Reese's Point of View
August 12 2020
Nagising ako ng maramdaman ang init na tumatama sa binti ko. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng pasan ko. Unti unti naman ako nag mulat at-"Wahhh!!"
Bakit katabi ko si Keizer matulog? Naka gown pa ako at naka suit pa sya. May nangyari ba kahapon? Nasuko ko na ba ang bataan?-"Fuck this Ree can't you fucking see? we're sleeping!" sambit ni Nics na nasa paanan ko habang yakap yakap si Louie. Naka gown din sya at naka suit din si Louie.
"Goodmorning" masiglang sambit ni-Mike at Dawn na nakain na naman. Jusko! May sawa ba sa loob ng tiyan ng mga ito?
Shete! Andito pala lahat ng kabarkada ko. Pero wala si Kian at si Ash-"Mag si gising na kayo!!!!" inis na sigaw ni Ash kaya naman napa-bangon tong katabi ko ganon din ang iba pa naming kasama.
Hindi na sya naka gown at syempre ano pa nga ba ang suot niyan? Kundi over sized shirt at pajama na nike. Ang simple talaga niya yet boyish.
"Ash naman pati ba naman dito sa ibang bahay bossy ka?" tanong ni Keo. Aba ang Ate mo Ashley tinaasan lang ng kilay ang Kuya niya. Bilib ako sa katapangan ng isang toh hahaha!
"Edi wag kang bumangon wag kang kakain" sambit niya.
"Ashley naman! Malditah ka talaga umuwi ka!" utos ni Kei pero nag cross arms lang sya.
"Kuya baka nakakalimutan mo, may pupuntahan tayo ngayon?" mataray na sagot nito. Ang cute nilang tatlo hahaha.
"Arghhh eto na eto na tatayo na kami ni Keo" tumayo na si Kei at sinipa naman niya si Keo. Lumabas na si Ash at sumunod naman ang iba. Pati sila Mike na dala dala ang pagkain nila. Naiwan si Kei at nagulat ako ng bumalik sya sa pag kakahiga at yakapin ako.
"Goodmorning" at hinalikan niya ako sa labi. Smack lang naman. Tangina! Gusto ko na grumaduate! Pakakasalan ko na ang isang toh!
"Kuyaaaaaaaaa!!!!" nakita ko naman ang pagiging iretable niya. Tumayo na ako kaya naman tumayo na rin sya.
"Makinig ka na kase sa Ate niyo hahaha"
"Mas matanda pa sya umasta samin dahil sa ginagawa niya" inis na sambit niya. Totoo naman kase, mas isip bata pa mga Kuya niya kesa sakanya.
"Nako wag kana mainis at bumaba na kumain ka na mag papalit lang ako" sambit ko sakanya at ngumiti naman sya ng nakakaloko.
"Ako na lang mag bibihis sayo, mula ulo hanggang paa" at tinaas baba pa niya ang kilay niya. Gago talaga si tanga!
"Wahhh!! Gago kaaa!!" sambit ko ng unti unti syang lumapit sa akin. Wahhh tulungan niyo akooo!!
"Kuya! Mamaya na yan bahala ka hindi kita tutulungan-"
"Oy! Wala naman ganyanan baby sis eto na nga eh bababa na!" tumingin sya sa akin at para bang sinasabi na mamaya ka saken look. Gagi amputa.
Inayus ko na ang sarili ko at nag palit ng short at t-shirt. Nag toothbrush din ako at bumaba na. Nakain pa rin sila at sila Mommy at Daddy naman ay natatawa kila Kian at Ash na nag aaway na naman.
"Manahimik ka nga dyan! Susungalgalin kita!" inis na sambit ni Ashley.
"Bakit? Ano bang masama sa tawag ko sayo babi?" mapang asar na sambit ni Kian.

YOU ARE READING
Why Do People Fall?
Novela JuvenilFalling and Hurting someone is horrible. Meet Reese and Chance to their journey.