CHAPTER 27

333 16 0
                                    

VINCE P.O.V.

Nauna na akong pumasok sa kotse ko dahil ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni ashton at hindi nag tagal ay pumasok na sya sa kotse ko at hindi kami makaalis dahil hindi nya pa kinakabit ang seat belt nya kaya lumapit ako sa kanya para ikabit sa kanya ito pero bigla na lang syang pumikit na akala mo naman ay hahalikan ko sya pero ang sabi ko sa sarili ko ay. Vince control dapat hintayin mo sya ang mag kusa mag sabi sayo. kaya kinabit ko nalang yung seat belt nya pero nakapikit parin sya at ang cute nyang tignan kaya tinawanan ko na lang sya.

"Hahahahaha." At bigla akong tumawa at nahiya tuloy sya sa akin.

"Sorry! Dahil tinawanan kita at para isabi ko sayo hindi kita hahalikan ng walang pahintulot sayo dahil malaki ang resperto ko sayo." Sabi ko sa kanya.

"Wag kang mag Sorry, ako naman ang nag assume dahil unang una sa lahat bakit mo nga naman ako haha---." Hindi nya na natapos ang sinasabi nya dahil hinalikan ko sya sa labi dahil baka kung ano ang isipin nya. At pag kadampi ng labi nya sa labi ko ay may naramdaman akong spark at tumahimik kaming dalawa at wala ng nag salita at nag simula narin akong mag drive papunta sa bahay nila pero nasa kalagitnaan ako ng pag dadrive ng nag salita sya.

"Idaan mo muna dyan sa mall bibili muna ako ng gagamitin ko sa pag luto dahil naubos na ang stock na pag kain sa bahay." Paliwanag nya kaya nag punta nga kami sa mall namin para bumili ng kakaylanganin nya sa pag luluto at pag kain narin namin.

~~SUPER MARKET~~

Nag punta muna kami sa bilihan ng gulay at prutas at sumunod ang mga baboy, manok at isda at pag katapos ay mga incan na food at kung ano ano pang gagamitin sa bahay at bigla kami nadaan sa part ng tindahan ng stick-o at kasamaang palad ay isa na lang ang natira at pag kakuha ko ay nahawakan ko ang kamay ni ashton dahil kukunin nya rin pala ito kaya kinuha nya na nga ito.

"Share na lang tayong dalawa." Sabi nya.

"Thank You dahil favorite ko ang stick-o."

"Parehas pala tayo."

Kaya ako na ang nag tulak ng food cart at pumunta na sa counter at biglang may sumingit na babae at natulak si ashton dahil sa pag singit nya.

"Paharang harang kasi sa daanan." Sabi ng babaeng nasa mid 40s.

"Pero nauna po kaming dalawa sa pila at sumingit lang kayo." Pag papaliwanag ko naman.

"Sumasagot ka pang bata ka hindi moba ako kilala ako lang naman si MADAM ADELINA SANDOVAL na may ari ng SANDOVAL COMPANY at hindi kaba tinuruan ng mga magulang mong wag maging bastos." Sabi nanaman ng babae.

"Tinuruan po ako pero ang sabi po ng magulang ko sa akin ay kung kagalang galang naman po ang tao ay kaylanhan galangin ito pero kung bastos ay hindi kaylangang galangin katulad nyo po." Sabi ko sa kanya.

"Aba bastos tong batang ito ah." Sinampal nya ako. "Miss nasaan ang supervisor nyo para maturuan ng leksyon itong batang bastos na ito." Sabi ng babae at makalipas ang ilang minuto ay dumating na ang supervisor at nag salita kaagad ang babae.

"Yang bata na yan." Sabay duro nya sa akin. "Napaka bastos walang galang sa nakakatanda kaya ang hiling ko ay bigyan nyo yan ng leksyon para sa susunod ay hindi na mangyari sa iba pang namimili dito sa store at mas lalo na yang bakla na yan." Sabay duro nya kay ashton. "Dahil dyan sa baklang yan sya ang may kasalanan dahil silang dalawa ang sumingit sa akin at pinag bibintangan nila ako pa ang sumisingit kaya sinasabi ko sa inyo bigyan nyo ng leksyon yang dalawa na yan." Galit na galit na sabi ng babae pero hindi parin sumasagot ang supervisor kaya nagalit sya. "Nasaan ang maneger ng store na ito tawagin nyo sya para maisabi ko sa kanya ang ginawa nitong bastos na bata sa akin." Sabi nya.

