Reese's Point of View
August 10 2020
Monday ngayon. Kung nag tataka kayo kung bakit may pasok ang Saint Mary's ng saturday at sunday ay dahil nag hahabol kami ng lesson. Malapit na kasr ang intrams at magiging two weeks daw dahil sa dami ng program. And kahapon may nag advance greeting sa akin. At yung taong yon ay yung mahal ko pa hehe.
Kaya pala sya nag aya kahapon dahil riregaluhan niya daw ako at mag c-celeb ng birthday ko kasama sya. Well hindi naman sya nabigo na pasayahin ako. Kumain kami sa Jollibee which is my favorite. Nag laro kami sa time zone. Binilhan pa niya ako ng mga damit at syempre nagkaroon pa ng alitan between me and yung staff nila. Ang landi naman kase. At syempre tumambay muna kaming dalawa sa may seaside ng MOA diba!
Flashbacks...
"bakit mo ako inaya dito?"
"malalaman mo din bukas" sambit niya kaya naguluhan ako.
"Bakit mo ako hinalikan kanina?" tumawa naman sya at tinitigan ako.
"bat ka tumugon sa halik ko kanina?" tatawa tawa niyang tanong sa akin.
Oonga noh! Shunga shunga ka ghourl! May pag tanong ka pa ikaw din naman itong si tugon sa halik niya.
"Eto na nga tatahimik na ako!"
End of flashbacks....
Ngayon ko pa daw malalaman kung bakit niya ako niyaya kahapon. Siguro malalaman ko na pinag lalaruan niya lang ako? Wag naman sana. Birthday ko naman na ngayon ayokong masaktan ako hahaha.
"Reese! Bumaba ka na dahil pa aayusan ka na" sigaw ni Mommy sa baba.
Bakit ba kase kaylangan pa akong ayusan? Hindi ko alam kung anong magiging ganap ng birthday ko ngayong 20 years old na ako. Hindi naman pwede na mag debut ako dahil 18 years old lang naman yon. Pero nakakalungkot isipin na hindi ako debut hahahaha. Nag away kase si Mommy and Daddy non kinabukasan ng birthday ko, so hindi ko na lang sila pinag handa dahil hindi rin masaya kung mag kaaway silang dalawa.
But past is past. 20 na ako kaylangan mag move one okay?
"Bakit pa kase kaylangan ayusan? Hindi naman ako mag d-debut ah" sambit ko ng maka baba na ako. Nakita ko naman yung mga hairstylist ni Mommy at yung make up artist niya. "Ay lintokan Mommy ano ba ang mangyayare at napaka aga pa pero mag m-make up na agad ako?" natawa naman sya.
"Wag ka mag alala hindi lang ikaw" sambit niya at nakita ko naman sila Serina sa may garden na mine-make up-an na. Ngumiti pa sila sa akin dahil may pa libreng ayus ng kuko.
"Anong kulay ng buhok ang gusto mo? At mag papagupit ka pa ba o hindi na?" ani Mommy.
"I must prefer golden brown" sambit ko at naupo na sa may garden katabi ni Dawn.
Kita ko na naiirita na sya pero maya maya lang ay ngumiti sya. Kinukulayan kase ang buhok niya tss. Ako naman nanahimik na habang inaayos na rin ang buhok ko. Sinabi ni Mommy sa nag aayus sa akin kung ano yung kulay at syempre ginawa naman ng staff niya. Habang nag babasa ako sa wattpad biglang may nag notif ng chat.
Malamang hindi naman kase nag ka karoon ng chat head sa iPhone noh. Binasa ko na ang chat ni—Keizer hihi.
Keizer: Pasabi kay Tita sorry alam na niya yon hehe

YOU ARE READING
Why Do People Fall?
Fiksi RemajaFalling and Hurting someone is horrible. Meet Reese and Chance to their journey.