CHAPTER 24

364 20 1
                                    

ASHTON P.O.V.

Pag katapos naming mag usap ni Maam Flor sa office nya ay pumunta na ako sa Cafeteria para mag meryenda dahil nandoon narin sila jean at aubrey dahil natagalan yung pag uusap namin ni maam.

"Jean, Aubrey bakit hindi pa kayo nag oorder ng meryenda natin." Tanong ko sa kanila dahil sabi ko kanina ay bumili na sila ng meryenda namin para kakain na lang pag dumating na ako.

"Mag hintay kana lang bakla may bumili na ng meryenda natin." Sabi ni Aubrey kaya nagulat ako.

"At sino naman!" Tanong ko ulit.

"Sila oh." Sabay turo ni jean sa may gawing likudan ko, kaya tinignan ko kung sino ang mga ito.

Pag katingin ko ay nakita ko sila Vince at yung mga kaibigan nya na may bitbit na tray ng mga pag kain.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanilang tatlo na may halong ines.

"Hindi ba obyus! Nandito kami dahil nilibre namin kayo ng meryenda. Okay na ba yun!" Sabi ni Clyde.

"Ang pag kakaalam ko tatlo lang kami ng mga KAIBIGAN KO na mag memeryenda at wala ng iba at mas lalong hindi ko sinabi ng ilebre nyo kami ng meryenda namin ng mga KAIBIGAN KO." Pag iimphasise ko sa salitang KAIBIGAN KO, dahil hindi naman ako nag sabi na ilibre nya kaming tatlo kakaibigan.

"Tara na nga mga Dudes!" Sabi ni clyde na hinihila yung mga kaibigan nya.

"MA-NI-KA ano ba yun Den mark." Tanong ni Vince kay Den Mark pero halatang ako naman ang pinag sasabihan nya. Kaya wala akong nagawa kung hindi payagan sila na sabay sabay na kaming mag meryendang anim.

"Ohhh! Kanina ko pa kayo sinasabihang umupo para makapag meryenda na tayo." Aya ko sa kanilang tatlo at biglang kinurot ko yung nagiliran ni Vince dahil tinatakot nya lang ako para pumayag sa gusto nya.

GANTO ANG PAG KAKATABI TABI NAMIN SA UPUAN:

    Jean          Aubrey     Clyde
             ●LAMESA●
Den Mark     Ashton     Vince

"Ouch! Ang sakit!" Sabi ni Vince dahil kinurot ko yung tagiliran nya.

"Napapano ka dyan Vince." Tanong ni Jean kay Vince.

"Ahh.. ehhhh... may kumagat kasi saakin na hindi ko malaman kung ano yun dito parte sa tagiliran ko." Pag papalusot ni Vince kay Jean na kahit alam naman nya na kinurot ko sya.

Makalipas ang ilang kembot ay natapos na kaming mag meryenda kaya nag kanya kanya na kaming larga sa aming mga klasroom dahil baka nandoon na yung teacher namin at saawa ng dyos wala pa naman sya doon kaya ang gimawa naman ay nag daldalan lang muna ng biglang dumating yung teacher namin.

"Good Morning Class." Sigaw ng Major Teacher namin nasi si Ms.Park.

"Good Morning Ms.Park." bati naman namin sa kanya.

"Okay Class! Bring 1 whole sheat of paper may surprice quiz kayo sa akin ngayon." Sabi nya kaya nagulat talaga kami pero wala naman kaming magagawa kung hindi sundin ito ng may biglang.

TOK! TOK! TOK!

Oo tama ang nasa isip nyo may kumakatok sa may pinto namin.

"Good Morning Maam Park may meating po kayo sa office and then po pwede na po umuwi ang mga estudyante dahil wala na pong pasok." Sabi ng isa pang teacher kay Maam Park.

"Para saan naman ang meating." Tanong naman ni Maam Park sa ka Co-Teacher nya.

"Wala naman pong sinabi basta daw po pumunta nalang sa office."

"Sege Maam susunod na lang po ako." Ang sabi ni Maam Park.

Kaya ang nangyari pag kaalis ng kausap ni Maam Park ay nag wala wala kami dahil una wala ng klase, pangalawa wala narin kaming quiz kay Maam.

"Class, tumahimik kayo." Sigaw ni Maam Park kaya nag sitahimikan kaming lahat na mag kakaklase.