"Ibigay nyo ang hiling nya tawagin nyo ang maneger ng store na ito." Sabi ko at marami na ang mga taong nag vivideo sa amin at marami na ang nakikipag shesmisan. At ilang saglit ay dumating na ang maneger.

"Ikaw ba ang maneger ng store na ito." Tanong ng babae kay tita, oo tama ang narinig nyo tita ko ang maneger ng store na ito.

"Opo, ako nga miss ano po ang problema." Tanong ni tita sa babae pero hindi ako napansin ni tita dahil nakatalikod sya sa akin.

"Yang lalaki na yan at bakla binastos ako." Pag kasabi na babae ay humarap si tita at nagulat dahil nakita nya ako.

"Hindi nyo po ba kilala ang sinasabihan nyong bastos." Tanong ng tita ko sa babae.

"Wala akong pakielam kung sino man yang lalaking bastos na yan at wala akong pakialam." Galit parin sabi ng babae sa akin.

"Sya lang naman a--." Hindi natapos ni tita ang sasabihin nya dahil ako na ang nag salita.

"Wait." Sabi ko at tinawagan ko si mom para ipakuha ang lahat ng shares namin sa kumpanyang Sandoval Company at pinaliwanag ko rin kay mom ang ginawa ng babae sa akin at kay Ashton kaya galit na galit si mom sa babae ng biglang may tumawag sa babae.

"What! Pano mo nasabing Bangcrup na ang kumpanya natin." Sigaw na babae. "Sino kaba talagang lalaki ka." Tanong nya sa akin habang nakaduro ang daliru sa akin kaya sinagot ko sya.

"Ako si VINCE BENEDIC LOPEZ BELTRAN ang anak nila Jhon Benedic Beltran at Athena Marie Beltran na may ari ng Beltran Royalties at Beltran Air lines na Isa sa pinakamalaking Share Holders mo sa kumpanya mo at ako lang naman ang may ari ng buong Mall na ito na sinampal mo at pinahiya sa maraming tao." Pag kasabi ko noon ay nagulat yung babae dahil hindi makapaniwala. "At pwede rin kitang kasuhan ng Mild Physical Injuiry dahil sa pag sampal sa akin at Paninirang puri sa akin at sa Kasama ko at hinding hindi ko rin makakalimutan na tinawag mo akong bastos dahil unang una hindi ako pinalaki ng magulang kung maging ganon at hindi ko papalampasin na tinawag mo pang bakla ang kasama ko." Galit na galit na sabi ko sa kanya dahil ayaw na ayaw kong insultuhin ang taong mahal ko sa maraming tao at lalong lalo na sa harap kupa pero hindi parin nag sasalita yung babae. "Lets go Ashton at ikaw." Turo ko sa supervisor. "Pakidala lahat ng pinamili namin dito sa address na itetext ko sayo. Salamat." Sabay ngiti ko pero nakatayo parin yung babae at maraming nag bubulungan katulad nito.

"Yan kasi masyadong mapag mataas kaya bumagsak ka agad."

"Nakita ko naman kanina na sumingit naman talaga sya sa pila at natulak nya pa ang kasama noong guy."

"Yan nakahanap ka ng katapat mo."

"Masyado kasing mataas ang tingin sa sarili."

"Grabe si kuya, mayaman naman pala pinatagal pa ang laban."

"Ang swerte ni bakla pogi na nga yung jowa mayaman pa."

"Bagay sila ng gay dahil cute yung gay at pogi naman yung guy."

Yan lang ang mga iba kung naririnig pero marami pang iba at umalis na kami sa mall ni Ashton at umuwi nasa bahay nila para masimulan nya narin yung project nya dahil mag luluto pa sya ng pag kain naming dalawa.

Author Notes:
Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta ng story ko at nag vovote. Thank you talaga guys.

Dare Of Love [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon