Chapter 26 : Crowd

12 2 0
                                    

Keizer's Point of View




Nakain kami ngayon dahil kaylangan namin pumunta ng school, it's our last training ngayong umaga dahil mamaya na ang laro namin. Kanina pa naka-busangot si Ash dahil binawasan ni Mommy ang pagkain niya, matutuwa raw syang kumain ng kaunti dahil baka sya raw ay tumaba.


"Mom.. balik mo na kay Keit iiyak na sya oh, at hindi sya tataba" sambit ni Keo na hinihimas na ang likod ni Ash ngayon dahil naluluha na. Tumatawa naman si Luke sa tabi ko kaya natawa din ako.


"And how would you know?" maotoridad na tanong ni Daddy kaya tumawa kaming dalawa ni Keo. Inilabas niya ang phone niya at may pinanood sakanila.


Yun yung compilations kung gaano katakaw si Ash pero hanggang ngayon ay slim pa rin sya at matangkad pa rin. Mas bumagay nga sakanya ang suot niyang Jersey na pang volleyball ngayon na silk ang tela at color blue and white. Kaso lang ang ikli kaya naiirita ako.


Nagkaroon ng katahimikan hanggang sa tumawa sila Mommy kaya nahawa na kami. Tatawa tawang ibinalik ni Mommy ang kinuha nya kay Ash at kumain na. Bigla naman ulit umaliwalas ang mukha ni Ash kaya natawa pa kami lalo.


*ding *dong


"Yaya paki-buksan" utos ko sa maid na naka-tingin sa amin habang nakain kaming lahat. Yumuko naman sya sa akin atsaka ginawa ang utos ko.


"Hi Tito! Hi Tita!" sambit lang ng kaka pasok lang na si Kian. Bigla naman tumayo si Ash at "Mommy aalis na po ako babye" humalik sya sa pisngi ni Mommy at Daddy niyakap ni si Luke at ganon din ang ginawa niya sa amin ni Keo.


Anyare don? Bakit sya umalis? Narinig ko na lang ang pagharurot ng sasakyan niya na ikinagulat ko. Hindi niya ginagamit ang kotse niya maliban na lang kung si Kian ang mag dadrive—nag away kaya sila? O inaway ni Kian?


"Inaway mo si Ash?/ Inaway mo si Keit?" sabay na tanong naming dalawa ni Keo na may nakapukol na masamang tingin sa kanya. Agad naman syang napa atras. Nag pabuhat si Luke sakanya, bumuntong hininga sya.


"Ayaw akong pansinin kahapon pa, hindi naman kami nag away iniiwasan lang ako ng iniiwasan kaya naman pinuntahan ko ngayon. Kaso lang iniwasan na naman ako" bakas ang lungkot sa mukha ng mokong kaya naman may isa akong nahalata.


"Gusto mo ba si Keit?" mukhang pati si Daddy ay nahalata. Ngumiti naman sya ng mapakla. "Kahit naman ho gusto ko si Ash hindi niya ako gusto hahaha" nag peke sya ng tawa at ibinaba si Luke matapos niyang halikan sa pisngi. "Una na ho ako susundan ko na lang po si Ash hanggang sa mag bati kami, bye tito bye tita.. una nako men" tumango lang kami ni Keo at umalis na sya.


"Sabi na eh, gutso niya ni Ate Keit!" bulol na sambit ni Luke kaya nag tawanan kaming lahat. May kinuha si Mommy sa likod ng pintuan na may damit. Iaang pulang box.


"I want you to propose to her, ikaw na bahala mag plano basta ngayon dapat ay engaged na kayo" sambit ni Daddy matapos ibigay ni Mommy sa akin ang pulang box.


I smiled. "My pleasure" I'm yours now my wife.




Reese's Point of View




Nandito ako ngayon sa volleyball court. Kasama ko si Ashley na wala ngayon sa sarili. Humahangos sya ng dumating sya dito at sinabi sa amin na wag daw mag papapasok ng boys, kaya ginwa na lang namin. Chombagin pa kami ng isang toh mahirap na.


Nilapitan ko sya. "Ash... " binigyan ko sya ng bottle water at tinaggap naman niya iyon. "Ayus ka lang?" tanong ko sakanya. Ngumiti lang naman sya ng mapakla.


Why Do People Fall?Where stories live. Discover now