Reese's Point of View
Ga-graduate na rin ako sa wakas. After ng four years gagraduate na ako. Mahirap ang buhay college dahil sobra talaga syang hussle.
Dagdag niyo pa ang lovelife na kasama talaga sa buhay namin. Hindi naman mawawala iyon eh. It's part of our teenage life.
Syempre, lahat naman ng estudyante ay gustong maka-gradute diba? And lahat rin naman ay gustong makatapos sa mga kursong kinuha nila.
That's why, graduation days is the most beautiful part sa pag aaral. Hindi lang dahil makakatakas ka na sa assignments at projects, kundi dahil matutupad mo na rin ang mga pangarap mo.
Kung may natutunan man ako sa nangyari sa buhay ko ngayon, yun ay yung matuto akong makiramdam. Hindi kase sa lahat ng oras kayang mag sabi ng lahat ng nararamdaman nila.
Gaya ng teachers ko na palagi kong nasasagot. Ramdam ko na nasasaktan sila sa mga sinsabi ko kaya naman nag sorry ako sa kanila.
But one question is running inside my mind right now. Why do people fall?
I don't know either, hindi kase ako nag hanap ng dahilan kung bakit mahal ko si Keizer at bakit ako nahulog sakanya.
Maybe sa mata ng iba, kaya ko nagustuhan si Kei ay dahil sa pogi sya at mayaman. But for me isa lang ang alam ko....
I love him because he is Keizer. The one and only Keizer.
Diba? there's no really exact reason kung bakit tayo nahuhulog. Kaya naman someone out there, if you loved someone at may nag tanong sainyo kung bakit niyo mahal ang isang tao at hindi niyo alam ang isasagot.
Simple lang, sabihin niyo lang laman ng utak niyo. Kung mahal mo kase ang isang tao, hindi ka mag aalinlangan sumagot or ipagmalaki sya.
Parang ang dami ko namang alam sa pag ibig eh tinuruan nga lang din ako ng kapatid nitong katabi ko. Agad na natapos ang graduation namin at dumiretso kami sa Mama's Walker House.
"So tomorrow is your wedding are you excited?" tanong ni Tita Kaith sa amin. Nag katinginan kaming dalawa ni Kei at sabay na ngumiti.
"Wag nga kayong ngumiti" sita sa amin ni Ash kaya natawa kaming lahat. Napaka bitter talaga ang isang ito kahit sila na naman ni Kian.
"Wifey wag ka nga masyadong bitter dyan, papakasal din tayo next month wait ka lang!" inirapan lang naman ni Ash si Kian kaya mas nag tawanan sila.
"Wag next month, honeymoon namin ni Reese yun hindi pwedeng hindi ako aattend sa wedding ng kapatid ko" ani Keizer kaya naman nag tawanan sila Daddy.
"Son, may apo na ba ako?" tanong ni Tito Kent. Tumawa naman sila Tito Dom at Daddy. "I want triplets" suggestion ni Daddy. "Maybe quadruplets" sambit naman ni Tito Kent. "I'm out kay Ashley ko hihilingin ang sampung apo"
Napa-buga naman ng tubig si Ashley at sakto yun sa mukha ni Kian. "Tito grabe ka saken, hindi naman ako naglalabas lang ng bata ano iri lang ng iri? hindi kakayanin ng ovary ko yun" sambit niya kaya nag tawanan kami.
Pinunasan niya si Kian at hinalikan sa labi. It's just a peck of kiss para lang siguro makabawi sa pag buga ng tubig sa boyfriend niya.
YOU ARE READING
Why Do People Fall?
Genç KurguFalling and Hurting someone is horrible. Meet Reese and Chance to their journey.