Reese's Point of View
August 1 2020
Halos isang buwan na rin ang naka lipas ng panliligaw sa akin ni Cyrus. Paulit ulit lang sa araw araw at walang ibang magandang nangyayari. Lumipat na rin ang bunso nila Kei na si Ash dito sa Saint Mary's dahil may ginawang kabalastugan ang gaga'ng si Addison kaya napa talsik si Ash. Hindi ko nga alam bakit napa-alis si Ash eh kung kanila naman ang paaralang pinapasukan niya.
But then, wala pa ring nag babago. Hindi ko maintindihan sya pa rin ang gusto ko. Hindi ko naman din mapigilan sasabog na ang utak ko. Hindi ko alam kung pano pa titigilin si Cyrus dahil ayaw ko ng patagalin pa. Masasaktan lang sya lalo kapag pa tuloy ko pang hinayaan syang manligaw. Sa mga bawat araw na sya ang kasama ko, naaalala ko yung mga kulitan at asaran naming dalawa ni Keizer. Hindi ko tuloy maiwasang maguilty.
Sya yung kasama ko pero iba naman ang nasa isip ko. Nahihiya na rin ako dahil mayaman naman kame pero panay sya lang ang nagastos sa date namin. May mga bagay rin syang nireregalo sa akin at syempre hindi naman ako maka tanggi. Hindi ko alam kung pano sisimulan.
Kasalanan toh lahat ng puso ko eh. Kung di lang sana nahulog kay Keizer hindi sana ako nag iisip kung paano pa titigilin yung taong andyan para sakin kahit alam naman niya na si Keizer ang mahal ko. Alam ko naman na hindi rin ako magugustuhan ng isang yon eh. Bakit pa ako aasa?
Nandito ako ngayon sa garden namin, kanina pa occupied ang utak ko. Hindi pa ako nakain ng umagahan at tanghalian anong oras na. Hindi ko rin alam kung sasama pa ba ako kay Cyrus sa alis niya mamaya. Mas mabuti na sigurong sabihin ko sakanya na masama ang pakiramdaman ko kaya hindi ako maka kasama.
Totoo naman, masama talaga ang pakiramdam ko. Sa isiping palang iiwan ko ang taong mahal ako at ipag papalit ko sa taong hindi ako mahal ay nalulungkot na ako. Gulong gulo na ako. Bakit ba kase tayo nabuhulog sa isang tao?
Ps: Naguguluhan talaga si Author sa mga may alam Why Do People Fall pa answer hehehe comment here ------->
Ang alam ko naiinis ako sakanya galit ako sakanya buwisit ako sakanya pero bakit ako nahulog sakanya?
Siguro there's no really exact reason kung bakit natin na gugustuhan or bakit tayo na huhulog sa isang tao. Siguro masyado lang talaga tayong na-a-attach so parang ang nangyayari napapalapit tayo sa taong yon and dun nag uumpisa mabuo yung feelings mo para sa taong yon.
Pero, that's only my opinion. Kapag mahal mo kase hindi ka mag hahanap ng dahilan para mahalin mo sya, dahil kung mahal mo sya kaylangan mo sya dahil sya ay sya.
Pumasok na ako sa loob at dumiretso sa kusina. Nadaanan ko pa yung dalawa na nag lalandian. Nakita ata ako ng evil sister ko na padating kaya umupo sya sa harap ni Keizer at inis-smackan ng halik. Pilit kong tinatanggal ang tingin ko sakanila pero wala talaga. Nakikita at di ko mapigilan na hindi sila tignan....
Nag seselos ako.
Dumiretso na lang ako sa kusina at kukuha na sana ako ng pagkain ng may—"Wahhhh!!!!" agad akong nag tata takbo at sa bilis ng pangyayari nakita ko na lang ang sarili ko na buhat buhat ako ni Kei habang yakap na yakap ako sakanya at ang binti ko ay naka-pulupot sa bewang niya. "Patayin niyo yung ipisss!!!" naiiyak na sigaw ko.
Hindi ako nabitaw sakanya hanggang sa unti unti kong naramdaman ang pag yakap niya sa akin. Nagulat ako ng una pero hindi ko pinahalata at nag kunwaring natatakot pa rin. Gusto ko kahit dito lang mayakap niya ako. Mas hinigpitan ko pa ang pagyakap sakanya at nag sisisigaw. Unti unti naman syang nag lakad papunta sa dinning table at ibinaba ako don. Naka-upo ako doon habang sya naman ay naka-tayo sa pagitan ng binti ko at titig na titig sa mga mata ko.

YOU ARE READING
Why Do People Fall?
Ficțiune adolescențiFalling and Hurting someone is horrible. Meet Reese and Chance to their journey.