"Narinig nyo naman na wala na kayong pasok ngayon. Dahil mahal na mahal ko kayo ay hindi na tuloy ang Surprise Quiz nyo." Ngiti sa amin ni Maam Park kaya nag ingay nanaman ang klase at kasama ako doon.

"May Gad! Wala na tayong pasok at quiz kaya hindi dry ang lola nyo."

"Yes! Walang pasok. Mag shopping tayo guys."

"Yes! Wala ng Quiz."

Yan ang mga maririnig mo sa mga kaklase ko ng biglang nag salita si Maam.

"Dahil nag sasaya naman kayo at wala kayong pasok at sobrang mahal na mahal ko kayo ay bibigyan ko kayo ng Speacial Project." Sabi ni maam kaya biglang nawala ang saya sa mga mukha namin.

"Maam Grabe naman po." Sabi ng kaklase ko.

"Si Maam talaga Joker." Sabi naman ni Jean.

"Maam isabi mo lang kung joke yun tatawa na kami." Sabi naman ng isa kopang kaklase.

"Sa tingin nyo nag jojoke lang ba ako at ang gagawin nyong speacial project sa akin ay gagawa kayo ng sampong dish na kayo ang gumawa at pag nakita kung may katulad na katulad kayong dish sa internet babagsak kayo sa akin at dahil mahal ko kayo ay individual ang project nayun at sa susunod na labaratory natin shaka natin yun lulutuin at dapat naka print yun sa short bond paper at nakalagay sa brown invelope. GOOD BYE CLASS." Grabe naman si maam pinatay na kami kaagad tapos individual pa tapos ang nakakainis ay kumindat pa sa amin si maam bago umalis.

Pag katapos naming mag saya ay lungkot naman ang pumalit sa aming mag kakaklase dahil binigyan kami ng gagawin sa major subject pa namin at pag katapos noon ay pumunta na ako palabas kasama ang mga kabarkada ko at ng nasa malapit na kami sa gate ay may tumawag sa pangalan ko gawing likod.

"ASHTON." Hindi ako pwedeng mag kamali dahil sa iisang tao lang yun nanggaling.

"Vince, ikaw pala bakit mo tinatawag kung friend namin." Tanong ni jean kay Vince.

"Hindi nya paba sinasabi sa inyo sabay kaming uuwi dahil sa bah-----. Ouch!" Bigla kung kinurot yung tagiliran nya nanaman kaya hindi nya natuloy ang isasabi nya dahil sa sakit ng kurot ko.

"Bakit mo kinurot si Vince, Ashton?" Tanong naman ni Aubrey.

"Ahh! Hindi ko naman sya kinurot diba Vince." Sabay laki ng mata ko kay Vince para sumangayon sya sa sinabi ko.

"Oo! Hindi nya ako kinurot may langam lang na kumagat." Sabi naman ni Vince.

"Hindi ehh! Nakita kung kinurot kani Ashton, Vince." Pag pipilit ni Aubrey.

"Nakita moba Jean na kinurot kosi Vince." Tanong ko kay jean.

"Hindi ko napansin Bakla." Sabi naman ni Jean.

"May nakikita kang hindi namin nakikita Aubrey." Sabi ko kay Aubrey. Sorry! Aubrey✌.

"Hmm! Sege alis na nga kami ingat na lang kayong dalawa sa paguwi." Sabi naman ni Jean.

Pag kaalis nila ay may binulung sa akin si vince.

"Isa pang beses mo akong kurutin hahalikan kita." Sabi nya sa husky nyang boses na parang nang aakit.

"Tara na nga umuwi na tayo sa bahay nyo. Para maaga tayong makauwi sa bahay namin dahil may project akong gagawin." Sabi ko sa kanya.

"Sa ngayon bahay lang namin pero pag naging tayo bahay na natin." Sabay kindat ni Vince sa akin kaya biglang namula yung mukha ko kaya yumuko ako. "Bakit ka yumuko Ashton? May nasabi ba akong masama."

"Tara na nga." Pag kasabi ko ay pumunta na ako sa gawi ng kotse na para makauwi na at hindi kuna sya hinintay dahil kinikilig ako. Ano! Ang sabi mo Ashton kinikilig ka kay Vince?

Pag kapasok ko sa kotse ni Vince ay sumunod naman sya ang pumasok sa kotse nya at lumarga na kami papuntang bahay nila.

Author Notes:
             Maraming salamat sa mga walang sawang sumusuporta ng story ko at maraming salamat sa lahat ng nag vovote ng story ko.





Dare Of Love [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon