Reese's Point Of View
June 15 2020
Habang nag lalakad sa hallway halos lahat ng atensyon ay nasa akin. Hindi katulad ng ibang storya ang buhay ko. Kung ang sa ibang storya ang mga lalaki lang ang tinitilian at pinag papantasyahan at ang babae ang inaapi api kabaliktaran ang akin. Hindi talaga kabaliktaran, same lang dahil tinitilian din sila syempre ng mga babae. Isang grupo ng lalaki ang lagi kong nakakaway. So by the way I'm Reese Ofrenea Osi The Bitch Queen sa loob ng Saint Mary's University.
Kinatatakutan at syempre tinitingala nila. Wala naman ibang nalaban sa akin maliban lang talaga sa mga feeling kaya ako at sa mga Ugok na nasa harapan ko ngayon. As always naka poker face silang anim at halo wala kang makikitang emosyon sa mga mukha nila. They are my one and only enemy dito sa school. Hindi lang enemy-sobra pa dun kung meron pang ibang tawag dahil sa mga pambu bully nila sa akin. But-hindi sila nag tatagumpay kaya naman I don't mind kung ibully nila ako.
"Look who's here the one and only Mrs. Walker" mapang-asar na sambit ni Mike at nginitian ako ng malapad.
Tss. Isip bata. Mishiko Ken Yakimoto ang pinaka bata sa kanilang lahat. Sya ang Casanova Prince daw at syempre malikot at napaka-daldal niya.
"Mandiri ka nga sa sinasabi mo" mataray na sagot ko. Sumimangot sya pero binawi niya rin yon.
"Hi Reesybabes" flirt na bati ni Louie sa akin.
Yak! Babes your face! Louie Lamperouge ang mahangin at pinaka maingay at sa kanila. Kung si Mike ay isip bata ito naman ay isip alien. Sya ang Air Prince daw psh so disgusting name.
"Yak" I said at umakto naman sya na nasasaktan.
"Base on my calculation it's already 7:51 and we only have 9 minutes para maka pasok sa classroom" sambit ni Kit.
Psh. Weird. Kit Vargas Hindi ko masabing nerd sya bookworm or anything dahil ganyan lang naman sya, bobo rin yan sorry for harsh words pero totoo naman, and sya ang pinaka cold sa kanilang anim. Also known as the Cold Prince daw tss.
"What the heck men, kelan mo pa natutunan yan?" pang-a-asar ni Kian na akala mo matalino.
"Don't start me Kian" as usual he used his cold voice again.
Psh. Kian Drake Walker sya lang ata ang lalaking hindi nag kainteres sakin. Hindi sya ganon ka-flirt at hindi rin sya ganon ka good boy dahil isa syang bully at syempre kasama na don ang pagiging mapang-asar niya. He's also known as Black Prince.
"Tss" isa pa toh, "Ang iingay niyo na i-istress ang kapogian ko sa inyo" at ayan that's why I'm afraid na mag salita sya dahil baka bigla na lang akong tangayin ng hangin.
Ang hangin! Keovie Chase Red kapatid ni Chance na napaka-hangin na aabot sa puntong pati mga puno ay hahanginin na rin paalis. Well, babaero sya at di lang yon marami na syang babaeng na reject sa harap ng maraming tao kaya bilib na bilib sya sa sarili niya. He's also known as White Prince.
"Done?" tanong ng pinaka-peste sa kanilang lahat.
Sakanya na lahat! Keizer Chance Red ang Dark King hindi sya mapapantayan ng lahat dahil sa di ko malaman na dahilan. Isa syang mayabang, malandi, babaero, mahangin at mapang asar na nilalang. Depende naman sa mood niya kung mag haharot sya o mag susungit.
Well I guess mag susungit sya ngayon dahil ang ikli niya mag salita. "Yes at pwede na kayong lumayas sa harapan ko" Nilagpasan ko na sila at pumasok sa classroom ko.
YOU ARE READING
Why Do People Fall?
Teen FictionFalling and Hurting someone is horrible. Meet Reese and Chance to their journey.