Keizer's Point of View
Kaming tatlo lang ang nandito ngayon sa ospital. Nag-paiwan si Keo at si Ash para bantayan ako. Nasa iisang kama lang din kami ngayon at nasa gitna naming dalawa si Ashley na mahimbing ang tulog.
"Kuya... " napalingon ako kay Keo. Naka yakap si Ash sakanya habang naka higa naman si Ash sa braso ko.
"Hmm?" angit ko.
"Magiging maayos kaya ang lahat?" tanong niya. Kahit ako iniisip ko rin kung magiging ayus ba ang lahat. Wala rin akong ideya sa mangyayari. Bumuntong hininga ako.
"I don't know Keo, pagdasal na lang natin na hindi magalit si Ash sa ating lahat" sambit ko. Tumango naman sya at niyakap na rin si Ash. Yumakap na rin ako sakanila at natulog na.
..
Naka-ramdam ako ng kamay na naka hawak sa kamay ko. Pamilyar ang lambot nito at ang init ng palad niya. Hindi ako pwedeng mag kamali, kamay ito ni Mommy.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko at tama nga ang nakikita ko. "Kei.. " aniya at nag mabilisbis ang pag laglag ng luha niya. Dahan dahan akong gumalaw upang hindi magising si Ash at Keo.
"Mom... " hindi ko na rin napigilan na umiyak kaya namab ay niyakap niya ako. Tahimik kaming naiyak ng biglang na lang—"Kuyaaaa!!!!" sigaw ng isang pamilyar na boses. L-lukey...
Agad niya akong niyakap. Medyo kumirot yung sugat ko kaya medyo umurong sya sa akin. "Kuya! I miss you!" hindi na sya ganon ka bulol. 6 years old na sya ngayon nakakatuwa.
"I miss you too lil brother" sabi ko at niyakap sya. Nagulat na lang ako ng bigla niyang upuan si Ashley kaya nagising ito. Yari kang bata ka!
"Arghhh!! What the he—" napatigil sya habang si Luke naman ay natawa dahil nakita niya ang ate niya. Unti unti syang umiyak hanggang sa yakapin niya si Luke. "Totoo ba toh? hindi ito panaginip?"
"Ate Keit, why are you crying?" tanong sa kanya ni Luke. Umiyak na ng tuluyan si Ash at niyakap ng mahigpit si Luke.
"Anak" ani Daddy at niyakap kaming tatlo. Nagising na rin pala si Keovie at nililikot na rin ni Luke. Ang saya saya na naming tingnan.
Hindi ko na alam ang nangyayari, panay saya na lang ang nararamdaman ko ngayon. Kala ko tatagal pa ang pag papakita nila sa amin. Hindi ako makapaniwala na wala manlang miski isang salita si Ash. Paano kung malaman niya na tinago namin ni Keo sakanya to ng halos dalawang buwan?
"Kuya... " naramdaman ko na lang na hinawakan ni Ash ang kamay ko. "Alam ko na, matagal na... nahuli ko kayo ni Kuya Keo na nag uusap at alam ko kung ano ang dahilan" sambit niya. Hinalikan ko na lang sya sa noo at nginitian. Kahit na malditah yang batang yan mahal na mahal ko yan.
*knock *knock
Pinag buksan sya ni Mommy at ganon na lang ang gulat ni Reese ng makita ang mga magulang ko. "Mom.. It's Reese my girlfriend" sambit ko kaya naman pina pasok na sya ni Mommy. Hindi naman naka ligtas si Reese sa mapang-asar na ugali ni Ash.
"Look at her Luke, girlfriend sya ni Kuya Kei natin. Ang pangit noh?" at nag hagikhikan silang dalawa. Kita ko ang sama ng mukha ni Reese kaya naman pinalapit ko sya sa akin at hinawakan ang kamay. Baka sabunutan niya bigla yung mag kapatid hahaha.

YOU ARE READING
Why Do People Fall?
Genç KurguFalling and Hurting someone is horrible. Meet Reese and Chance to their journey.