Reese's Point of View
"Cy, una pa lang binalaan na kita diba? Una pa lang tinanong ko kung seryoso ka, sabi mo oo and you're taking the risk for me because you love me" sambit ko at pinunasan ang luha ko. "Pero bakit kasala nan ko pa ngayon kung bakit hindi kita mahal" sambit ko pa. "Patago akong nag mamahal dahil alam ko una pa lang hindi na niya ako magugustuhan"
"Kaya nga andito ako!—"
"Pero sya nga ang hanap ng puso ko!" napa sigaw na ako sakanya at doon sya natahimik. "Masaya ako nang dumating ka. Naging masaya ako kahit papaano kahit na hindi sa piling niya sumaya ako. Pero sa bawat araw na mag kasama at masaya tayo, napapaisip ako na siguro mas masaya kung sya na lang yung kasama ko" sambit ko pa sakanya na mas lalong nakapag patahimik sakanya. Alam ko na masakit pero kaylangan niya malaman ito. Inilabas niya ang iPhone niya at may pinanood sa akin na video at pictures. Nakangisi sya habang ako mangiyak ngiyak na sa nakikita ko.
Mahal ba talaga ako ng isang toh? Bakit parang masaya pa sya na nakikitang nasasaktan ako sa mga nakikita ko? Alam kong mali ang nagawa ko, pero hindi naman tama na gumanti sya at mas masakit pa don. Hindi ko alam na ma gagawa niya sa akin ito, akala ko mahal niya ako pero masasabi pa bang pag mamahal yun kung dahil sa nasaktan sya eh sasaktan niya rin ako sa parang mas i kakadurog ko?
"Sabihin mo sa sakin sa lahat ng ginawa mo, sa tingin mo iisipin ko pa na mahal mo ako? Ginamit mo ang taong alam mong mas ikakadurog ko pero di mo man lang naisip yon" sambit ko at nilayasan sya.
Hindi maganda ang pakiramdam ko at ang sakit sakit ng mga nangyayare ngayon, sana isa na lang itong panaginip o mas mabuting sabihin kong babungungot.
......
August 9 2020
Isang linggo na akong hindi nag papakita sa kanila dahil sa nangyare. Masama ang loob ko dahil nakita rin pala nila yun. Hindi ko magawang magalit dahil hindi naman nila kasalanan. Hindi ko rin magawang magalit dahil hindi naman sa akin si Keizer. Wala akong ibang malapitan at mapag sabihan ng nararamdaman ko. Kahit sino sa mga kaibigan ko.
Kringggg....
Ashley Demon is now calling....
"Hello Ash" sambit ko habang nasinghot dahil naiyak pa ako. Narinig ko ang pag buntong hininga niya.
[Susunduin kita dyan ngayon wait me]
Hindi ko alam pero napahagulgol na lang ako ng iyak. Sa wakas kahit na kaaway ko ang isang toh makakasama ko sya. Gusto ko lang ngayon na may maiyakan at yung makikinig sa mga hinanakit ko. Napunta sila Milly dito pero hindi ko sila hinaharap. Ayoko ng sermon nila gusto yung pakikinggan nila ako.
Ashley's Point Of View
*dingdong*
Agad akong pinag buksan ng maid nila at pinapasok. Nasa may pintuan pa lang ako ng harangin ako ng bwiset na octopus na ito. Tiningnan ko sya ng malamig at mukhang natakot naman sya dahil medyo napalayo sya.
"At bakit ka nandito?"
"Hindi ikaw ang pinunta ko" hinawi ko sya at nakita ko si Tita Raisy kaya naman agad akong nag mano sakanya.

YOU ARE READING
Why Do People Fall?
Novela JuvenilFalling and Hurting someone is horrible. Meet Reese and Chance to their journey.