit kay ate "kaya simula bukas ay ipakita mo sa kanya na hindi mo sya susukuan na iparamdam mo sa kanya na mahal mo sya dahil alam ko na mahihirapan kang paibigin si ashton na kahit bakla sya ay iba sya hindi sya basta basta mag mamahal ng lalaki dahil ang alam nya ay hindi sya mamahalin ng totoo ng mga lalaki dahil kasali sya sa ikatlong kasarian na mahirap makahanap ng totoong taong mag mamahal sa kanya at lalo na ang katulad mong straight." Pagpapaliwanag sa akin ni ate.

"Opo ate simula bukas ipaparamdam ko sa kanya na mahal ko sya at ipapakita ko sa kanya na hindi ako ganon kadaling susukuan sya."

"Ganyan ang vince na kilala ko hindi madalaing sumuko." Pag sasabi saakin ni ate.

"Sege ate akyat na ako para makatulog na." Pag kasabi ko kay ate ay umakyat na ako pataas para maka tulog na.

SOMEONE P.O.V.

"Nahanapan nyo naba ang anak ko." Sabi ko sa mga speacial agent na kinuha ko para hanapin ang matagal konang nawawalang anak.

"Nahanapan na po namin ang anak nyo Master M." Sabi ng speacial agent na kausap ko ngayon.

Author Notes:
             Sino kaya ang tinutukoy na anak ni Mr./Ms. Someone na matagal nya ng hinahanap? Ano kaya ang ganap ng bagong tauhan dito sa story ko. Abang lamg guys.
             Maraming salamat sa mga nag babasa ng story ko at nag vovote thank you all.

Dare Of Love [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon