Chapter 22 : Yes?!

20 4 6
                                    

Reese's Point of View







Kringgggg.....



"Hello Louie?"



[Pumunta ka na dito sa happy up daw cafe! kung gusto mo pang maabutan na buhay si Keizer!]



"Gago ka ba—"



[Mag papakamatay si tanga! napilitan ka lang daw na sabihing gusto mo sya pero ang totoo si Cyrus daw talaga mahal mo—]



"That fucking moron"



Hindi ko na inisip pa ang suot ko kung maayos ba o kung ano basata deretso lang ako sa kotse ko at pumunta sa paboritong shop ko. Bobo ang isang yon! Papakamatay ba naman dahil lang sa lintik na dahilan na yon! Ululen ba sya? Nang gigigil ako sakanya!



Hindi rin nag tagal ay naka dating na ako doon. Natataranta na rin ang mga staffs and waiters nila kaya mas lalo pa akong kinabahan.



"Asan si Keizer?" tanong ko sa mga staffs. Kilala naman si Keizer dito dahil isa rin sila Tita sa stock holders kaya agad nilang tinuro na nasa fourth floor daw at tatalon na.



Pag akyat ko don ay—"Panalangin ko sa habang buhay... makapiling ka... maka sama ka yan ang panalangin ko... " kanta ni Kian habang nag gigitara.



"Wala nang iba... pang mas sasarap pa.. sa tamis ng ating pag ibig minamahal kita..."



Yung totoo, bakit nakanta si Ash at Kian? At bakit ang ayos ng lugar na ito? Iyak ako ng iyak habang sila may pag kanta kanta pang nalalaman. Bigla na lang lumabas si Keizer sa may gilid na buhay na buhay at suot ang damit na gustong gusto kong ipasuot sa kanya.



"A-anong ibig sabihin nito?" iyak pa ring tanong ko. Napatingin ako sa mga kaibigan namin sa likod, nakangiti sila habang sinasayaw ang mga bebe nila. Syempre sila Dawn at Mike walang pakielam dahil kain lang ng kain.



"Andami mong alam tangina ka!" sambit ko at pinag hahahampas sya ng kamay ko. Ni hindi ko na na ayos yung damit ko. Hindi ko man lang nakita kung presentable akong tignan.



Naka yellow ako at naka pants lang. Simple lang sya. Pero nakakainis pa rin ang ginawa niya. May part na kinikilig ako ang kaso lang mas nanaig yung inis ko dahil sa pag aalala. Mukhang tanga tong isang toh tawa pa ng tawa.



"Sumayaw na kayo napapaos na ako!" pag susunget na naman ni Ashley syempre. Nag tawanan naman kami lalo na si Kian na inakbayan sya.



"May I?" kinuha na niya ang kamay ko at nag umpisa naman na kaming sumayaw. Naka-hawak ako sa balikat niya at naka hawak naman sya sa bewang ko. Nag sayaw lang kami hanggang sa matapos ang pag kanta nila Kian at Ash.



"Kainan na! Gutom na ako! Par kain na tayooo!" pag mamakaawa ni Ashley kay Kian. Agad naman natawa si Kian pati na rin kami. Hinainan sya ni Kian at kumain silang dalawa sa may gilid na table.



Actually, maraming table hindi lang para sa amin ni Keizer. Dito na rin pala sila mga kumain. Nag susubuan sila Milly at Kit pati na rin sila Serina at Keo. Sila Nics at Louie naman nag aaway na naman syempre. Si Kian titig na titig sa bespar niya daw at todo lang naman si kain tong si Ash. Sila Mike at Dawn kanina pa tapos kumain kaya naman nag ga-gadgets at nag babasa na ang dalawa. Kaming dalawa ni Kei? Mag ka titigan pa rin.



"I have something to tell you" sya na ang nag basag ng katahimikan naming dalawa. Tumahimik ang paligid at nag umpisang tumugtog ang paborito kong kanta ng FM static.



Why Do People Fall?Where stories live. Discover now