Keizer's Point Of View
Ang takaw takaw niya talaga. Nakakatuawa syang panoorin. Hindi ko ma pigilang matawa at mapangiti sa itsura niya habang nakain. Iniabot ko pa sakanya yung isang fries at sundae na para talaga saakin. Nahiya naman kase yung tyan ko sa tyan niya. Mukhang marami pa ang space. Para syang si Ashley parehas silang masama ang ugali pero nabait kapag may pagkain.
"Crush mo na naman ako" sabi niya kaya natawa ako.
"Tss. Gaya gaya ka" sabi ko at ngumiti lang naman sa akin. Hindi pilit totoo totoong ngiti na ngayon ko lang nakita.
"Tss. Inlove ka na naman sa akin, nangiti ka mag isa iniisip mo na naman ako" sabi niya kaya mas lalo pa akong natawa.
"Lapit dito" sabi niya kaya inilapit ko ang mukha ko sakanya kahit na nalilito. May tinanggal sya sa mukha ko, mag t-thank you na sana ako at lalayo na ng biglang may mag salita.
"Ang sweet" sabay kaming napatingin don at sabay ring humarap-wrong move! Baka magalit sya!
Reese's Point of View
Putangina! Hindi ko alam kung kinikilig ako o naiinis o natutuwa o nandidiri. Ang lakas ng tibok ng puso ko at parang gusto ng lumuwa. Mukhang nagulat di sya sa nangyare kaya hindi sya maka galaw. Naka dikit parin ang labi namin sa isa't isa kaya bago pa man may iba pang makakita maliban sa bwiset na si Kian eh lumayo na ako.
"Ang sweet niyo hah" sabi ni Kian at tumawa.
"Par dun tay-Oi! Ano yan hah? Gf mo tong panget na toh Kuya?" gigil kong tinignan si Ashley at sinamaan sya ng tingin.
"Ikaw wag kang epal dyan! Mas panget ka sa aken remember?" sabi ko pero tumawa lang sya.
"Ano ako salamin? Para makita yang panget mong mukha saken duhh" sabi niya kaya kinuha ko yung tinidor ko. Nag make face naman sya saakin.
"Ilayo mo saken yang bestfriend mo Kian sasaksakin ko yan ng tinidor" tatawa tawang nilayo ni Kian si Ashley sa amin.
Walang hiya talaga ang babaeng yon. Nakaka panginig buto sa inis katulad ng Kuya niya! Tiningnan ko si Keizer at sinamaan sya ng tingin.
"Bakit ka lumingon?!" hasik ko sakanya.
"Aba! Kasalanan ko pa!?" sambit niya hindi sya naiinis, parang nag pipigil. Ewan ko kung anong pigil ginagawa neto!
"Umuwi na nga tayo! Papatayin talaga kita e!" sabi ko at nagpamauna akong lumakad sakanya. Sya naman daw mag babayad hehehe.
Mabalis akong nakapunta sa parking lot ng mall kaya naman hinanap ko na agad yung kotse nung kupal na si Keizer. Hindi naman ako nagkamali at nahanap ko rin yon.
Matagal pa yon dahil kukuhanin pa niya yung mga binili namen. Tss bahala sya don mag buhat para naman yon sa bebe niya. Tinulungan ko na sya mag hanap at pumili ng gusto ng babaeng yun kaya goods na ako don.
*Smile*
Napahawak ako sa labi ko at hindi napigilan mas lumawak ang ngiti. Napapa isip ako, ano kayang nasa isip niya ng mga oras na magka dikit ang labi namin. Napa pikit na lang ako at napasandal sa bintana ng kotse.

YOU ARE READING
Why Do People Fall?
Teen FictionFalling and Hurting someone is horrible. Meet Reese and Chance to their journey.